miss ko…

meron pala dapat akong pre-vacation post.. pero syempre na late ako ng pagpost.. sana pagtiyagaan ninyo…

miss ko ng magtampisaw sa ulan (at uminom galing sa alulod na may ebs ng pusa)
miss ko ng mamalengke sa palengke (na laging pag uwi ko ay may putik ako sa likod ng binti ko)
miss ko ng tumambay sa suking tindahan (at manyakin yung magandang anak ng may-ari nung tindahan)
miss ko ng uminom sa bote ng softdrinks (na makikita mo pa yung kalawang sa nguso ng bote)
miss ko ng manood ng tv (yung maghapon ka lang sa bahay at nanonood ng drama sa hapon)
miss ko na ang maglaro ng Video Games (lalo na kapag unang araw ng sembreak… ihi at pagkuha ng pagkain ang pahinga)
miss ko ng mag-experiment sa kusina namin (maling + toyo + ketchup + mayo + itlog = busog!)
miss ko na ang mag magic cards (tap mana, double dark ritual, sengir vampire, done!)
miss ko na ang PC ko (madaming porn yun)
miss kong maligo sa pinas (yung saktong nagshampoo ka at nagsabon tapos nawalan ng tubig.. classic)
miss ko na tindahan ni aling orang (masarap kasi yung sago niya na 2.50, yung saging con hielo na 5 pesos at yung monay na may palamang giniling worth 2.5.. panalo!)
miss ko na si mang perds (yung video game rental na kung saan ang banyo ay nasa baba at lagi naming hinihintay na lumabas yung asawa niyang bagong ligo… libre din ang icedrop kapag naka isang oras kang naglalaro)
miss ko na mga pamangkin ko (kahit hirap akong mag english.. mahal pa rin nila ako)
miss ko ng magbasa ng FHM (masarap magbasa ng articles nila.. pramis)
miss ko ng mangulangot (yung kulay black yung kulangot mo dahil sa nalanghap mong polusyon)
miss ko na ang divisoria (sa dami ng nabibili ko dito na pwede ko muling ibenta)
miss ko na ang lrt (the smell of amoy pawis na people)
miss ko na ang dati kong trabaho (dami kasing artista na pwedeng magpapicture)
miss ko na brothers burger (sarap kasi ng burgers nila eh)
miss ko na ang sardinas ng pinas (mahilig ako sa medyo maalat eh)
miss ko na ang ginisang ampalaya (mahal ampalaya dito eh)
miss ko na ang taho (yung mainit init pa at madaming arnibal)
miss ko na ang mais (yung nilalako na pinakuluan gamit ang tubig kanal)
miss ko na jollibee (nakakamiss pala talaga ang chicken joy)
miss ko ng tumambay kina lonlon (kasama ko yung mga pinsan kong si ombey at lonlon)
miss ko na ang baha (at ang mga floating objects tulad ng ebs at patay na pusa)

hay.. halos lahat ng yan ay nakita ko at naranasan kong muli.. well yung iba lang, hulaan na lang ninyo kung ano yun .. pero ang sarap pa rin… those were the days.. no worries…

9 thoughts on “miss ko…

  1. miss ko na rin un pot ung tumambay sa harap ng tindahan iinum ng sopdrinks na nakaplastik, magyayabang sa bagong t-shirt at bagong gupit,
    uyy may experience si arnie.. ehehehehe

    ung makikipagsiksikan sa santolan station bababa ng boni haiii..
    ahahaha.. reminiscing….

    onli in da pilipins..
    korek!

  2. haaaaay hirap talaga nyan pot…di bale gayahin mo na lang ako nag cocountdown na ulit sa muling pag uwi…
    gets mo? mismo!
    OH NO! YOU DON’T MEAN…

  3. puro kelokohan.. hahhaa… pateh pangmamanyak sa anak ng may ari ng tindahan e namiss mo.. binabasa b ng asawa mo ang blog mo? ahahaha
    sa kasamaang palad.. di binabasa ng asawa ko ang blog ko.. at sinasabi niyang mahal niya ako.. pfftt…

  4. miss ko na ang baha (at ang mga floating objects tulad ng ebs at patay na pusa)


    iba ka talaga pots! nyahaha.. napapatawa talaga ko ng blog mo (worship) lolols.
    uyy thank you mumuganda! *hugz*

  5. anong porn ba nasa pc mo? share naman dyan haha! hakhak yung mga articles ng FHM err di ko lam yun.. ok, joke
    aba.. bata ka pa para manood ng porn… at oo maganda ang articles ng FHM.. itanong mo kay Asia…

  6. kalungkot naman…. parang naimagine ko na kung anong mamimiss ko pag umalis ako ng pinas…
    kaya isa-isahin mo na glesy.. ehehehehe

    pero natawa naman ako sa mga namiss mo… parang naiimagine ko pa nga yung bawat scenario.. parang film showing lang.. cheers;p-glesy the great
    hay.. kung alam mo lang.. parang gusto kong bumalik sa nakaraan.. time space warp.. ngayon din!! tagay pa glesy!

  7. nakalimutan mo ang pandesal na kapag lumamig na ay masarap pa rin kapag sinawsaw sa mainit na kape; pati yung bagoong na maanghang na manamis namis partner ng kinalabaw na manggang hilaw; pati yung mga street children na kumakatok sa mga salamin ng sasakyan kapag red light sa traffic… dami noh? pero nakakamiss pa rin tlga ang pilipins..
    ayy oo nga.. hihihi nakakamiss talaga ang pinas…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s