Whatnantotchangever 10…

Salamat kay Libay, hindi na ako mahihirapang mag-isip ng ipopost ko dito, ang rules nito ay maglagay kayo ng 10 bagay-bagay tungkol sa iyo, 9 dito ay totoo at 1 dito ay kwentong barbero o gawa-gawa lang.. pero dahil isa akong sira-ulo.. babaligtarin ko ang rules ng sa akin… 9 dito ang di totoo at 1 lang ang masasabing.. AHHH SI POTPOT NGA YAN!.. now let us begin!

1. Binalak kong mag pari noong nasa high school ako dahil bukod sa maganda ang kotse ng kura paroko namin, ang kapal pa ng wallet niya na puro 500…

2. Nakakain na ako ng hopia sa na expose na restaurant sa quiapo noon sa Imbestigador… in fairness masarap siya, at dahil doon nagka Hepa A ako…

3. Muntik na akong ma rape ng baklang parlorista sa amin noong ako ay high school, nung minsang nagpagupit ako at magbabayad, sabi ng jokla, “ok na pogi, sagot ko na chupit mo”.. at dahil ako ay mangmang pa sa mga salitang beki, hindi ko alam na isa pala itong set-up para ako ay mahalay… buti na lang at mabilis akong tumakbo…

4. Mahilig akong kumain ng mani… yun bang mainit-init, maalat at mamasa-masa.. yung bagong luto na may asin at bawang.. minsan nga sinasabay ko siya sa kanin… try ninyo.. the best!

5. Meron akong piercing sa parte ng katawan ko na di ko pwedeng sabihin… napagtripan lang kasi namin ng kasama ko sa dati kong pinagtatrabahuhan… pero nainggit ako sa kanya kasi sa “excess” skin niya pinalagay yung piercing.. samantalang ako sa… ehem…

6. Nag-audition ako dati sa “That’s Entertainment” at na meet ko personally si Kuya Germs.. at di ko makakalimutan ang mga sinabi niya sa akin kaya nagbago ang buhay ko…. “Hijo, Asa ka pa..”

7. Meron akong nunal sa maselang bahagi ng katawan ko.. na sana sa isang maselang bahagi ng katawan ko na lang nagkaroon.. kasi ang sabi nila.. kapag may nunal ka daw sa “ano”.. malaki daw siya.. sa kasamaang palad.. wala akong nunal doon.. pero malaki ang itlog ko ha….

8. Maraming beses na akong naospital dahil sa mga malalang sitwasyon na nangyari sa akin… paper cuts, nasalubsob, natinik ng tinik ng isda, nakalmot ng kuting, nabagsakan ng unan sa paa, at napukpok ng styrofoam sa ulo…

9. Mahilig akong manood ng drama sa radyo at mahilig akong magbasa ng telebisyon… lagi kong sinusubaybayan ang “Young Love Sweet Love” at ang “Cafeteria Aroma”…

10. Tawag sa akin ng mga kaklase ko ng high school ay “peluka” dahil nung nagkaroon ng dare na magpakita ng pubic hair ay hindi ako nagpakita… at nung mga sumunod na araw na nagpakita na ako.. peluka lang daw yung pubic hair ko.. shet…

O ayan.. minsan lang naman kasi akong magseryoso sa buhay ko… so alin jan ang sa tingin ninyo ang “totoo” tungkol sa akin… esep-esep!

So ibalik na ninyo sa dating rules… sa akin lang nag-apply ang rules na ito…

So eto ang mga itatag ko… Kat, Gmac, Buyoy, Arnie, Apple, Virex, Muymuy, Lambing, Odette at si Louise

ahhh,  pakita ko nga pala yung ex-gf ko dati… click nyo lang yung thumbnail para lumaki…

14 thoughts on “Whatnantotchangever 10…

  1. bakit parang lahat naman tutuo Potsky hehehe
    ahahahahah paano mo nalaman? hihihi

    salamat at pinaunlakan mo ang aking tag😛
    basta ikaw libay! (cozy)

  2. niloloko mo naman kami eh.. lahat kaya yan totoo.. duhhh…😆

    pero natawa ko dun sa sinabi sa’yo ni kuya germs..😆 wawang potpot..

  3. mukhang totoo naman lahat dre. pero i’d choose 10

    10. Tawag sa akin ng mga kaklase ko ng high school ay “peluka” dahil nung nagkaroon ng dare na magpakita ng pubic hair ay hindi ako nagpakita… at nung mga sumunod na araw na nagpakita na ako.. peluka lang daw yung pubic hair ko.. shet…

    alam ko, minsan ka ngang tinawag na peluka nung hayskul dre eh. hindi ko lang alam kung iyan yung reason.😀

  4. smellville ha at pokemo!..hahaha hilig mo rin pala sa customized t-shirt…

    hay, potski lakas ng loob mo papicture sa pics ha…hehehe

  5. NALOKA AKO BAKIT NAMAN AKO NA TAG… pero alam ko kung ano totoo jan! hehehe… (familiar story yung bading hmmmm parang naaalala ko na naikwento mo yun sakin before hmmm :)!

    Palagay ko lahat… half truth… so wag mo na ko pahulain… medyo may iniba lng ng konti para maging half lie. tama ba?

    Nakakatawa yung That’s entertainment kasi parang nangyari talaga sya pero sa “Ang TV” yun nangyari YATA…🙂

    yung #8 & #9 obviously kalokohan lang pero yung #10 naririnig kong tinatawag yan sayo… pero di ko lang alam kung yan talaga yung reason behind.

    Sori sa konting pambubuking… sa mga faithful followers ni POT…. bahala na kayo humusga… kaklase ko kasi sya nung highschool kaya medyo may storyang pamilyar sa akin…

    PEACE POT!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s