i remember yesterday….

kakaiba din ang trip ng asawa ko… ang sabi ko sa kanya, ihanap ako ng picture ko nung bata ako na “gwapo” ako… sukat akalain ba naman ninyong sabihin sa akin… eto ha, asawa ko na ito…

“bakit.. gwapo ka ba?”

lokang babae yun… sabi ko naman…

“eh di ba yan ang magustuhan mo sa akin?”

sabay tawa ng malakas ang napakabait kong asawa….

ewan ko ba.. siguro na brainwash ako ng nanay ko dati kapag sinasabihan akong gwapo ako… pero teka.. hmmm.. kapag tinatanong ko pala nanay ko.. eto ang lagi niyang sagot…

“mahal kita anak.. alam mo yan..”

tanginang yan… di nga yata ako sinabihan na gwapo ako ng nanay ko… nakundisyon lang ako.. taragis naman oo…

maiba ako… kaya ko pinangalan ang post na ito ng ganyan.. dahil nga nagpascan ako ng pics kay kumander.. at eto yung unang set na pinadala niya sa akin… share ko lang sa inyo kung gaano ako kakisig noong bata ako.. pwede rin namang simpatiko…

kahit ano gawin ninyo wala kayong masisilip jan... maliit kasi... ang BUTAS!
kahit ano gawin ninyo wala kayong masisilip jan... maliit kasi... ang BUTAS!

nakita naman ninyo dito sa unang larawan… wala akong ipin sa itaas.. nguso ko parang hinalikan ng vacuum cleaner at ang buhok ko.. naman… parang kung kaibigan ko si rizal.. eh binatukan na niya ako dahil sa ang jologs ng haircut ko… at nakita naman ninyo.. naka-tucked-in ang shirt ko sa shorts ko… astig di ba… HINDE!

o di ba... look at my nguso... kakahigop ko lang ng vacuum cleaner namin...
o di ba... look at my nguso... kakahigop ko lang ng vacuum cleaner namin...

sabi ng nanay at tatay ko may green thumb daw ako… paano ba naman ang halaman na ito ay plastic.. pero lagi ko daw itong dinidiligan… kaya nang tumagal naging puno na rin siya at nakatanim na sa harap ng bahay namin.. ngayon naman.. ang green thumb ko ay naging green mind.. kaya ok pa rin…

o magpapaka fashion guru muna ako… notice the color combination ng mga sinusuot kong damit… green shorts.. white shirt with printed colors na naka tucked-in… yung blue digital wrist watch… the hair na kinulang sa bangs… shit.. super jologs talaga ako! at saka kwento din ng kapatid ko.. kaya daw naging busalsal nguso ko dahil flat footed ako… napaisip ako kung ano konek ng pagiging flat footed sa busalsal kong nguso… at dun ko napagtanto na kapag nadadapa ako.. nguso ang unang tumatama sa lapag…ayun pala yun…

o ang puti ng kili-kili ko no... only belo touches my skin..
o ang puti ng kili-kili ko no... only belo touches my skin..

nung bata ako, puro bulok ang ipin ko.. pero yun daw ay dahil bata pa nga ako.. at proud naman ako na hanggang ngayon.. bata pa rin ako…

on a fashion and beauty note… yellow ang lining ng sando ko… and the hair.. uso ang bunot noon.. at napaghahalatang malaki na rin ang eyebags ko.. nagpupuyat ako kakapanood ng betamax cartoons…

so yan muna ang maishashare o sa inyo… hanggang sa muli.. paalam! *kaway-kaway*

14 thoughts on “i remember yesterday….

  1. aha! alam ko nainspire ka sa nakita mo sa pinost ko sa multiply kaya nainggit ka at nagpost din nito..
    hintayin mo na lang next entry ko…surpresa dapat yun! nabuking mo agad…amft! sshhhhh….
    oo nainggit ako sa post mo sa multips.. pero mahal pa rin kita…hihihi

    ah eh yung sa first pic mo nga pala, muntik ng may lumabas…kumakawala! sana nga lumabas na lang! tsk!
    ilalabas ko para sa iyo.. hihihi

    second pic… korek!nadala mo pa rin ang pagiging GREEN hanggang sa iyong pagtanda. pero masarap ba ang vacuum? matry nga minsan…
    masarap siya.. pero wag mo ng i try.. ako na lang gawin mong vacuum.. hihihi

    third pic…bata pa lang ang kikay mo na! ikaw pala ang primaryproduct endorser ni tita belo… at malamang ng colgate na rin!
    oo.. pero ang una kong endorser ay yung funeraria paz… saka hindi ako colgate.. Family tootpaste gamit ko..

    award ka jan pot-su! mwah! hihihi
    thanks mahal! mwah!

  2. nyahaha… panalo sa pics…. di ko kinaya to… di ko alam kung nang aamba ka o nagpoposing ka lang talaga sa third pic…
    parang both.. ehehehe..

    di ako makaget over pero siyempre ang personal favorite ko pa rin eh yung grad pic yun… cheers;p-glesy the great
    ahahahahah panalo ba.. di mo pa rin makalimutan yun no… tagay mo pa glesy!

  3. wow! remembering the past ha!hehehe… ang galing naman magtago ni kumander ng mga old photos…hehehe…i love it!
    salamat mayyang! hihihi

    ang galing magpose ha!… hehehe
    modelo b? hihihi

  4. wow pot ang kinis nga..kakaiba talaga ang touch ni belo noh?hihihi..
    si Hayden Koh talaga ang humahawak sa akin.. ahahay!

    hay sarap naman tignan ang pics noon noh?
    oo back to the past…

    wala na kasi akong makikitang ganyan dahil natabunan na ng putik at buhangin noong pumutok si PINATUBO..oha remember ko pa..good thing na rin un dahil wala akong mapapakita wahahaha..
    ayy.. lokong pinatubo yan ah!! tara sugurin natin!

    till now dinala mo pa rin ang GREEN one🙂
    syempre!! i love green!

  5. bata ka pa nakabraces ka na…nyahahahha alagang alaga ang ngipin ah di naman nabulok yung mga front teeth mo eh no…
    syempre! rich kami eh!

    at ang apple cut na hair do!!! da best
    yang ang uso eh.. hihihi

    lalo na yung pasabik na pagkakabukaka mo dun parang nang iinis lang sa naninilip eh
    nasabik ka din ba.. hayaan mo di na kita pahihirapan.. hihihi

  6. HAHAHAHHAHAHHA…
    HAHAHAHAHAHAHAHA din…

    ewan ko sayo potski..sumakit tyan ko kakatawa dito..at muka na akong buang-buangon kakatawa mag-isa..
    baka kabagan ka niyan muy… ehehehehee

    favorite ko yung first and last pic mo…yung hindi ko mawari kung model ka ba ng toothpaste o ng deodorant eh..ahahahaha
    pareho.. gamit ko ang colgate sa kili-kili at rexona sa ipin..

  7. isanag malakas na bwaahhahahaha muna
    bwahahaha ka din joycee…

    natutuwa talga ko dito tuwing dumadaan ako eh bago ang header sows!
    ganun talaga para bongga di ba!

    ampayat mu kuya pots, wahahaha anung taon ba yan??
    matagal na yan.. at ayokong sabihin ang taon dahil mabubuking mong 30 na ako…

    andame mu gips dun sa pers picture penge namn…
    ayy oo ba.. pakuha mo sa bahay namin sa tondo.. hihihi

  8. Wahahaah panalo potski!!! Love the last pic!
    i love you too.. ehehehehe

    kamukha mo nga pala pinsan ko…kaso lang.

    jokla sya!! lolz
    ayos lang.. kasi kung naging pinsan kita.. di rin tayo magkakatuluyan.. hihihi

  9. hahahahhahahaha…

    sori potski…napadaan ulit at hindi ko talga mapigilan ang pagtawa ko sa pagtitig sa last pic…
    aba talagang balik-balikan ba muymuy?!?!

    i love you potski..
    pasalamat ka lab din kita.. hihihi

    ahahahahaha….

    now alam ko na kung saan ako tatambay kapag lungkot-lungkutan ang mood ko…
    sa kangkungan..

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s