kalandian…

11 na ng gabi, at nagkasabay tayo sa tren para makauwi… isang stasyon lang naman at bababa ka na pero pina-upo pa rin kita para di ka naman mangalay at mapagod.. yun na ata ang pinakamasaya at pinakanakakakilig na 5 minuto ng buhay ko sa ngayon… habang kinukwento mo kung saan ka nakatira.. hindi ko nilubayan ang pagtitig ko sa iyo… ang ganda ng mga mata mo… ang mga ngipin mo.. ang mga labi mo na masarap hawakan at halikan….

ayaw ko ng huminto pa ang tren.. nanalangin ako na sana masira ang sinasakyan natin upang makasama ko pa kita ng matagal… gusto pa kitang makilala ng lubusan.. pero alam kong di ito ang huli nating pagkikita… huminto ang tren… tumayo ka.. binigyan mo ako ng isang napakagandang ngiti at sinabing..

“Sige.. dito na lang ako..”

iniabot ko ang kamay ko at kinamayan kita… gustuhin ko mang hatakin kita papalapit sa aking mga bisig pero pinigilan ko ang aking sarili.. baka isipin mong masyado akong mabilis.. kakakilala pa lang natin ng araw na ito… pero tinagalan ko ang paghawak sa kamay mo at sinabi ko sa iyo…

“Nice meeting you… ingat ka sa pag-uwi..”

ang 5 segundo ng paghawak ko sa mga kamay niya ay parang ilang oras ng kasiyahan.. pero kailangan ko ng bumitaw… at nung ika’y tumalikod… ibinulong ko sa sarili ko ang mga katagang hindi ko pa sinasambit kahit kanino…

“Mahal na kita.. sa muli nating pagkikita…”

pinagmasdan pa kita hanggang sa paglalakad mo.. hanggang sa pagakyat mo ng hagdanan… hanggang sa magsara ang pinto…. at umandar na ang tren.. umupo akong medyo nanghihinayang.. pero masaya dahil kahit sa konting sandali na nakasama kita… napatibok mo ang puso ko…

syanga pala…
lalake sya…

11 thoughts on “kalandian…

  1. nahulog naman ako sa kinauupuan ko…
    masakit sa pwet no?

    nyahaha.. ano ba naman pot… kakaibang landi na yan… at nagdaday dream ka pa ng boy to boy lovescene…
    walang love scene ha… anuber!

    whew.. kikiligin na sana ako pero nung lumabas na ang syanga pala… nagunaw ang valenimes day… ahha… cheers;p-glesy the great
    yun na nga ang catch doon.. tagay mo pa glesy!

  2. letch! Naloko ako nito akala ko lab istori hahaha. Ewww. Chickboy ka nga gaya ng sabi ni libay, pwede sa chick pwede sa boy. Nyahaha
    naku naman Helena.. kung sinasagot mo na kasi ako eh di titigilan ko na panlalalake ko.. ahahay!

  3. ang landiii mu kuya pot! akala ko ba kay kuya buyoy ka lang?? naman naman oh.
    ikakasal na siya eh.. i am hurting…

    naloak ako sa header! asan ka jan???
    hanapin mo.. hihihi

  4. hala potskie DAPA!!!
    *dapa*

    tumbling naman ako sa ending…
    ahahaha nakakapantumbling ba rev?

    at talaga naman ang header pic panalo!
    ehehehehe updated weekly yan rev.. ehehehehe

    khulet mo!
    salamat po! *mano*

  5. talagang 5 secs lang ba naman yun?
    oo nga eh.. siguro mga 5.0000234 secs yun…

    naligaw ako sa flickers mo..danda ng mga pics! putsa kailan ko pa kaya matutunan gamitin ang cam ko?
    uyy salamat ha.. pero parang pangit pa rin pics ko no.. ikaw may flickr ka?

  6. takte nemen…kala ko’y totohanang kalandian yun..tsk! pakilala mo naman askin yung boylet mo potsie. lols!
    sorry ethel.. exclusive sya sa akin.. hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s