Happy Heart’s Day

Itong mababasa ninyo ngayon ay hango sa utak ng isang baliw na walang magawa sa buhay… pero salamat sa kanya at napaunlakan niya ang imbitasyon kong gumawa ng post para sa araw ng mga puso… kaya glesy.. tagay pa!

Ehem-ehem… Mic test, Mic test… Ako po si Glesy the great… Pot, pahiram muna ng entabladong pang-little miss philippines mo ha… ako muna ang lalandi dito ngayon… para sa mga readers ni pot, di ko kaya ang mga posing ni Pot kaya pagbigyan nyo na ako… cheers;p

Dahil araw ng pula, kupido, puso, labing-labing, magsing-irog, pana, gulok, itak, jungle bolo o tama na corny na, eh naisipan kong gumawa ng entry about valentines day.. Uso eh… Ang mga sumusunod ay wag masyadong seryosohin… mga haka-haka lang yan at mga narinig ko sa ibang tao:

  1. Tanong: “Pwede bang manligaw?” Sagot: “Sige, umpisahan mo na ngayon para bukas na bukas din pwede ka ng mag-umpisang maging boyfriend ko”-Skip the ligawan telenobela dahil siguradong kikiluhin ka lang ng diskarteng bigote at titirintasin ng pangpustahang pambobola…
  2. Find the most torpe of them all – Simple!!! Sa sobrang torpe niyan, break na kayo bago pa siya makapangbabae…
  3. Wag na wag kang papayag na gawin kang Department of Finance o walking cash register- hindi ka pa bayani at nagiging Presidente ng Republika ng Pilipinas para sa tuwing makikita ka niya eh nakakakita siya ng pera at nakakarinig ng kashing-kashing…
  4. Kung ayaw mong madisgrasya ng maaga pa sa alas kwatro at mauna ka pang magka-family crisis kesa magka-midlife crisis ang tatay mo wag kayong mag-jerjer na para bang parehas kayong baog… kung mejo nakakabaliw at nakakabulag ang temptasyon, responsible jerjering must be implemented….
  5. Honesty is not a policy at all- Akala mo lahat ng sinasabi nya totoo? Siyempre siya ang nagkwekwento kaya siya ang bida…
  6. Kapag too good to be true hanapin ang nabubulok sa mga di nabubulok- dahil kahit gamitan mo pa ng protractor at compass ang periphery ng mundo, walang ganyang tao… at kung meron man, taken na yan ni cinderella, sleeping beauty at prince charming dahil sa fairy tales lang ang lambuchingan na ganyan… pag nahanap mo na ang bulok na yun at nakaya mo pang lunukin ng nakangiti at sabihing “I lab u pa rin” ng may buong tamis na nakakalanggam eh may chaser ka pa rin na magagandang qualities nya…
  7. Try once, try twice, try to the nth power and you will never succeed- Don’t try your way to Martyrhood… Wala pang nacacanonize na maging santo sa pagiging martyr sa dapat sana ay pinapafiring squad sa luneta na mga kasintahan… Isang walang kamatayang “Oops.. I did it again” moments lang ang kwento nyo…
  8. Sabi nga ni Neri “Moderate your greed”- huwag ka naman masyadong swapang… hindi lahat ng bagay ay ibibigay sayo ng may 12 dozens of roses with isang kahong tsokolate at isang mamahaling regalo…
  9. Guys, don’t sell yourself cheap- Kayong mga lalaki wag niyo masyadong ibibigay agad ang sarili nyo… Wag kayong masyadong pa-easy to get at obvious na kaladkarin… pag niyaya kayong mag-jerjer ng girlfriend niyo, saka mo sabihing “Mahal mo ba talaga ako? Kung mahal mo ako, di natin gagawin to.. ganyan ba kababaw tingin mo sakin?”… parang baligtad at saka ang scandalous ng effect… dalawa lang ang iisipin ni babae… either bading ka o seryoso ka… ipilipit mo na lang lahat daliri mo na yung latter na lang ang isipin nya…
  10. We , the sovereign Filipino people- Utang na Loob… wag kayong mas seryoso pa sa Philippine Preamble kung ayaw nyong tumanda ng maaga, tubuaan ng isang sakong puti at patay na buhok at magmukhang checklist ang mukha mo sa dami ng wrinkles… walang buwis ang pagtawa kaya okay lang ang sumakit ang tiyan sa kakatawa kesa maagang sumakit ang kasukasuan sa katandaan…
  11. Learn to love your self– Umpisahan sa sarili.. kaya nga 1st person ang “I”…pagkatapos 2nd person naman: learn to love others— right then pwede ka ng magsabi ng “I love You” kapag tapos mo ng mahalin ang sarili mo na tipong isang dangkal na lang eh pakiramdam mo perpekto ka na… proceed to 3rd person loving-loving steps: “I love them all” yung tipong kapag kumandidato ka at ginawa mong botante ang mga naging-ex at present mo eh siguradong panalo ka… ahahaha.. joke…
  12. Last but definitely not the kulelat- be happy… enjoyin ang dapat enjoyin… huwag masyadong sentimyento na nag-iisip na paano kung iwan ka nya… huwag mo ng isipin dahil baka matauhan at gawin nya nga… at saka isa pa… ang bakya mo ah!!!

Yung iba jan eh sabi ng kuya ko, nanay at tatay ko, haliparot na kaibigan, narinig ko sa radyo, nabasa ko sa dyaryo, narinig sa kasakay ko sa jeep, sinend sakin sa text, siyempre yung iba akin at many to mention… sikreto na lang kung sino ang mga author nyan… Happy Haliparot Day… cheers;p

Glesy the Great

7 thoughts on “Happy Heart’s Day

  1. hahaha may tama ka sa sinabi mo glesy..agree ako..pero minsan kasi pag tayo na ang nasa situation hindi mo makita ang dapat makita…hihi

    kaya safe sex..kahit masaktan ka man..walang maiiwan!

    hapi puso day pot at glesy

  2. Kapag too good to be true hanapin ang nabubulok sa mga di nabubulok- dahil kahit gamitan mo pa ng protractor at compass ang periphery ng mundo, walang ganyang tao… at kung meron man, taken na yan ni cinderella, sleeping beauty at prince charming dahil sa fairy tales lang ang lambuchingan na ganyan… pag nahanap mo na ang bulok na yun at nakaya mo pang lunukin ng nakangiti at sabihing “I lab u pa rin” ng may buong tamis na nakakalanggam eh may chaser ka pa rin na magagandang qualities nya…

    Sis…gusto ko ibig mong ipahiwatig dito…kahit nakakatawa malalalim ang kahulugan. My next favorite post aside dun sa “Rizal” post mo. Yihee

    Happy Balentayms sa inyong dalawa.
    Potski inarbor mo pala si Glesy kaya nawawala..ampft.

  3. hindi ako baliw, matino ako… mas matino pa nga ako sayo…

    at hindi naman ako walang magawa, busy ako…

    at talaga bang nagpapasalamat ka o gusto mo na akong sipain palabas?

    pero thanks ulit… nag-enjoy akong gawin to… ahehe… sana walang renta ang pagkakapost neto…

    cheers pot….;p-glesy the great

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s