i-tag tag mo…

Inaamag na naman ang blog ko.. pero eto.. maglilinis ng kaunti… gagawin ko muna itong tag ni mahal kong Helena.. masyadong matampuhin eh… kala mo naman di ko gagawin.. eto na gagawin ko na.. wala pa nga akong maisip na concept eh… kahit wala na sigurong concept… pwede na siguro..

hindi obligado na gawin ang tag na ito sa mga taong babanggitin ko.. pero humanda kayong mabalahura dahil eto ang blog ko.. hihihi.. so let the “balahuraan” BEGIN!

1_752986689lHelena.. from the Greek word meaning torchlight or shining light – isa sa mga hinahangaan ko sa mundo ng internet… kahit bago pa lang kaming magkakilala, pinahanga niya ako sa husay niyang sumulat at galing ng kanyang paliwanag. Maiiyak ka na matatawa na maiinlove sa kanyang mga sinasabi.. kung binigyan lang ako ng kapangyarihan, gagawan ko siya ng rebulto upang lagi ko siyang maalala sa tuwing pagmamasdan ko ito… masasabi ko na tugma ang pangalan mo sa pagkatao mo.. o baka sa akin lang kasi nga ikaw ang aking shining light.. NAKS! Ok.. pambobola na tong ginawa ko… pero totoo ito ha.. walang halong kasinungalingan.. pramis.. mamatay man kayo…

“When accepting this auspicious (nosebleed) award, you must write a post bragging about it, including the name of the misguided soul who thinks you deserve such acclaim, and link back to said person so everyone knows he or she is real. Choose a minimum of 7 blogs that you find brilliant in content or design. Or improvise by including bloggers who have no idea who you are because you don’t have 7 friends. Show the 7 random victims’ names and links and leave a harassing comment informing them that they were prized with “Honest Weblog.” Well, there’s no prize, but they can keep the nifty icon. Then list ten things about you. Then, pass it on!”

2l8zscx1

Sa totoo lang, di ko siya talaga alam, eh award naman sya kaya tanggapin na natin, libre naman eh. Saka di ko na gagawin yung 10 things about me.. ibang post na lang kasi di ko pa nga nagagawa yung 25 things sa facebook eh.. isusunod ko na lang. Ang mga pipiliin ko para sa prestihiyosong award na ito ay sina:

1. Glesy : alam kong ayaw mo ng tag.. pero ok lang na di mo sagutin ito.. tamad ka kasi eh… isa si glesy sa nagpapasaya ng aking pagbabasa ng blog dito sa inernet dahil sa kanya ko natututunan na ang isang maliit na bagay ay pwede mong palakihin at bigyan ng storya. Hanga ako sa kanya dahil kakaiba ang utak nito.. at sana kung gagawin mong sisig.. ma absorb mo ang powers niya sa pagsulat.. kakaiba. NAKS!

2. Libay : Bakit si libay.. di hamak nanapakatalino ng nilalang na ito, kung babasahin mo ang kanyang mga entries di lang ito nakakapagbigay inspirasyon sa inyo para mag golf.. parang gusto mo na ring makasama ang pakner niyang si Hesus para turuan ka ding mag golf… bilib ako sa taong ito.. di lamang matalino.. napaka”cute” pa…  pautang naman…

3. Kumotchi : ang batang menyak… wala ng ibang inisip kundi ang humingi ng show, at kapag nawawala sa sarili.. di na kuya tawag sa akin.. binabarubal na ako at potpot na lang ang tawag sa akin. Pero love ko tong trese anyos na to, kasi kung hindi.. baka upakan ako nito.. at ipunas ang kumot niya sa akin mukha.. ewwww… mamimiss kita… sabihin mo lang kung gugulpihin na natun pinsan mo… makikikurot ako…

4. Kat : it will be hard for me not to give this award to my Cyber BFF. She might kill me if I didn’t. You are wondering why I wrote this part in English, because Kat does not understand Tegelowg… but honestly, when you read Kat’s posts, you will be amazed on how she makes reading a fun and enjoyable hobby. I love this girl and her works. Saving the world one day at a time.. The Kat…

5. Jen : itigil muna ang emo ha. Si Jen na napakaganda, napakabait at napakahusay. Kapag binabasa ko ang mga post niya, hindi ko maiwasang makaubos ng isang rolyo ng toilet paper hindi dahil naiiyak ako, kundi dahil sa English niya, nosebleed ako lagi. Masipag at maganda.. bawasan lang ang emoness.. okies?

6. Joycee : mawawala ba ang sisterette ni Helena dito.. syempre hinde… bibihira kaming magkaabutan sa plurk pero pag nagkataon naman na magkita kami.. manghihingi ng regalo… ok lang sana kung mura.. anak ng tinola.. DSLR pa ang gusto.. ano ako.. jumejebs ng datung? Pero matutuwa ka sa kanya.. napaka aktibo kahit mukhang tamad.. joke! Lab yu joycee! Gusto ko ding malaman kung bakik Blissful Bobby-Soxer pangalan ng blog niya… hmmm…

7. Aleng : Oo ikaw nga.. sagutin mo tong tag na to.. ehehehehe.. hindi pa kami nagmemeet ni aleng sa totoong buhay pero para kaming magkatropa ng matagal na.. kung tiitgnan mo yung blog niya.. nosebleed din ako.. pero madami kang malalaman tungkol sa kanyang pagiging baliw… makulay ang blog niya.. subukan nyo. Di kayo magsisisi…

O ayan pito na.. kung pwede nga lang ialagay lahat ng nasa blogroll ko why not di ba.. eh eto lang muna nakayaan ko.. pagpasensyahan na ninyo.. hihihi

5 thoughts on “i-tag tag mo…

  1. huwaw una ako…. grabe natats talaga ako dito.. biruin mo yun ang galing mo pala talagang mambola.. nyahaha… umalog ang ihi ko sa pantog sa sobrang kilig ko sa natatanging utak na pagkakadescribe mo na sa tingin ko naman eh talagang wala naman ako nun… pero salamat sa lahat pot… ikaw lang ata ang taong tuwang-tuwa sa blog ko… pero kahit mag-isa ka lang feeling ko isang batalyon na ang fans ko sa pambibilog mo ng ulo ko…
    gaga di kita binobola!

    alam mo na kung bakit ayaw kong gawin tong tag na to…
    oo.. dahil tinatamad ka.. amfpt…

    oo nga pala.. may special mention nga pala ako…

    HI nanay ni pot at saka si ate tage… wag po kayong mag-alala di pa po sumasablay ang pagiging maton ni pot… at kung sakali mang magladlad siya ng palda makakaasa po kayong ako na mismo ang magpapareport user sakanya para lang mabura ang blog nya… pero sa ngayon batong-bato pa po si pot… ahehe.. at tungkol naman sa tingin ng mga bloggers kay pot malabong sabihan siya na bading… sigurado po ako dun… cheers po;p-glesy the great
    sana nabasa nila to.. ehehehe

  2. Naks! Sinong matampuhin? ako? Hindi kaya! hihi
    Very touching naman to lolipots…napaiyak nga ko sa galak. Wahaha. My pa-shining light, shining light ka pa..bago yun ah. Salamat sa pag-appreciate kahit puro keso de bola yan i’m sure. Hehe
    di daw matampuhin.. tapos biglang may tse! at hindi yan bola.. wala sa bokabularyo ko ang mambola.. chos!

    Sige tuloy mo yang rebulto na yan! Yung ala-machete ha! lolz
    oo ba!! pero kailangan muna kitang kuhaan ng measurements.. para sure…

    Salamat lolipots! mwah mwah mwah!
    walang anuman!! mwah!

  3. sus talagang kasali pa ko o! sinong mukhang tamad??? hmft!
    ikaw.. hihihi

    Sus kemura lang ng DSLR eh hinde mo pa ko maibili, kelangan suyuin mo muna ako para boto na ko sayo para sa kapatid ko nyahahaha.
    kala ko ba ok na?

    Blissful Bobby-Soxer meas Happy Young Lady. Yun na!! Basta happy ako always and poreber!
    amen!

    Thank you kuya lolipots!
    welcome joycee!!

  4. Aba, may award na naman ako mula sa kaisa-isang taong nagbibigay ng award sakin! O siya salamat, and I’ll be checking out the people you have listed up there, although I already know some of them. Pero may tampo pala ako, dahil hindi mo sinabing maganda ako asar ka!
    amfpt.. di na kailangang sabihin yun.. alam mo na yun!

  5. wow! kasali pala ko dito! buti na lang nabasa ko yung mga NAPAKAs😆 natawag ang aking pansin lalo na sa napakaganda..napakahusay din mambola mo noh…
    bakit ba laging nasasabihan akong nambobola?

    i’ll do this one of these very ordinary days,,
    thanks jen!

    salamat potskie! at kahit we don’t talk as often as before alam mong love kita!😉
    alam mo ding love kita.. hihihi

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s