oo…

excited ako na napasagot kita ng “OO”.. kala ko kasi matagal pa hihintayin ko para mapasa akin ka… ni hindi nga sumagi sa isip ko na maging akin ka… isang simpleng mamamayan lang ako na may disenteng trabaho… ikaw naman, sikat, napakaganda, ilang commercial na rin ang pinagbidahan mo, slim at madami kang alam…

sikat ka sa mga kaibigan ko.. kaya kahit di pa tayo magkakilala.. eh madami na akong narinig na magaganda patungkol sa iyo.. sa totoo lang di kita crush noon… ni hindi ko pinangarap na magkagusto sa iyo…

nung umattend ako ng worshop, sabi ng kaibigan ko na available ka daw, at ang hinahanap mo ay yung may visa dito sa japan.. nagtataka naman ako pero parang napaisip ako.. pagkakataon ko na ito para magpasikat… at handa akong magpagamit para magamit din kita.. win-win situation di ba…

nilakasan ko loob ko.. pumunta ako sa bahay nyo at dali-dali kitang hinanap.. ipinakita ko ang mga papeles ko sa nag-aalaga sa iyo at sa 3 oras na pinagmamasdan kita.. sa wakas.. nagpahawak ka na rin sa akin… ang saya ng mga bawat sandali…

tinext pa nga ako ng kaibigan ko.. “ano ok na ba?” sumagot ako.. “relax lang.. malapit na..”

so nung naayos na lahat ng dokumento.. ipinaalam na kita sa guardian mo.. at nagpasalamat… hawak-hawak kita, di kita maaaring bitawan… ayaw ko… mahal kita eh…

at nung naka-uwi na ako ng bahay.. dahan-dahan kitang inihiga sa kama ko.. kinuha ko ang “plastic” sa aking bag at pinagamit ko sa iyo ito….nung una nahirapan ako kasi hindi akma sa laki… pero dahil matiyaga ako.. nailagay ko na din sa iyo…

sinunod ko naman ang itim na goma na magsisilbing “proteksyon” nating dalawa… at dahan-dahan kitang binulungan…

“handa ka na ba?”

at pag tapos nun ay…

sinaksak ko na yung bagong bili kong iphone sa saksakan para bukas fully charge ka na…

kahon lang yan.. yung iphone kasi mismi pinangpicture ko...
kahon lang yan.. yung iphone kasi mismo pinangpicture ko...

17 thoughts on “oo…

  1. Ehem…bragging rights? wahahaha.
    of course..

    Eh nasan yung akin? Akala ko pa naman mahalay na post..lolz
    ahahaha madumi ang isip! bad!

  2. ayphone! muntik na kong magselos…bwahahahahhahaahahah
    sakin yung babae na version kulay huwayt!
    aylabit sarap nyang gamitin no?
    ayy oo baby.. super sarap nyang gamitin.. ooohhh…

  3. hahahahah! grabe ka naman “ate” pot… ang galing mambitin..hehehe
    masarap yung bitin talaga… hahanap hanapin… hihihi

    musta na po?
    ok naman, baliw pa rin.. hihihi

  4. WAAAAAAAAAAAAAH!!!!!!!!!!!!! KAINGGIT!!!!
    ahahaha….

    GUSTO KO DIN NIAN!!!
    pagbalik mo dito dab.. makakabili ka…

  5. ang daming nabitin. pero ni hindi man lang ako na-arouse..rofl.
    di naman ako nagpapa arouse ah… uyy madumi iniisip mo ha…

    enywei. astig ah… yummy ka sa pic mo dito… cyber hug nga! lol…
    yummy ba.. may mas iba pang yummy sa akin… hihihi

  6. Congratulations, you are now one of us! :>
    Ano susunod .. MacBook?😉
    oo.. Macbook ang isusunod ko!! bwahahahha

  7. tsk yan lang? bigyan kita sampu nyan.. wait ka lang after 20 years makakaipon din ako akala mo.. ahaha.. no way!!! over my dead beautiful body.. ahehe…
    ikaw pa.. yung cel mo nga may toyo ayaw mo pang palitan.. iphone pa kaya. hihihi

    pot, gusto ko ng maasar sayo sa inggit… joke.. cheers;p-glesy the great
    ahahaha.. maasar ba sa inggit.. tagay mo pa glesy!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s