madali ka palang kausap…

medyo matagal na rin tayong magkakilala.. nagkita lang tayo sa internet… di pa nga kita masyadong pinapansin, kasi di pa naman “special” ang tingin ko sa iyo noon…

pero dahil nga halos 3/4 ng buhay ko ay umiikot sa internet.. nagkakataong nagtatagpo ang landas natin…

pasalamat na lang ako at sa iyo ako “nadevelop” hindi ka mahirap kausapin at madali kang makaintindi…. sinubukan kong “manligaw” sa iyo… kala ko kasi mahihirapan ako.. madami kang tanong.. at yung iba ay paulit-ulit.. siguro naniniguro ka lang na sincere talaga ako sa “panliligaw” ko sa iyo…

tapos isang araw.. nag e-mail ka sa akin… i “co-confirm” mo lang ang mga sinabi ko sa mga tanong mo… at nung tinaggap ko nga ang “confirmation” na yun… agad-agad mo akong binati ng “congratulations”!

lumundag ang puso ko sa tuwa! hindi ko maipaliwanag ang sarap na nararamdaman ko…

dito ko sinimulang “ikuwento” sa iyo ang nakaraan ko tungkol sa “ex” ko… at di ka naman nagulat.. bagkus ay tinanggap mo pa ang mga “nakaraan” ko…

pasalamat ako sa iyo at talagang pinasaya mo ako… ikaw na ang nagbibigay ng ngiti di lang sa akin.. kundi sa mga kaibigan ko… maraming salamat sa iyo…

wordpress.com… mas naging comfortable ako sa iyo compared sa blogger… libre ang sign up at na transfer ko pa yung mga dating contents sa luma kong blog.. salamat ha.. mwah!

12 thoughts on “madali ka palang kausap…

  1. bwahaha…

    sorry pot, di mo ako nahuli dito… alam kong somewhere down there eh pagmumukhain mo na naman akong uto-uto… langya muntikan na… isang sentence na lang nakataas na ang chismosa antenna ko… uy yung ko sa “fill-in-the-blanks festival” picture ko? hehe.. cheers;p-glesy the great
    anong yung ko sa “fill-in-the-blanks festival” picture ko? di ko naintindihan…ulitin mo nga tagay.. ehehehe

  2. anu ka ba? wag mong pinagsusunod ang dalawang post na may parehong style! nawawala na kasi ang element of surprise.
    sorry na.. di na po mauulit teacher kat…

    hehe joke lang!
    joke la ka din!

  3. nakow sinabi mo pa! kala ko nga di ko maliklipat yung luma kong entries.. swabe pa kasi pati comments kasama hehehe

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s