ano na naman ito…

araw-araw ata nadadagdagan ang mga sinasalihan kong forum/social network/video sites/porn sites na minsan, nalilito na rin ako kung ilan na ba talaga ang nasalihan ko… kung iisipin mo.. iilan lang naman yung mga sites na active ako.. pero pinipilit kong i-manage ang time ko para naman di ako KJ no… kapag sumali naman ako.. i make it a point na pinupuntahan ko yung site.. siguro di lang ako organized na nilalang.. sino ba ang magaling sa time management jan.. patulong naman.. libre ko kayo sa starbucks pag di pa sya nagsara sa pinas.. ehehehehe

pero may sinalihan ako nung isang araw yung tumblr.. naaliw ako.. kasi instant posting.. wala ng eklat.. wala ng arte.. as is, where is ang dating… kaya gumawa na naman ako ng account dun.. bukod pa dun.. sabi ni arnie, maglagay ako ng comment dun.. yung disqus… o di ba.. kaadikan…

di ko sinabing tangkilikin ninyo yung tumblr ko.. silipin nyo lang.. kasi feeling ko mas may update ako dun.. kasi kahit mobile pwedeng ilagay agad! kapag nagpicture ako gamit ang aking iphone (oo na mayabang na ako!) ay pwede ko ng ipost agad para makita nyo (eh ano naman paki nyo kung ipakita ko sa inyo no?)…

pero hindi ibig sabihin ay iiwan ko na itong wordpress ko… ano kayo? hilo? dito ko kasi ilalagay ang medyo mala-telenobela na mga kwento na pwedeng kinopya ko sa ibang tao… aba.. matuwa kayo kapag ginaya ko kayo.. imitation is a form of flattery… kaya ma flatter kayo mga hindot!

anyway… ni share ko lang ang tumblr ko… para naman makita nyo yung ibang mga kalokohan na naiisip ko sa araw araw.. dun ko din ipopost yung mga nakuhanan kong upskirts bagay-bagay sa paligid ko na sa tingin ko ay worth na i-share…. 

speaking of sharing… may kwento pala ako…

kanina sa tren.. nanonood ako ng “House” sa iphone ko.. tapos sa may bandang gilid ko may lalake… napapansin ko na nakikinood sya.. so ang ginawa ko.. nilapit ko yung mukha ko sa iphone para ako lang makakita.. di nakuntento si manong.. nilapit nya yung mukha niya sa mukha ko.. eh amoy na amoy ang baho ng hininga nya.. so tumalikod ako sa kanya at humarap ako sa may left side ko… aba.. ang loko… tinabig yung ulo ko! lokong yun!

ni-pause ko yung pinapanood ko, hinarap ko sya, tinignan ko sa mata…. mukha pa naman siyang kagalang-galang dahil naka formal sya.. at mukhang nasa edad 45-50…  tapos nung nakatingin ako sa kanya.. humirit pa ng “Misete?”… syempre nag process pa yung 486 kong utak para malaman ko na gusto nyang makinood… napainggles tuloy ako ng di oras at sinabi ko sa kanya…

“Sorry but I cannot understand a word that you mutter…. I am extremely busy watching one of my favorite program and if you thought that you can watch with me on my iphone surely is a funny yet disturbing notion…”

shocked si manong.. di nakapagsalita… nakatingin lahat ng nasa tren na parang nanonood ng judy ann-wowie moment…

napatalikod si manong at nung bumukas ang pinto ng tren ay agad agad siyang lumabas… di ko alam kung natakot o baka naisipan niyang di na nya kayang mabuhay sa mundo kaya tatalon na sya sa tren (joke!) pero feeling ko naman di ko sya binastos dahil maayos kong sinabi yung mga salitang yun ng di ako sumisigaw…

pero tarantado yun.. parang binatukan nya ako… paksyet… at oo tumutulo dugo sa ilong ko nung nag inggles ako…

10 thoughts on “ano na naman ito…

  1. bwahaha…. funny yet disturbing notion nga… dapat binatukan mo rin tipong mala mataya-taya in its finest… tsk kahit ata galit ako di ko masasabi yung funny yet disturbing notion drama mo.. mawawala ang galit ko at mapapalitan ng alinlangan parang “hmmmm ano pa ba?, what will i say next” ang drama ko… nyahaha.. cheers;p-glesy the great

  2. dumugo gilagid ko sa ingles mo potsie. hala baka magharakiri yun, nabigo sa iyo..i mean nabigo na makinuod sa iyong bagong bagong iphone. LOLS. di kay type ka nun? lols.

    1. Ay naclick ko agad yung submit comment, nakalimutan ko yung una kong dapat sasabihin nung hindi ko pa nababasa ang entry mo😛

      I like ze new look of your blog… Elegante na! AHahaha

  3. Nyahaha binigo mo si Manong…..why naman nakikinood siya, were you not using earphones?

    Ano na naman yang sinalihan mo pot? I’m actually quite tired of all the sites I have to maintain although I have only a few. I got meself a twitter account na awa ng Diyos dalawa pa lang ang tweet ko. At hundred hundred na ang mga invitations ko sa facebook but I haven’t gotten round to checking them out. The online world can be a bit demanding sometimes.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s