kili-kili power…

disclaimer lang… uunahan ko na ang mga magrereact sa post kong ito… wala akong pinatatamaang tao.. kasi minsan ako din nagkakaroon ng BO kapag nasobrahan ako ng pawis o dahil wala akong deodorant.. nagpapakatotoo lang ako dahil isa itong isyu na kailangang mapag tuunan ng pansin..

simula nung ako ay tumungtong sa edad na 13.. nag-iba na ang composition ng aking katawan… di na ito tulad ng dati na kapag pinawisan ako ay amoy-araw lang… pero dahil nga ang pawis ko ay nagkakaroon ng chemical reaction sa balat ko, sa mga kinakain ko, at sa damit na suot ko… paminsan minsan, ako ay sinasapian ng…. BAKTOL!

ayon kay friend… ang baktol ay “A very foul smell that your body releases due to eating foods that are spicy and no regular bath.”. madaming forms and variation ang pwede nating itawag sa kanya… pwedeng “putok”, “BO or Body Odor”, “anghit”, at ang di masyadong brutal na “kili-kili-power”.

kakaiba din kung sumalakay ang “kakaibang kalaban” na ito.. na kung di mo pagtutuunan ng pansin.. ay matagal ding didikit sa iyo at magiging part na ng immune system mo… hindi mo namamalayan na ang dating naaamoy mo na putok ay di mo na naaamoy dahil “immune” ka na sa sarili mong odor… mag-ingat.. gumawa ng mga tamang hakbang upang maiwasan at mawala ng tuluyan ang pesteng “baktol” na ito…

konting tips lang… dahil dumaan na ako sa “phase” na ito.. at ayokong matulad kayo sa aking karanasan… bilang tulong sa mga taong di nila naaamoy ang kanilang sarili…

1. Tell a friend – ang kaibigan ang pag-asa ng bayan… maging prangka ka ng pagsabi sa kanila na kapag may naaamoy na silang kakaiba sa iyo, sabihin na nila at wag ng pagchismisan ka pa… ng sa gayon ang “tiwala” ay di mawala… mahirap magsabi ng katotohanan.. pero that’s what friends are for…. di naman masama ang magsabi at masabihan… lunukin mo na lang pride mo.. kesa naman amoy baktol ka di ba?

2. Take a bath – likas sa ating mga pinoy ang maligo mahigit 1 beses sa isang araw… naging “hobby” na natin ang pagligo… siguraduhing kiskising mabuti ang bahagi ng underarm ng sa gayon matanggal ang mga residue ng pawis na nakakapit sa buhok mo sa kili-kili at sa balat…

3. Thou shall not wear your shirt twice – lalo na kapag pinawisan na ito… maaaring ang mga mikrobyo ay mananatili sa sinuot mo nung umaga at kung isusuot mo pa ito sa hapon.. dadami na sila…

4. Magbaon ng extrang damit – hustle nga ito.. pero kung sa tingin mo ang lakad mo ay overnight or yung alam mo na pagpapawisan ka hanggang singit.. mabuting magdala ng pamalit.. para sa iyo din naman yun…

5. Kung di ka allergic,  gumamit ng deodorant – may mga kakilala din naman akong tao na di nagdedeodorant.. pero sa mga di maswerte tulad nila na di nagkakaamoy… maghanap ng deodorant na hiyang sa inyo.. o kung walang budget… mag tawas na lang kayo…

madami pang paraan upang makaiwas sa mabahong suliraning ito… pwes kung may iba pa kayong tips.. share nyo naman…

marahil nagtataka kayo kung bakit ganito ang post ko… para maiba naman.. gusto ko kasing ma-educate ang iba nating mga kaibigan na kung saan ang “baktol phenomenon” ay di nila naaamoy.. este alam pala….

out of the blue ko lang kasi naisip ito… paano ba naman…

late akong nagising.. at di ako nakapaglagay ng deodorant.. so ipinagmamalaki kong sinasabi na… I AM NOT BAKTOL FREE!! huhuhu

50 thoughts on “kili-kili power…

  1. Ako di gumagamit kung me sleeves ang shirt na susuotin. Kadalasan naman kase hindi maamoy ang kilikili pawis ko kahit marami. Ang hirap kaseng magmantsa sa damit. Pero meron pa rin akong deodorant pag nakasleeveless ako.

    Bat ko ba kinukwento to? Wala lang. Nyahahha!

  2. though nakakatawa talaga itong post mo Pot, maganda din naman kasi may natututunan ang tao =) and fact ito =D

    uy~ tawas is also good daw sa pawisan na paa and with weird na amoy. lalo na pagrainy days dito sa Pinas, ung mga tubig kasi madumi, specially mga nakasandals na nabasa or nakasapatos na nabasa pati medyas =D

  3. maganda kung bago maligo ay kuskusan ng kalamansi ang kili kili, kasi ang acidic component nito ay pumapatay sa mga organismo sa underarms. bukod pa dyan, pumuputi pa ang kili kili mo. sa mga di nabiyayaan ng maputi at makinis na armpit, marahil may pag asa pa upang kuminis ang inyo. *tip: 5 mins bago maligo, saka ka magkuskos ng kalamansi para naman kumapit ang asim nito este whitening churva nito sa underarm. effective ring deodorant ang kalamansi, pero sa mga di sanay sa kalamansi, maige na ang magtawas*

  4. hmmm… di pa naman ako nasabihan ng “glesy amoy anghit ka na..”

    don’t kiskis your kili-kili too much kung ayaw mong mag-mukhang tinapalan ng retaso ng balat ng aeta yan….

    twice? nahiya ka pa, bakit di mo pa ginawang weekdays…

    tama extrang damit… kahit na gula-gulanit na damit… kesa naman nakakahika na ang amoy mo, mas dyahe yun…

    di ako adik sa deodorant, asar nga ako pag naglalagay ako eh kasi parang may paste sa kili-kili….

    additional, kung alam mong nakaka-ngilo na ang amoy mo.. wag ng takpan pa ng pabango yan… isipin mo na lang, maamoy na nga yung natural scent mo tapos lalagyan mo pa ng sawsawang pampasarap para sa mga namamahay sa kili-kili mo…. cheers;p-glesy the great

  5. ahahaha….
    Hindi pa naman ako nagiging maBAKTOL…at hindi parin naman ako nakukutya o natatawag na maBAKTOL^_^…pero..
    Kuya Pots..ayus na ayus yung mga advice na binigay mo ahh^^
    tingin ko…tama itong lahat..
    saktong sakto ito para ibigay ko sa aking “friend”
    medyo ma-amoy BAKTOL na rin sya kasi ehh^^
    anyways…keep on what you are doing^^….
    sana may mabasa pa ako na gawa mo..

  6. .aha!!!tama ka!!nagka baktol na din aq nung 4th yir!!!!
    tapos yung wla nang amoy nagkron ung kaklse q and i realized that being mabaktol is so very yucky!!!!……but i knw its normal~~

  7. agua oxinada…sure mgaling un s am panghugas s kilikili twice a dys nu gmitin din panglinis sa armpit nu….konti lang wag ibuhus lahat…den s pag2log suka phiran ng suka….stay overnyt…sv nla apple cider dw peo hirap hnapin un e kya suka alternate n gmitin….bsta mke sure 2yuin mbuti ang armpit bgo lagay suka wag ng lagay ng deo s pg2log suka nlanh den ligo s maga w/ agua oxinada den dun kna lgay deo mo ok… promise limit dn s mga excesive sweat tgal pgppwis…..

  8. ALAM NYO BA NA AKO DIN MERON NYAN KAYA NAG HAHANAP AKO NG SOLUSYON JAN EHH KA C NAHIHIYA NA AKO SA CRUSH KO AT FRIEND KOUH KAC KAPAG LALAPIT AKO SA KANILA LUMALAYO CLA KAC ALAM KO NA NAAAMOY NILA ANG BAKTOL KO CGURO NGA SA DAMIT KO UNG DIPERENSYA KAC DI KO INAAYOS ANG PAGLALABA NG DAMIT KO CGE POUH MARAMING SALAMAT madami akong na tutunan

  9. BAKIT NAMAN AKU,,KAHIT GUMAMIT AKU NG TAWAS MAY B.O PARIN AKU,AT 2 TIMES PA AKUNG NALILIGO KADA ARAW,,UMAGA AT LUNCH..AT KINUKUSKUSAN KO PA TO NG BATO PERO WALA PARING PAGBABAGO?PAANO PO YUN?

  10. para maiwasan ang pagbaho ng kilikili iwasan mong maglagay ng mga deodorant n matapang ang amoy . Subukan mo ring maglagay ng baking powder kapag natuyo n ang kilikili mo.kc ako n try ko n yun effective .

    1. tamang hygiene lang ang kailangan… wag ka din masyado magsusuot ng polyester.. mag cotton ka.. then tawas every day or kalamansi.. natural talaga sa tao ang pagpawisan at magkaroon ng amoy.. pero sa tamang pag-aalaga, siguradong hindi ito magiging problema.. goodluck ann!

      1. Eow.,tanong ko lang po Kahit po hindi po ako pinagpapwisan eh nang aamoy po ako, nangangati po Kasi Ilong ng Katabi ko, anu po ba ang remedyu dito? Pakisagot please, Salamat

  11. kaibigan ko nagtatanung kung paano raw mawalan ng putok sa kilikili sabi nya eh lagi nmn daw sya nagamit ng tawas calamansi at rexona eh hirap na hirap na sya kasi ayaw raw lumapit ng crush nya sakanya kasi nababahuan raw eh anu raw ang gagawin nya ?

      1. hello sheena.. demanding mo naman.. ehehehehe… ang payo na maibibigay ko sa friend mo, try niya kamong magsuot ng mga cotton na damit, wag yung polyester.. bawas bawasan rin kamo niya ang pagkain ng maanghang… at kahit babae siya, try niya kamo gumamit ng high endurance (fresh) may mga kaibigan akong babae na gumagamit ng panlalakeng deodorant.. subukan lang niya muna… goodluck!

  12. Hiniram ko lng po sa tita ko anG facebook na 2..
    I am 13 years old .. May bakol po mawa2la pa po ba ang baktol kac po parang nahi2 rapan ako masyado sa baktol na i2 kac tuwinG tanghalI umaamoy na sya khit mag rexona pa aq..
    Panu po ba mawala i2.
    Permenente na po ba i2…

  13. mawawala ang baktol basta gumamit k ng calamansi. hiwain and calamansi tapos ipahid sa kili kili. ang deodorant and lalong nagpplala ng baktol

  14. Ako din magbaktol..gnawa ko na ang lahat2..nagtwas,klamansi,deodorant o perspirant,agua oxinada,maligo 3times a day, baking soda, suka..magsoot ng cotton, magpakit ng dmit, at etc….

    May paraan pa bang maalis to..huhuhu..kahit naka aircon na work place ko bumabaho pa rin…sometimes naiingit ako kc naka2 hands up mga ksma ako…pero ako parang my gold na nkaipit sa kilikili na ndi ko maitaas…huhuhu..

    Umaasa po akong mtulungan u ako..

    1. siguro kase pawisin kili kili mo😦 minsan pag nag lalagay pa ng deodorant nag hahalo pa yung amoy nya at yung pawis lalo na pag malakas yung amoy ng deodorant gaya ng rexona kadiri. nakakawalan ng ganang mabuhay </3

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s