why me….

sinalubong ko ang araw ng martes ng may ngiti at sigla sa aking mga mukha. iniisip ko kasi na 4 na araw na lang ay biyernes na muli at makakapag lamyerda pahinga muli ako…

bumangon akong maaga, nagluto ng baon, naligo, nakapag-ayos ng gamit at nagpabango… pagbibigyan ko ang mga hapon na makaamoy naman ng mabango sa araw na ito.. at ako yung maaamoy nila…

nakapwesto ako sa may bandang gilid ng pintuan para nakasandal ako at dahil nagsisimula ng ring magtulakan… ang aking laging ginagawa, inilalagay ko ang aking backpack sa aking harapan ng sagayon ay hindi ito sagabal sa ibang mga pasahero na nagpupumilit pumasok at lumabas sa loob ng tren at safe akong di ko makakahalikan ang ibang pasahero kung magkaroon ma ng siksikan…

medyo puno ang tren… para kaming sardinas na isiniksik sa lata ng ligo pero walang sauce… safe ako.. nakasandal ang likod ko at yung bag ko ay nasa harapan.. kaya hindi ako natatakot na magkaroon ng palitan ng mukha ngayon… nagkamali ako…

ang huling sumakay sa tren,  nagmamadali, dahil sumasara na ang mga pinto ito… nagpumilit pa rin syang pumasok at naitulok na sya papaloob train guide…. natapakan nya ang paa ko… “OUCH!” masakit sya, pero ok lang.. sanay na ako sa ganitong scenario… ang hindi ko napaghandaan ay ang pagtaas nya ng braso at kumapit sa bakal na hawakan sa bandang itaas ng ulo ko…

hindi lamang naantala ang panonood ko ng wrestlemania 25 sa aking iphone, kundi ang muntik na akong pumasok sa opisina na mukhang kili-kili ni manong… hindi bale sana kung nabasa niya ang post ko kahapon para naman matuwa ako… putakte… ilang taon na yatang di nalalabhan ang kanyang coat at amoy ng 30 basketball player na di naligo pagkatapos ng 5 laro sa PBA ang amoy ng kili-kili nya … exage ba akong magkwento… pwes.. totoo lahat yan!

hindi ako makabago ng posisyon… yung likod ko ay nakalapat sa sinasandalan ko… pakiramdam ko ay isa akong rape victim na pilit hinahalikan ng manyak na lalake… at talagang kumikiskis ang kili-kili niya sa mukha ko dahil nga na-alog ang tren habang bumabyahe…

malaki ata ang kasalanan ko sa mundo at pinaparusahan ako ng ganito… kaya nga pinagdasal ko na lang na magkaroon ako ng super powers… yung iisipin ko lang.. instant na magkakaroon ako ng sipon para di ko maamoy ang kili-kili nya…

natapos din ang kalbaryo ko nang ako ay bumaba ng tren… pero dala ko ang pait at pighati ng pagkatalo… dahil sa araw na ito.. nanalo ang kili-kili.. sana bukas.. ako naman ang magwagi… asahan nyo yan.. babawi ako’t dudurugin kita… pwe!

8 thoughts on “why me….

  1. tsk wag ka munang mag-deodorant ng isang linggo sabay buong sigla mong itaas ang braso na tipong makapunit ng kili-kili… kaya ayaw ko magtren eh, madalas sa katabi ko parang may hydrophobia….

    pero wag ka na gumanti.. don’t do unto othere what you don’t want others to do unto you….isipin mo na lang at least pinagpala ka ng mabangong kili-kili at sila hindi.. cheers;p-glesy the great

  2. rofl. ako naman sa bus kahit di ko nakakatabi ang mga pana na naliligo ata sa sibuyas, naman, eh humahalo ang lakas ng paputok nila sa buong bus. tila ba air freshner na hindi ang kili kili nila. dagdag pa jan ang tindi ng amoy paa na sadyang umaalingasaw. at oo nagbabus ako pauwi. hayyy..sana rin may super powers ako, yun bang isang ihip ko lang ay mag amoy downy ang paligid. lols.

  3. bwahaha adik ka! eh langya para namang parate mo ng nararanasan yan bat di mo kaya paghandaang maigi yan. Magdala ka ng mga secret weapon tulad ng AXE or PAPA cologne. Pag me natapat sayo..i-spray mo kagad ahaha.

    Okay ba? ha! ha! ha!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s