kumikitang kabuhayan…

blangko ang utak ko… masama ata talaga ang masyadong maraming iniisip. abala kasi ako sa mga maraming bagay na alam ko namang di ko pa magagawa ngayon.. ano nga ba nasa isip ko? ang kumita ng limpak-limpak na salapi!

 

negosyo ang nasa isip ko.. pero sa tinagal-tagal kong nabuhay dito sa mundo… masasabi kong naging negosyante din naman ako noong bata ako hanggang ngayon… ano ba ang mga “racket” ko noon.. tara.. samahan ninyo akong isa-isahin ko ang mga ito…

 

1. Nagpaparenta ng komics (Edad 10) – dati na akong nangongolekta ng komiks tulad ng Funny komiks, Bata-batuta, Shocker, Thriller, komedi at kung ano ano pa… ang halaga ng komiks noon ay nasa 2.50 hanggang 5 piso lamang.. at pinaparenta ko ito sa mga bata sa amin sa halagang .50 sentimo hanggang piso… kumikita ako sa maghapon ng 10 piso.. di na masama di ba?

 

2. Carolling (Edad 9-11)- di kami yung mga ordinaryong bata kapag nangangarolling.. pinauso naming kantahin ang kanta ni Jose Mari Chan na “Christmas in our Hearts” at yung sa APO naman ay yung “12 araw ng Pasko”.. siguro dahil kakaiba.. lagi kaming nabibigyan ng extra ng aming mga pinupuntahang bahay… kumikita kami ng 20-40 pesos sa 3 oras na pag iikot…

 

3. Nagbebenta ng Marvel Cards (Edad 13-15) – avid marvel fan ako (dahil kay spider-man) at nangongolekta ako noon ng mga Marvel Cards na original… syempre may mga doble… at yun ay binebenta ko sa school namin sa halagang 10-15 pesos.. sulit na kasi original naman yung cards na binebenta ko no.. saka mahal ang bili ko… kumikita ako ng 50-80 sa isang araw…

 

4. Typing/Printing Job (Edad 16) – ako ata ang nag type/print ng buong school program namin nung graduation namin.. kumita naman ata ako noon… di ko na matandaan.. pero yan yung uso pa ang dot matrix na printer.. at ang ribbon ay 20 pesos ang parefill.. kumita ako ng 500 pesos…

 

5. PC Repair (Edad 17) – hindi ko gaanong kabisado ang mga chuva terms sa computer.. pero kaya ko syang paandarin kapag kailangan… di ko naman dinadasalan.. pero ang payo k osa inyo.. bigyan nyo ng pangalan ang computers nyo.. para personal.. di ba.. kumikita ako ng 200-350 per troubleshoot.. pero minsan free consultation kasi minsan wala naman akong ginalaw sa PC ng client…

 

6. CD Burning (Edad 21) – nagamit ko ang full power ng cd burner noon at sa bami ng nadownload kong MP3.. nagagawa kong gumawa ng personalized audio cd sa halagang 35-50 pesos… may mga sales agent din ako noon.. mga pinsan ko na kumikita ng 5 pesos per CD na magpagawa sa kanila… kumikita ako ng 350-500 a day nung di pa usao ang CD burning noon…

 

7. Anime (Edad 23) – mahilig din ako sa anime.. at naging “pirata” ako noon para… medyo konti pa lang ang nagbebenta ng anime kaya pinasok ko ang negosyong ito.. kumikita ako ng 25-50 per cd…

 

8. Meteor Garden (Unknown) – nauso ang meteor graden at dahil madaming naadik dito.. eto yung pinagkaabalahan ko… gross sales ko nito ay umabot ng 50,000 dahil sa madami akong nauto tumangkilik sa F4.. nakabili ako ng PS2 dahil dito… ehehehehe

 

9. Anime Items (Unknown) – nung nagkaroon ng tiangge sa sta. ana… nakisali kami at dito ako nagbenta ng mga anime items na nabibili sa divisoria.. posters, key chains, fan, sticker, stationery at iba pa.. tinuloy ko din dito ang CD Burning at kumita kami ng 1000-2000 per day.. sa dami ng order ng CD… dahil kami lang yung may ganoong produkto… na ginaya after ilang days.. pero mas patok pa rin kami.. ehehehhe

 

10. Badges/Pins and Bag Tags/ID Cards – hindi pa masyadong kumikita ito pero balak kong ituloy ito pag uwi ko ng pinas.. may potential kasi ang market na ito lalo na kapag naialok mo sa mga schools…

 

dami ko na ring sideline no.. pero gusto ko yung permanent na… para naman di na ako magpapaalipin at ako mismo ang sarili kong boss.. may pinag-aaralan ako ngayon pero saka ko na sasabihin sa inyo… sana masoportahan ninyo ako.. eheheheh corny ng post ko no.. pero binasa naman ninyo.. ehehehehe

20 thoughts on “kumikitang kabuhayan…

  1. wow!pareho pala tayo pot..negosyante..

    hahaha!ako naman ung sa pag-buburn din ng cd’s.. nakabili ako ng walkman dito..

    tapos ung mga pasulat sa projects..kailangan kasi printed haha! pero di ako naniningil ng mataas tama na ang pop cola sa akin at piatos..🙂

  2. aba aba potski! dugong negosyante ka nga wow! alam mo sigurado isa ko sa mauuto mo sa number 1, 6 at 8! Adik ako dati sa lahat ng koments na nabanggit mo at syempre sa meteor garden weeeee.

    Hmm nagiipon ka na? Para maampon mo ko?! hahaha. mwaah

  3. Ayos yang mga raket na yan ah—-parang gusto ko ring gumawa ng post tungkol sa mga niraket ko sa buong buhay ko. Napapanahon na talaga para magtayo ng sariling negosyo. Tayo kasi sa Pinas pinalaki tayo para maging empleyado at hindi entrepreneur.

  4. hmmm negosyante si potski!!

    ano yan meteor garden na yan?? at bat unknown pa yang age na yan hahahaha….

    galing galing naman… gusto ko rin mamana yan dugong negosyante mo.. kasi ako gusto ko rin rumaket hihi😉

  5. pwede ng ifeature sa negosyete ang iyong mga kumikitang kabuhayan… business na business tycoon ang dating ah.. ahehehe…

    at maganda yang may negosyo para ang kinikita mula sa sweldo eh tumutubo pa.. di ba? di ba? sabay-sabay tayong magpayaman!!! at kung mauna ka man.. wag mo akong kalilimutan… andito lang ako sa likod na nakasahod na ang palad.. cheers;p-glesy the great

  6. ay i like people na gustong magnegosyo. actually issusulat ko sana yung negosyante dun sa isang post mo about sa trabaho na hindi nagawa. para kasi sa akin anytime puwede ka namang maging negosyante so magagawa ko ito.

    ako rin mahilig rin sa mga raket/sideline/part time jobs. yung kita ko sa isang part time ko ay naging capital ng kuya ko sa kanyang sari-sari store at nang binayaran niya ako pinambili ko ng laptop na ginagamit ko naman ngayon sa iba’t ibang kalokohan at puwede mapagkakiitaan. siempre unang gamit ng laptop ay pagba-blog. buhehehe

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s