the challenge…

Friday ngayon.. at balak kong mag blog hop mula umaga hanggang hapon para naman masabi kong nagawa ko ang trabaho ko dito sa opisina (sana nga may trabaho na naka online ka lang maghapon.. saan kaya meron?) pero karamihan ng nasa blog roll ko.. either nagbura ng blog, nag hiatus mode, o sadyang hindi na nagboblog…

hindi ko alam kung nagkanana ba sa mga daliri ang mga kaibigan kong ito o sadyang super busy sila sa kanilang totoong buhay (ouch.. na hurt ako bigla)

hindi naman kasi biro ang pag maintain ng blog.. ako din dati napasubo.. kala ko basta marunong kang mag type ay pwede na.. mali pala ako.. kailangan talaga matiyaga ka at laging updated… eh dati naman nung hindi uso ang internet eh sobra-sobra oras natin.. ngayon lang parang naging toxic…

pero sa totoo lang.. na miss ko ang tumambay.. yung hindi ako nakaharap sa computer ng humigit 24 oras at kasama ko ang mga kaibigan.. tawanan.. kwentuhan.. kainan… masaya pala sya.. yun ata ang nakakalungkot dito sa abroad.. masyado kaming lulon sa mundo ng internet.. nakakalimutan namin na may realidad pa na pwedeng balik-balikan…

pero sa totoo lang uli.. na miss ko ang mag internet.. sa mahigit 3 araw kong pasulpot-sulpot lang sa mundong ito.. hinahanap sya ng sistema ko… hindi ako mapakali ng di nakakaharap sa monitor or nagtatype.. eh yung iphone ko nga may internet eh.. bakit di ko gamitin di ba?

pero kaya ko kayang walang internet / computer / technology ng kahit isang araw lang? as in wala… di ko pa nagagawa ito… hmmm.. magandang challenge ito.. isasadokumento ko ito sa pamamagitan ng pag video blog.. kaya ko kaya?? kayo.. are you up for the challenge?

Mechanics:

1. Hindi ka gagamit ng kahit anong gadget (celfone, digicam, computer, etc.) sa loob ng 24 oras. (Video cam pwede.. for documentation purposes only)

2. Kung maaari ay maisadokumento mo ang mga ginagawa mo sa pamamagitan ng pag video ng sa gayon ay ma track natin kung ano na ang ginagawa mo sa mga oras na iyon.

3. Bawal mandaya… di naman ito sapilitan.. susubukan mo lang naman ang sarili mo kung kaya mong tumagal ng walang hawak na kahit anong gadget na pampalibang…

4. Ipadala sa email o sabihin nyo lang sa akin para maisama ko kayo dito sa blog ko na super dami ang bumabasa.. 3 (ako, nanay ko at ate ko)

5. Ang makagawa nito ay may surprise galing sa akin.. kung ano man yun.. surprise na lang muna…

So kaya ba ninyo? Pwes.. subukan ninyo ang tigas nyo!

19 thoughts on “the challenge…

  1. nagawa ko na yan nung december, nasa aming isla ako. walang signal ang celphones, walang kuryente dahil bagyo. ang nangyari? tambay sa kanto! sarap ng kwentuhan1

  2. takte ang hirap naman non! at teka, wala akong video cam (LOL)

    hahaha…

    nagbloghop ka sakin kanina.. at kaka-post ko pa lang ng bagong new entry ko. magbloghop ka ulit, bwahahaha

  3. waaaahhh!! pot, ang hirap naman ng challenge mo. indi yan kakayanin ng powers ko dahil chak un ikamamatay ko ito.

    di bale, makikinood nalang ako sa mga henyo na kakaynin ang challengo na yan ehhehehe…abangers na lang ako.🙂

  4. Salamat sa pagdaan at pagcomment sa site ko.. :))

    di ko kaya yang challenge mo.
    ang hirap niyan! never pa lumipas ang araw ko na hindi ako humawak ng kahit anong gadget. :)) sobrang attached ako sa mga gamit ko.. parang kadugtong ng pusod ko yung mgaa wires nito.. LOL

  5. kaya ko siguro ito basta lang may kaharap akong isang platong burat,hihihi

    pero alam mo kakamiss talaga yun…yung totoong social life..yung realidad..hay ang sarap non..hindi daliri ang gumagana kundi bibig,hehehe

  6. Hmmm 24 hours lang? madali yan masyadow. Pero ayokong i-try wahaha.
    Makukuha ko naman malamang ang surprise kahit di ako sumali sa challenge lolz. Joke lang.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s