tabi-tabi po…

nasanay ako sa pinas.. lalo na kapag nasa mall ka.. ang maglilinis ng CR ng babae ay janitress… at maglilinis naman ng CR ng lalake ay janitor…  pero dito sa opisina namin.. ang naglilinis ng parehong CR ay isang JANITRESS… oo.. tama… ikukwento ko sa inyo ang masaklap na nangyari sa akin nung minsang ako ay tumambay sa aming CR…

di naman kaila sa inyo na ang paborito kong tambayan ay ang cubicle sa loob ng CR ng mga lalake.. bukod sa medyo spacious ito.. pwede kang matulog dahil every hour meron kang 10 minute break… araw-araw na lang.. lagi kong naaabutan ang tagalinis ng CR na naguumpisa ng 10 ng umaga at matatapos ng 10:30….. pagpasok ko pa lang.. binati nya agad ako ng isang masayang “maganda umaga.. bayan” at tuloy lang sya sa pag linis ng lababo… hindi kasi ako agad dumederetso sa cubicle dahil ayoko ding mahalata niya na hindi ko ginagawa ang “purpose” ng CR sa mundong ibabaw… kaya… ako muna ay jumijingle sa urinal… dumederetso ako sa pinakadulo.. yung malapit sa pader.. malayo sa kanya…

lingid sa aking kalaaman.. habang ako ay nagjijingle sa dulong urinal… unti-unti siyang lumalapit, one urinal at a time.. 4 lang ang urinal, so madaling sabi, kung kakalkulahin mo ang segundo ng pag linis niya ng kada isang urinal, sa bagal ng pag tulo ng bawat ihi mula sa aking sandata.. humigit kumulang na 15 segundo ay nasa pang-apat na urinal na sya…

ok lang sana kung pagkatapos niya sa pangatlong  urinal ay aalis muna sya at maglilinis ng ibang bagay, talagang tatayo pa sya sa gilid ko, nakatingin sa urinal na pinag iihian ko.. at hinihintay na matapos ako…

kulang na lang ay siya ang magpagpag, magpunas ng tissue, ipasok si manoy at i-zipper ang pantalon ko.. napaka awkward lagi ng moment naming dalawa… di bale sana kung bata at maganda yung janitress.. eh naman.. mas matanda pa ata siya sa lola ko…

so nakaisip ako ng plano… na siguradong di papalya… papasok ako ng CR ng bandang 10:45… bwahahahaha tignan ko na lang kung magka-abutan pa kaming dalawa…

pero sa kasamaang palad…. nakatayo na sya sa pang-apat na cubicle.. at hinihintay nya akong umihi dun… amfpt….

10 thoughts on “tabi-tabi po…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s