good morning wood…

(WARNING! some languages not suitable for minors…)

sa malamang na kwento ko na sa inyo dati ang adventure ko sa tren na kung saan inaatake ako ng sumpong na “good morning wood”.. eto yung di ma-explain na kaganapan sa katawan ng isang lalake na kung saan sumasaludo ang kanyang sundalo kahit hindi naman ito nasa state of kalibugan…

nangyari na naman sya sa kin.. ang masama.. dito sa opisina…

boxer shorts lagi ang suot ko na underwear at bibihira na akong mag brief… wala kasing kasya na brief eh mas presko kasi eh…

bumili ako ng pang almusal sa convenient store sa baba ng office namin at di na ako nag jacket kasi maaraw naman… habang nasa elevator ako pababa… nararamdaman kong tumitigas ang parte ng katawan ko na di dapat tumigas sa mga oras na yun… eh medyo madaming babae sa elevator.. kaya sumimple ako at pinasok ang dalawang kamay ko sa bulsa ng slacks ko at nagkunwaring puno ang laman ng bulsa ko…

hindi kasi uso dito ang “pagkambyo” at medyo malayo pa ang CR kaya nakipagsapalaran na lang ako na nakabukol si “manoy” at tuloy lakad lang papuntang convenient store…

kamalas-malasan.. nasalubong ko yung secretary ng boss ko… kung iisipin mo ang hitsura niya, papasa naman siyang maganda.. pero may edad na kasi, siguro mga 38 na.. pero hot pa rin.. siguro gusto niyang i-practice ang kanyang english… nakipag chikahan pa sa akin..  para akong nahuli ng FBI sa mga tanong nung secretary… pinagpapawisan na ako at di ko mahugot ang “labakara” ko para punasan ang butil-butil na pawis na nagpiyesta sa noo ko at batok…

biglang nagtanong yung secretary…

“Kore wa nani?” (Ano yan?) sabay turo sa pantalon ko….

mas lalo ako namilipit at di ko alam kung paano ko itatago ang di nya dapat nakikitang nakaumbok na kung ano man… pakiramdam ko nga eh para akong bida sa hunchback of notre dame dahil para akong kuba na nakayuko na nakapasok ang dalawang kamay ko sa bulsa..

wala na akong magagawa… siguro nakahalata na yung secretary..  so sinabi ko sa kanya na…

“Himitsu desu” (Secret)… sabay lakad papalayo at dire-diretso sa combini…

sakto namang nahimasmasan ang alaga ko at nagsubside na ang kanyang pagkagalit sa mundo…  nakabili ako ng almusal at nakakain at bumalik na sa opisina…

maya-maya.. nilapitan ako nung secretary nung boss ko… at nagpapatulong sa may warehouse… so sinamahan ko naman sya dun sa madilim at masikip na bodega… ng biglang ni lock niya ang pinto at tinulak ako sa may bandang sulok ng kwartong iyon…

nagsalita sya ng nihongo at di ko na naintindihan basta ang alam ko ay di ito tama… ang naintindihan ko lang ay…

“Himitsu mitai…” (Gusto kong makita ang secret)…

sa takot ko ay napatumba ako at napaupo… dahan-dahang lumapit ang secretary sa akin at unti-unti siyang lumapit sa akin… at ang kasunod nito ay

biglang nag alarm ang iphone ko at na set ko pala sya ng mas late na oras.. kaya muntik na akong malate sa opisina… sorry naman…

15 thoughts on “good morning wood…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s