ayoko.. ayaw ko..

salamat sa mahal kong si Heleyna… binigyan nya ako ng maipopost… hmmm.. nakakaintriga ang post na ito.. malalaman nyo yung ayaw kong mga bagay/tao/pangyayari… pero sige.. subukan natin.. 

The rule of the game is plain and simple: Write 13 things / persons / animals /at kung-ano ano pa that you hate and/or your petpeeves. Tag 13 people afterwards.

1. Ayaw ko ng suka – hindi ako nagsasawsaw ng suka sa lahat ng pagkain na sinasawsawan ng suka.. preferred ko ang toyo.. kaya siguro malakas ang trip ko sa buhay… ang kinakain ko lang ay yung mga ulam na may suka.. tulad ng adobo or sinigang…

2. Ayoko ng garapal na plastik – aminado ako na minsan plastik ako.. pero hindi ito dahil gusto kong makipag plastikan sa iyo.. may mga bagay kasi na kailangan para di masaktan ang damdamin ng isang tao… pero kung ginagawa mo ang pakikipag plastikan para lang makalamang ka ng kapwa mo.. eh suntukan na lang…

3. Ayaw ko ng KJ – tatay ko KJ na.. pati ba naman ikaw? Sabi nga nila.. walang basagan ng trip.. wala akong pakialam sa trip mo sa buhay.. wag mo lang akong pipigilan sa trip ko.. walang pilitan.. sungalngalin kita jan eh…

4. Ayaw ko ng masyadong “Pasosyal” – lahat naman tayo may natatagong “sosyal” na genes.. pero wag naman to the point na nakakairita na… lagi mong tandaan… pare-pareho tayong kumakain ng kanin.. at pare-parehong mababaho ang utot natin.. kaya wag ka ng mag ano-ano jan!

5. Ayaw kong mag formal – hindi ako mahilig magsuot ng mga formal na damit.. minsan nga medyo napipilitan lang ako na mag semi formal.. depende sa okasyon at syempre sa trabaho.. di kasi ako makakilos ng maiigi.. ako yung tipong t-shirt/maong or shorts na lalake.. kung pwede nga lang maghubad eh.. kaso nakakadiri yun…

6. Ayaw ko sa pera – oo tama kayo, ayaw ko sa pera.. isipin na lang ninyo.. kaka landing lang nya sa ATM ko.. simot agad sya.. at kapag may hawak akong pera.. tinatapon ko sya sa mga gadgets store at grocery… tsk… i hate money…

7. Ayaw ko ng ulan – ayaw ko kapag natataon na may lakad ako at uulan.. nakakasira ng mood.. kasi aantukin ako.. pwede bang pa schedule sa akin ang ulan kung kailan sya darating? nakakasira ng lakwatsa eh.. pwede?

8. Ayaw ko sa mga mga corrupt na pulis/MMDA/traffic enforcer – gawin nyo na lang trabaho nyo… nagtataka naman ako sa inyo na minsan nagtatago kayo sa poste at naghihintay kayong may magkamali para makakikil kayo.. kaya wala na ring galang mga tao sa inyo kasi mukha kayong pera.. gawin nyo lang trabaho nyo at siguradong mababawasan ang trapiko…

9. Ayaw kong tumanda – sino ba naman ang gusto di ba?

10. Ayaw ko iced tea na walang lasa – madaming klase ng iced tea dito sa japan na walang lasa.. hindi ako nasanay na walang tamis ang iniinom kong iced tea.. kaya sorry na lang…

11. Ayaw ko sa gin – masama na kasi ang karanasan ko sa gin, pero kung no choice sa inuman iinom ako pero wag ninyong asahan na madami akong maiinom… pagnapaparami ako niyan.. ginagawa kong tubig ang red horse at lahat ng makatabi ko ay hinahalikan ko… FRENCH KISS ha..

12. Ayaw ko mag text ng shortcut – ginagawa ko lang ito kapag kinulang ako ng mga letters pero bibihira kong gawin.. laging full text ang mga messages ko.. ayaw ko kasing masanay mag type ng shortcut.. bakit ayaw ko.. wala ka ng paki dun!

13.  Ayaw ko ng pakatanga – kung bakit ako naging tanga… tanungin nyo ako personally.. sasagutin ko kayo.. hehehehe

ayan natapos ko din.. almost 3 weeks ang tinagal nitong tag na ito.. ang hirap mag-isip ng ayaw ko sa buhay.. halos lahat naman kasi gusto ko.. hindi na ako magtatag.. saka na… wala rin namang sumasagot sa mga tags ko eh.. so hanggang dito na lang.. byebye!

6 thoughts on “ayoko.. ayaw ko..

  1. Awwts 3 weeks lang ba? parang 1month na eh hahaha. Salamat naman. Hmmm nasabi mo na sa kin karamihan ng mga yan eh di na ko nagtataka.
    Guto mo dagdagan ko pa?

    – ayaw mong binabatukan
    – ayaw mong tamang hinala
    – ayaw mong magdamit…lagi kang topless
    – ayaw mo ng kanin {napilitan lang kasi nagda-diet}

    Isipin ko pa yung iba. mwaaah! hmmm naiintriga ko sa number 13..pano ko naman matatanong personally yan aber?!

    1. i month na ba.. sorry naman mahal…

      pag dinagdag ko pa yan di na 13.. hehehehe pero tama ka… galing galing… mwah!

      bulong ko sa iyo minsan.. hehehehe

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s