foot massage…

masakit sa paa ang leather shoes at dahil humigit 10 minutes ang lakbayin ko gamit ang aking paa mula sa paradahan ng bisikleta hanggang istasyon ng tren, at isa pang 10 minutes na paglalakad mula istasyon ng tren hanggang opisina…. isama na rin natin ang 45 minutes mahigit na pagtayo sa tren dahil walang maupuan.

kaya ang unang-una kong ginagawa pag upo ko sa aking upuan na sa tingin ko ay 10 years old na dahil natusok na ang bakal sa puwitan ko… ay tinatanggal ko ang suot kong leather shoes at sabay extend ng mga binti sa ilalim ng lamesa ko…

kung iisipin mo, para lang itong pagbukas ng malamig na bote ng coke.. ganun yung pakiramdam ko… kulang na lang yung fizz at yung lasa ng malamig na coke na dumadaloy sa lalamunan ko… in other words.. MASARAP…

so habang nagmamacarena ang mga paa ko dahil nakahinga silang muli.. may natapakan ako… isang bagay na malambot pero matigas… pakiramdam ko ay patay na daga.. pero di ako dapat mag panic.. masisira ang image ko sa opisina… kailangan kong magpakalma.. naisip ko din naman na malinis ang office at hindi pwedeng magkaroon ng daga na sobrang laki… so sa pamamagitan ng aking husay sa kapaan (oo mahusay ako jan), gamit ang dalawang paa ko… kinapa-kapa ko kung ano sya… pakiramdam ko talaga daga na malaki.. may parang ulo sya at parang may buto.. pero siniguro ko muna… mahirap ng magbakasakali.. nakakahiya dito sa office… so tinanggal ko ang medyas ko para makapa kong maigi at malaman kung ano ba talaga sya… mabalahibo… mukhang daga nga… ewwwwww

pero nagulat ako… gumalaw ito! langhiya! may buhay na daga sa opisina… kailangan masabi ko na agad ito sa boss ko para naman makagawa sila ng aksyon.. ewwwww nakipag lampungan ang mga talampakan ko sa daga! yuck! medyo masama ang tingin sa akin ng kaopisina ko, parang nandidiri din sya… siguro may understanding kami na may daga nga sa ilalim ng lamesa at kailangan naming sabihin agad para mapuksa ito… tumayo siya at lumapit sa akin… bumulong…

“lambot pala ng paa mo.. paa ko yung minomolestya mo kanina..”

WTF!?!?

8 thoughts on “foot massage…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s