ano daw?

may ibang bagay na dapat pag tuunan ng pansin, may ibang bagay naman na di kapansin-pansin, pero kung papansinin ninyo ang mga bagay-bagay, mapapansin nyo na pansin na pansin mga mga bagay na napansin kong kapansin-pansin…

naisip mo ba, na ang mga taong nag-iisip ng mga di dapat isiping tao ay napapaisip kung iisipin pa nila ang taong may-isip, pero kahit anong isip ang gawin nila.. hindi pa rin sila iisipin?

kinakaya mong kayanin ang mga akala mong kayang gawin pero ang kaya mo lang ay ang mga kayang gawin ng ibang tao na kinakaya-kayanan…

wala ka ng magagawa kung wala ka namang ginagawa para gawin ang walang kwentang gawain para lang maipakita mo na ang ginagawa mo ay wala lang para sa kanya…

ituloy mo  ang nararamdaman mo na itinuloy na ng iba pero kung papakiramdaman mo, yung nararamdaman mo ay pwede mo pang ituloy para may maramdaman siya na pakiramdam…

aaminin ko, na kapag inamin ko ang dapat kong aminin.. aamin ka rin ba?

salamat sa lahat ng pwedeng ipagpasalamatan pero isang salamat lang naman ang nais kong ipasalamat, at yun ay ang pasasalamat sa salamat kong natanggap galing sa iyo…

kung mahal man na maituturing ang mahalin ka ng walang halong pagmamahal.. mamahalin mo rin kaya ako tulad ng pagmamahal na pinapakita ko sa iyo?

mahirap kung mawala ang pinaghirapan mong paghihirap.. pero kung mawala man ang hirap, nakasisiguro akong mahirap mawala ang hirap pero walang pinaghirapan ang hindi dumaan sa paghihirap…

kung ang puso ay may sariling utak.. at ang utak may sariling puso.. di na kailangan mag-isip pa gamit ang puso at magmahal gamit ang isipan…

10 thoughts on “ano daw?

  1. Sa akin anak okey kang umisip ng mga isipin na di naman dapat isipin ng mga nagiisip na sa tingin mo ay iniisip kaya ikaw na ang magisip kung ano itong pinaiisip mo sa akin na alam mong di dapat isiipin. he he he

  2. kung ang puso ay may sariling utak.. at ang utak may sariling puso.. di na kailangan mag-isip pa gamit ang puso at magmahal gamit ang isipan…

    Isang bagay na kaayaayang pagbulaybulayan!

    Mabuhay ang walang katapusan mong pananagalog na halos di matanto ang kahahantungan nito. kaya ang payo ko sayo makinig ka sa payo ng mga nagpapayo na napayuhan ng mga nanghingi ng payo para ang mga payong ito ay magamit mong pampayo sa mga naghahanap ng payo.

    Whew!

  3. hmmm napaisip ako dyan ah. Di ko malaman kung seryoso ka o niloloko mo lang kami. Wahaha.

    Mwah! Ang ganda ng linyang to imperness! >>> “kung ang puso ay may sariling utak.. at ang utak may sariling puso.. di na kailangan mag-isip pa gamit ang puso at magmahal gamit ang isipan…”

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s