salamat at sorry….

salamat sa dati kong boss, isa sa pinakamabait at napaka supportive na boss na nakilala ko, hindi naging hadlang ang language para di tayo magkaintindihan at di hadlang ang ating kultura para di tayo magtulungan. kahit nabuwag na ang department mo, asaahan mo na ang suporta ko sa iyo ay more than 100%. taos puso ang pasasalamat ko sa iyo lolo…

para sa bago kong boss, crush mo ba ako? napansin ko lang kasi nung magkausap tayo kahapon, kinaiinggitan mo ang pagdalo ko sa party ng client ninyo samantalang pinuna mo ang di ko pagdalo ng party mo? kung wala naman akong sakit noon, eh di napuntahan ko yun, libreng kainan yun at inuman, sino ba naman ako para tumanggi sa libre.. pero dahil sa iyo.. ang party na dapat kong pupuntahan, 2000 pesos ang nawala sa akin dahil last week pa ako naka register at bawal ng bawiin ang pera… ang galing mo no.. nag-iinarte ka lang siguro…

at isa pa, kuha ko yung point na sinasabi mo, ano pang silbi ng pag-aral ko ng technical at pagsalita ng nihongo kung kahit ma-renew ang contract ko dito sa client eh malulugi din kayo? di ba wala? ikaw nagsabi niyan.. nag drawing ka pa nga ng puro “minus” na sign…

hindi naman ako totally bobo sa salita nyo, naiintindihan ko ang mga sinabi mo, nainsulto ka ba nung nilabasan kita ng dictionary at kada salitang manggaling sa bibig mo ay sinusulat ko sabay tingin sa dictionary? nanggagalaiti ka dahil ayaw mong gumamit ako ng translator sa computer dahil di ako matututo ng nihongo, eh what is the use.. matatanggal din naman ako sa kumpanya ninyo.

naiintindihan din kita nung sinabi mong bakit di ako nag apply sa US or sa England kasi nakakapag English ako. di ko alam kung tanga ka, kung may opportunity ba sa US at England, syempre yun ang priority ko, kayo ang nangailangan ng tao, nag apply ako at tinanggap ninyo ako, learn to deal with that…

hindi porke nasa bansa ninyo ako, kailangan nakakapagsalita ako ng lengwahe nyo. kaya nga nag-aaral ng unti-unti… ang mga bata ba paglabas sa sinapupunan after two years ay nakakapagsalita na ng nihongo? wag sanang dumating ang panahon na ang mga hapon ay magpunta sa pinas at sila naman ang magtrabaho under sa mga pinoy. bawal magnihongo or english, magfilipino kayo. naisip ko lang to, para makaganti naman.. hehehehe.

naiintindihan ko rin na kahit mahigit isang metro ang layo ng mukha mo sa mukha ko ay naaamoy ko ang baho ng hininga mo, at least ako nag sepilyo bago ako humarap sa iyo, nakakahiya naman kasi di ba. masyado bang personal? sorry napersonal mo ako nung sinabi mong wala akong silbi dito sa japan…

ang kasalanan ko lang sa inyo ay di ako nakakapagnihongo. yun lang. pero sa iba pang sinabi mo..  di ako magsosorry… bakit.. dahil sinabi ko… ulul!

19 thoughts on “salamat at sorry….

  1. anak, sabi nga be positive. Pag nagclose ang door, maraming windows ang mabubuksan. Pero teka, ano ba ang basa mo diyan sa pinagsasasabi ng iyong new boss? Ilan ba kayong kausap niya? Ikaw lang ba o meron pang iba?Maybe, yung pagsasalita niya eh tawag dun ay miscommunication, di kaya? Iba ang sinasabi niya sa gusto niyang sabihin? Now, ano ba ang feeling mo? Mag send ka na sabi ng iyong biodata sa US, UK, Australia or Canada.

    1. mommy… wag mo ng buuin ang pangalan mo… hehehehe…
      malalaman mo naman kasi kung ginagago ka ng isang tao.. ako lang ang kinausap niya pero nagtataka ako bakit di nya email sa akin ang mga sinasabi niya para ma translate ko… hindi naman ako ganun kabihasa sa nihongo, assuming sya masyado…. may 3 months pa ako dito para makalipat ng ibang kumpanya… worst case is babalik ako ng pinas.. pero sayang ang visa ko dito kaya kailangan kong magsumikap…

  2. ang hirap din talagang ipaintindi sa mga ibang lahi na nag OFW tayo at dumayo sa bansa nila para magtrabaho at hindi para pag aralan ang lengwahe nila…

    talented ka naman pot..am sure u’ll get a good job at makakhuha ka pa ng maayos na boss

    ang cool ni mommy ah… (hello po!)

    and ahmn, natawa ko sa ‘drawing na puro minus’ hahahaha

    all the best potsu

  3. hmmm wow talaga very supportive si mommy…

    totoo ba pot mabaho hininga nya???😆

    pot! hmm ano ba masasabi ko… sige lang i blog mo lang lahat ng sama ng loob mo…

    Keep on praying.. gaya nga ng sabi ng mommy mo ( elow po mommy ni pots) be positive! Ikaw pa ang galing galing mo! Alam ko malayo pa mararating mo!

    *hugs* po😉

  4. Hay naku potpot, masama talaga ugali nung boss mong yon. di lang sa pinoy pati sa kapwa hapon nya. siya lng ang nakilala kong hapon na super sa yabang at sama ng ugali. May better opportunity para sayo. Andito lng kami ni lolo.

  5. hi, napadaan lang ako dito sa blog mo at nabasa ko yung latest post mo… sarap talaga maglabas ng mga nararamdaman through writing…

    I’m sure you’ll find a better opportunity🙂

  6. sabihin mo sa boss mo wala ka pala silbi bakit hired ka pa nila??? bobo pala sila! @#%!!! kung gusto nila eh di maghanap o mag hire sila ng kauri nila na BOBO! Galing-galing mo nga nakapagsalita and intindi ka na ng salita nila in a short span of time… anyways take care po and tiis tiis lang konti… i wish u all the best and sana makapunta ka nga sa ibang bansa like US o Canada! Take care and God bless us always =).

  7. first of all, ang sosyal nagbabasa pala ng blog mo ang iyong ina! cool!

    second of all, bwahahaha! Gusto kong mangyare yang naisip mo na sila ang magtrabaho dito at bawal mag English o Nihonggo.

    Third of all, regaluhan mo ng mouthwash at toothpaste pot! bwahahaha!!!

    God bless sa paghahanap mo ng bagong work🙂

  8. Ang sweet ni Mommy, weee, nakabase pa o!

    Kuya Pot, tama si mommy, pag nagsara ang pinto, bubukas ang bintana, Pag sumara ang bintana, matatanggal ang bubong at bubuhos ang biyaya. Intayin mo lang masira ang abhay para umapaw ang biyaya.

    Stay strong! God bless!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s