order disorder…

last week, nagdesisyon akong ayusin na ang buhay ko, ayusin ang mga bagay na nagpapabigat sa loob ko, mapa gamit ko sa bahay o mga sangkatutak kong files na di pa nakaayos simula pa sa panahon ni limahong, o mga ugali kong di maganda tulad ng procrastination… *nosebleed*

naka derived ako ng schedule sa tuwing haharap ako sa laptop ko na sa tingin ko ay makakabuti para ma back-up ko ang iba kong files at ma-arrange ko sila in a way na madaling ma-access… di dapat biglaan.. one step at a time.. ayokong biglain eh.. ~let’s take it slow… ok.. sorry naman.. LSS pa rin ako sa careless whisper eh.. binabago ko lang…

– usually nakakauwi ako ng 7PM-7:30PM, kaya ang gagawin ko sa mga oras na yan ay magluto, kumain, maghugas ng pinggan at magtapon ng mga maliliit na basura na nakikita ko sa loob bahay…

– 8PM, bubuksan ko na ang laptop ko at magcoconnect sa “restaurant city”, na isang laro sa face book (sorry naman.. naadik na ako eh…), check emails, view or comment sa mga post ng mga kaibigan sa multiply, flickr, facebook at kung saan saan pa, at mag save ng mga “educational” pictures na magagamit ko sa mga malalamig na gabi research ko tungkol sa human anatomy nature..

– 9PM, pipilitin kong mag burn ng 2 hanggang 3 na DVD ng mga movies kong nadownload sa internet (oo na, mahilig ako sa pirata.. my motto is… “piracy is the best policy)… gumawa na rin ako ng list sa excel ng mga movies na yan, for my reference lang naman…

– 10PM, pipilitin kong mag update ng 3-5 contacts sa iphone para naman may silbi ang iphone ko…

10:30PM, pilitin kong makapanood ng kahit isang episode ng isang TV series para naman updated ako sa mga usong palabas ngayon… jologs na kasi ako eh..

11PM, magbabalak na akong matulog kaya hihiga na ako at maghihintay lang ng mga nais pang mangulit sa akin sa mga oras na yan…

simple lang naman ang schedule ko.. siguro sa loob ng 3 months, matatapos ko na lahat ng mga small things na nakakaligtaan kong gawin… umaasa ako na maging maayos at maging matiwasay ang aking pamumuhay…

PS.. maaga akong nakatulog kagabi, di ko nasunod ang lecheng schedule at maaga din akong nagising kaya kulang na naman tulog ko.. sira ang body clock ko… shet…

14 thoughts on “order disorder…

  1. See? Mahirap talaga ang disiplinahin ang sarili. Pwede mo pang isaayos ang buhay ng ibang tao pero ang sarili ang pinakamahirap. Sabi nga ni Oklab, pag naturuan mo ang ibang tao ang tawag sa iyo ay BETTER person, pero pag nabago mo ng maayos at maganda ang iyong sarili/buhay ang tawag sa iyo ay BEST person. Lahat ng bagay ay may plano at kung wala ka niyan maleletse ang buhay mo. Parang bahay, kung walang plan or design, barong barong ang labas niyan. Ang mga taong walang plano ay walang kinahihinatnan. Tandaan mo yan anak. Habang bata ka pa isabuhay mo ang mga sinasabi ko sa iyo. BASTA dun tayo sa tama. Ayokong maririnig sa iyo ang mga salitang BAHALA NA, TAO LANG AKO, LEAVE IT TO LORD, EH GUSTO KO EH, MAGPATIANOD NA LANG, KUNG SAAN DALHIN NG MGA PAA, ITO NA AKING NAKAGISNAN, TAKOT AKO SA CHANGE, DI KO KAYA, ALAM NA NILA YUN, EH SABI NG KAIBIGAN KO EH, PANGIT KASI ANG GOBYERNO NATIN, EH KASI SI ANO EH, SILA ANG ME SABI EH, SILA ANG ME KASALANAN, BASTA, AYOKO, DI KO ALAM, etc etc etc.

    1. mommy.. ginawa mong extension ng sermon mo ang comment section ng blog ko.. pero i appreciate it.. alam ko naman na nanjan ka for me… thank you!! i love you mommy!! at naman.. ang pangalan mo… edit mo naman.. buong buo eh…

  2. alam mo yung schedule mo, halos ganyan din ang ginagawa ko pagkatapos ng trabaho. kaso tulad mo, di ko rin masunod yun. hanggang pagchechek ng emails at paglalaro ng Yoville sa facebook lang ang nagagawa ko tapos, nakakatulog na ako. bad trip ano?

    kaya pagdating ng umaga, mega nagmamadali na ako.

    OC ako sa trabaho pero pagdating sa sarili kong buhay, ang gulo gulo ko. sign daw yan ng stress sabi nila. hehehe…

    So, does that mean, stressed ka rin? =)

  3. hehehehe!

    actually, hindi simple ang sched na ginawa mo, swear. it’s kinda hectic, hehe.

    besides, mahirap nga talagang mag-stick sa plan.

    try to take it slower pa. hehe.

  4. Asus eh bat minsan ang aga aga mo nga natutulog. Yan ba may sleeping disorder?? hahaha. Nauna ka lang eh..pero sana masimulan ko ring ayusin ang body clock ko. Hays.

    “educational” pictures- ano nga natutunan mo naman dito? hahaha

  5. Ako din gusto kong ayusin ang buhay ko! I’m a guilty clutterer, at ang files ko ganun din. Minsan I guve myself little goals like that, pero hindi permanente. Paiba-iba at unti-unting goal lang para hindi ako mapressure.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s