sana maging masaya ka…

kay bilis ng panahon.. hindi ko akalain na sa ilang taon nating pagkakakilala… eh ikakasal ka na… oo naman malungkot ako, di mo man lang sinabi agad sa akin, nakita ko lang sa website mo na ikakasal ka na… hindi ko naman maikukubli na kahit masaya ang pinapakita ko sa aking panlabas na mukha, pighati naman ang nararamdaman ko sa aking puso..

tanda ko pa nung pinakilala ka ng ate ko sa akin, ni hindi nga kita masyadong pinapansin.. pero nung lumaon, natutuwa na ako sa mga kwento mo, nakakaaliw ka pala, bakit naman kasi di mo sinabing kumedyante ka.. magaan pa naman ang loob ko sa tulad mo…

naaalala mo pa ba, nung nasa highschool pa ako, kunwaring ayaw ko pa sa iyo, pero kapag recess na.. hindi na kita matiis… syempre nagpapakipot ako sa iyo, ayokong isipin nila na sabik akong makapiling ka… hanggang sa napupuna na nila na madalas tayong magkasama… at kahit papaano.. nararamdaman ko na naiinggit sila…

kahit nga nung nagka girlfriend ako, ikaw pa rin ang bukang bibig ko… di ko matigil ang pag kwento ng tungkol sa iyo, naiinis na nga ang girlfriend ko kasi parang di na kita tinatantanan…

minsan ngang nilapitan ako ng bestfriend ko at nais ka daw niyang maangkin, ipinaglaban ko na di ka ibigay… ganun ka kahalaga sa akin.. laban kung laban.. walang bitawan…

kahit saan magkasama tayo.. sa jeep, sa kotse, sa simbahan, sa sinehan, sa mga parks, sa mall, at kung saan saan pa.. ayaw kitang lumabayan.. ikaw pa.. mahal na kita nun..

pero ilang taon din tayong di nagtagpo… simula nung nag college ako, pinilit kong mag-aral mabuti.. at unti-unti kitang nakalimutan, hindi ko naman naisip na malaki ang naiambag mo sa aking pagkabinata.. sorry na.. alam kong nagtatampo ka din..

nalaman ko nga din na nangayayat ka.. dati kasi ang taba-taba mo.. pero ilang taon lang pumayat ka na.. di ko alam kung bakit pero nalungkot ako.. parang di na ikaw yung dati kong kilala… kaya siguro lumayo ako..

at ngayon nga.. may mahigit 15 taon na rin ang nakaraan… ikakasal ka na.. congratulations.. at sana maging masaya ka.. isa lang naman ang gusto kong sabihin sa iyo bago ka pa ikasal..

sana mas piliin mo si Betty… wag si Veronica.. please lang!!

ikakasal ka na!
ikakasal ka na!

12 thoughts on “sana maging masaya ka…

  1. hahahha! kala ko XMEN.. Isip naman ako kung sino sa kanila ang ikakasal…. si wolverine ba o si gambit… hahaha

    Si Roseanne yata ang adik jan, di ko alam naimpluwensyahan ka pala. si Kiko yata si Veronica ng group namin…hahaha.

  2. anak ng tokwa naman o.. yang laking tao mo na yan nagbabasa ka ng archie? ahehe Trivia: every characters sa archie comics signifies one of the seven capital sins… sabi ng prof ko sa theology.. ahhaa.. cheers;p-glesy the great

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s