pinasaya mo ako…

pasensya na kung ganito ako… bibihira kong maramdaman ang ganitong pakiramdam pero masaya ako at sa iyo ko ito naramdaman… last year pa kitang kursunada.. pero syempre di ko pwedeng ipakita na gusto kita.. madami ding may gusto sa iyo..

last month ko lang nalaman na mukhang bagay tayong dalawa.. at siguro nga pinahinog lang ng panahon bago pa tayo pinagtambal… masaya ako kasi napatunayan kong di ka pala mahirap mahalin…

lumipas ang mga araw.. mas nakilala kita ng lubusan.. mas pinakita mo sa akin ang iyong kapasidad.. at mas lalo kitang minahal ng dahil jan.. hindi ko na inisip ang nakaraan mo.. pero tinuon ko ang pansin ko sa ngayon at sa bukas.. na balang araw.. tayong dalawa din ang magkakasama…

naiisip ko lang.. ang hirap din ng may bagong minamahal.. kasi.. nasanay ako sa dati.. at ngayong bago na.. paano na yung aking nakaraan? itatapon ko na lang ba ito basta-basta? o iiwan ko na lang ang mga bakas ng kahapon? marahil di pa rin ako ganun ka handa sa panibagong pagsubok…

pero.. alam ko namang nanjan ka sa tabi ko… magtutulungan tayo.. hindi natin pababayaan ang isa’t-isa… di ba? sana mahintay mo ako.. di ko rin alam kung kailan.. pero maghintay ka lang.. asahan mo na darating din ang panahon na mapapasa akin ka rin.. hindi muna sa ngayon.. wag muna… balang araw… hintayin mo ako.. umasa ka na may hihintayin ka..

masarap na mahirap… di lang isipan ko ang kailangang gamitin kund ng aking puso dahil alam kong mabigat na desisyon ang gagawin ko pag dating ng panahon… umaasa ako… na paglabas ko ng pinto ng aking bahay… ikaw ang aking matatanaw…

bakit kasi ngayon lang kita nakilala ng lubusan.. eh di sana gumawa na ako ng aksyon noon pa para mapalapit sa iyo.. umiral na naman kasi ang katangahan at kahinaan ko… kailan ka magiging akin… kailan.. kailan…

at sana.. kung maging akin ka balang araw

wag ka sanang magka virus o toyoin kapag nag eedit ako sa photoshop at final cut pro… nananabik na ako na mapa sa akin ka… macbook pro… haylabyu na!

i love you macbook pro!
i love you macbook pro!

10 thoughts on “pinasaya mo ako…

  1. Ang masasabi ko diyan Pot2 eh ang isang bagay pagpinagisipan, pinagplanuhan, pinagtuunan ng pansin, pinagaralan, siguradong sigurado ako na makukuha mo. Sabi nga, pag hinabol mo, mahuhuli mo, pag hinanap mo, makikita mo. Kaya ikaw hijo, sa mga decision mo para di pumalpak, pagaralan mo munang mabuti. Consult your elders not your peers. Look around, expand your horizon and perspective in life. Ikaw ang gagawa ng iyong buhay at wala ng iba. Even your parents cannot control you. You are the master of your self….

  2. teka.. look up.. am i reading mommy arcilla’s sermon in action? mas malambing mommy mo, nanay ko kasi ang pangaral eh katumbas ng sampung paragraph na for mtrcb screening sa dami ng mura… hello po mommy.. hayan pot makinig ka kay mommy para makuha mo na yang kwaderno na yan… cheers;p-glesy the great

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s