ang trabaho…

ang nangyari sa akin kahapon ay isa sa mga di ko makakalimutang experience ng buhay ko… dahil nung mga sandaling iyon.. tatlong trabaho ang pinagdaanan ko sa loob ng 8 oras… sa isang malaking silid na puno ng kahong-kahong CPU… ako ay naging Basurero… isang Factory Worker… at naging F*cker este Packer pala…

Ang Trabaho :

Simple lang.. tanggalin ang CPU sa loob ng kahon… idikit ang warranty paper sa ibabaw ng CPU gamit ang green masking tape… tanggalin sa plastic ang mga ibang gamit tulad ng mouse, keyboard, CPU stand, manuals at CDs… kalasin ang mga kahon na pinaglalagyan ng CPU… ihiwalay ang plastic, papel, styro at kung ano-ano pa at ilagay sa trash bag ng nakatali gamit ang brown masking tape.. ihanay ang CPU sa may dulong pader para mabilang.. magkahon ng 10 Keyboard, 10 Mouse, 10 CPU stand.. ilagay sa kahon at lagyan ng marka na ito ay may 10 na bilang… ilagay sa gilid ang kahon… simple lang di ba.. MALI KAYO!

329 na CPU iyon.. at kahit anong galing mo sa pag unpack ng mga bagay-bagay..  hindi kakayanin na matapos ng 4 na nilalang ang trabahong iyan sa maghapon.. lalo na kung ang isa sa kanila ay nakikipag telebabad sa telepono… paksyet ka!

noong una, ay wala kaming sistema.. kanya kanya kami ng pag unpack ng mga CPU.. pero nung lumaon.. nagkaroon na kami ng pattern para mas mabilis..

Nilabas muna namin ang mga CPU at dinikitan ng warranty paper.. it nilagay sa gilid…  bakit mas mabilis ito? dahil yun ang totoo…

pinagsama sama muna namin ang mga pare-parehong task para hindi magulo.. at nung nagtagal.. bumibilis na kami sa pagtatrabaho… nagsimula kami ng 9 ng umaga at natapos kami ng 5:45 ng hapon..  may tatlong 5 minute break at lunch time na 45 minutes…

nag iba tuloy ang pagtingin ko sa mga basurero/factory worker/packer… mas nagkaroon ako ng respeto sa kanilang mga ginagawa.. dahil iniisip ko.. na ako nga isang araw lang sumakit na katawan ko.. eh sila araw-araw nilang ginagawa ang trabaho na yan…

kaya para sa inyo… hanga ako sa talento nyo.. at kung maauulit uli ang ganoong klase ng trabaho.. masaya akong tutugon ng…

NEKNEK NYO!

 

14 thoughts on “ang trabaho…

  1. Kaya ka nga nag aral eh para hindi ka maging isang packer lang. Pero ganun pa man, kahit anong liit ng isang trabaho ay kailangan din para sa ikabubuo nito. Lahat lahat ay may halaga, ma maliit man ito o mamalaki. Ikaw ang pipili kung ano ang gusto mo. Kahit ganito lang ang isang trabaho kailangan maging pinakamagaling kang trabahador hijo.

  2. hoho… kala ko permanente na ang ganung trabaho mo pot.. hoho.. onga, kala ko madali lang at simple yung ginagawa nung mga ganun… mahirap din pala yun D;

  3. kung iisipin, mababatak ang mga muscles mo at mag aamoy patis ka sa pagod nyan.. mamacho ka nga pero babaho ka naman… at para jan sa CPU na yan.. padalahan mo naman ako ng isa, alam mo namang kakarag karag na ang pc ko.. ahahaha.. cheers;p-glesy the great

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s