recess…

kumakain ako sa pantry kanina ng tinapay at saka ng cocoa drink ng biglang nag flashback ako nung nag aaral pa ako bilang elementary student sa isang mumunting elementarya sa tondo…

naaalala ko noon na ang baon ko dati pag pumapasok ay yung hi-ro at magnolia chocolait na nilagay sa freezer overnight…. kaya pag pumapasok ako sa eskwela ng alas-sais.. at ang recess ay alas-nuebe… hindi pa gaanong natutunaw ang nagyeyelong chocolait.. kaya gumagamit pa ako ng gunting para magkaroon ng instant ice frosty na medyo matigas.. pero malamig sa bibig… at kada uwi ko ng bahay ay may sermon ako sa nanay ko dahil puro tulo ng tsokolate ang polo kong puti.. nice…

naaalala ko pa na meron pa nga akong lunch box nun.. at si raggedy ann at raggedy andy ang nakalagay sa design.. naiinggit pa nga ako sa mga iba kong kaklase na ang mga design ng kanilang lunch box ay yung pang lalakeng lunch box.. at natutukso akong bakla noon… pero ok lang.. nalaman ko lang din naman recently na naging bading sila.. wala palang epekto ang design ng lunch box sa sexual preference mo paglaki… hehehehehe

naalala ko din na yung lalagyan ng drinks noon, yung tumbler na kasama ng lunch box na kahit gaano kahigpit ang ipihit mo para di mag leak sa baunan mo.. ayyy juice ko po.. tutulo at tutulo pa rin ito… bakit kanyo… coke ang laman nung tumbler at sumisingaw pala sya… sorry na.. elementary ako noon… mangmang pa…

kung di naman ako makapag baon… binibigyan ako ng 5 piso para pambili ng pagkain sa canteen.. isipin nyo na ang isang sandwich noon ay 2 pesos at ang soft drinks ay 2.50 pesos.. may 50 centavos pa ako para magamit sa pabunot noon sa labas ng paaralan at kapag nanalo ka.. pwede kang manalo ng sisiw na may kulay, g.i. joe na laruan, o kaya candy na walang lasa dahil tuyot na…

naalala ko lang naman… walang kwenta no… sino ba nagsabing basahin nyo to.. pambihira… ayun.. after kong maalala.. inubos ko na yung tinapay ko.. tinungga yung choco drink at bumalik na sa table ko… syet.. wala ngang kwenta entry ko.. sorry naman…

31 thoughts on “recess…

  1. hahahhaha..tama ka jan potpot, wag nga silang nakikialam eh sa naalala mo eh..lols.

    mas kawawa nga ako eh kasi ako walang lunch box at walang tumbler lagi pera baon ko nun elementary ako..

  2. ganyan din ang baon ko ^_^ gusto ko ilagay sa tumbler ay Tang Orange juice! Kaso pangmeryenda lang madalas ang dala ko kase pag lunch umuuwi ako sa bahay (tatawid lang kase ako e hehehe)

  3. Okey ka nga Pot2, dahil ikaw me baon. Nuon kabataan ko, wala akong baon. Para hindi mahalata ng aking mga classmate na di ako kumakain sa recess, takbo lang ako ng takbo. Pag nanghingi ako sa tatay ko, ang kanyang always sasabihin sa akin eh, kung ala kang baon, wag kang pumasok. Hindin maaaring hindi ako papasok, kasi balagong ako sa bahay pag naruruon ako. Biruin mo 7 yang aking aalagaan? Itong pagpasok lang sa school ang pahinga ko. Dapat, magpasalamat tayo at tayo eh may baon kahit na papaano. Salamat sa mga nanay na iniintindi ang kanilang mga anak. Madaling magpaenrool, ang mahirap ay ang magintindi araw araw sa ating mga anak.

  4. ahahaha talagang matanda nga ako sayo kasi high school na ako eh 1.25 pa ang tinapay na may pansit ang palaman!

    sosyal mo pot at naka hi-ro ka,hihihi

  5. sabi ko naman sayo mag wawan taym big taym ako dito..

    naalala ko dati green ang lunch box ko.. pero eto ang weird nung nursery to grade four ako di ako nag lulunch box.. tapos pagtuntong ko ng grade five and six dun ako naglunchbox kaya natatawa sakin yung mga nyeta kung classmates na feeling dalaginding at binatilyo na pero ang totoo eh pare-parehas pa kaming uhugin… tumigil lang ako kasi nakalimutan ko sa flag ceremony yung baunan ko at di na muling natagpuan… FYI: gutom ako ng araw na yun…

    about naman sa hiro, yan ang unang baon ng kapatid ko.. about naman sa chocolait, high risk factor yan ng pagwawala ng balunbalunan ko noong mga tender years ko pa… cheers? cheers!!!-glesy the great

  6. at kapag di ka nagreply sa mga comments ko.. magtatampo ako sayo.. tandaan mo yan babalikan ko to… bibigyan kita ng isang araw na ultimatum.. whaha

    1. sorry naman joycee.. bata ka kasi eh.. ako, ammmm bata rin.. ehehehehe nabasa ko lang sa google yang si raggedy na yan…

      ganun talaga pag walang ginagawa.. tumatakbo ang utak na walang laman!! miss you na din joyce!

  7. wahehee.. sinong nag sabing walang kwentang to entry na to!!! hahaha

    dahil dyan naalala ko din yun chocolait at hi-ro hahaha sarap!!!

    kakatuwa nga balikan yun mga nakaraan… ang simple simple ng buhay pag bata ka pa😉

  8. sorry naman leyt…galing ng memory ni pots. ako di ko na maalala presyo ng mga anik anik noon.

    madalas sa teacher ako nagpapabukas ng tumbler at ang sukli ng baon ko pinambibili ko naman ng plastic balloon wahaha

  9. hahaha! On the contrary, I find this entry very meaningful. I am a child of the 80s myself … and I do remember when Coke was only 2.50 a bottle — and how I would drink it from a plastic bag with a straw! How jologs!!😉

  10. yan ang tinatawag na “KAHIT ANO PWEDE MONG I BLOG, AT WALANG PAKIELAMANAN” hahaha…! nice one dude!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s