nawawala…

may kasabihan nga tayo.. magkakaroon ka lang ng pagpapahalaga sa isang bagay kung ito ay wala na.. at kaninang umaga.. may nawawala.. nawawala yung belt ko..

iisa lang ang belt ko para sa mga slacks ko.. hindi dahil bago o maganda ang belt na ito, kundi eto lang kasi yung belt na hindi nagmamantsa sa polo ko.. bumili kasi ako dati ng bagong belt.. mamahalin pa man din sya.. pero isang beses ko pa lang ginamit.. nagkamantsa na agad yung polo ko.. kaya tinago ko na lang ang bagong belt sa aking cabinet at gagamitin ko na lang siguro ito kapag hindi ako magtutuck-in…

mabalik tayo sa nawawala kong belt.. ang weird lang kasi niya.. nung friday naglaba kasi ako.. tanda ko pa na tinanggal ko yung belt mula sa slacks ko at inilagay sa lapag (dahil yun ang official working table, dining table, at kama ko).. ganun naman lagi ang routine ko kapag naglalaba… at yung belt na yun.. pang slacks lang talaga..

kaninang umaga, pag suot ko ng bagong slacks.. agad kong hinanap ang sinturon.. wala… tingin sa higaan.. wala… tingin sa laundry basket.. wala… tingin sa sampayan… wala.. tingin sa toilet bowl.. wala.. WALA.. WALA!!

pusang gala.. malalate ako nito, at hindi pa nakapusod ang buhok ko.. so kinuha ko muna yung bagong belt na nagmamantsa sa polo at panandalian ko muna itong gagamitin hanggang lumitaw muli ang belt ko sa bahay…

pansin ko… madaming beses nang nangyari sa akin na sa una ay nawawala ang mga hinahanap mong bagay.. tapos kapag di mo na kailangan.. saka siya susulpot.. parang pag-ibig lang.. kung kailan mo siya kailangan.. wala siya.. di mo makita.. pero kapag di mo naman kailangan.. lagi mo siyang nakikita.. minsan natatalisod ka pa nga eh…

kayo ba.. nangyayari ba sa inyo ito?

14 thoughts on “nawawala…

  1. Sa relationship always ganyan talaga, hinahanap mo ang isang tao pag wala na. Parang pagsisisi, always nasa hulihan at never na nasa unahan. Saka mo lang mamimiss pag wala na…. Ang alam ko, kaya dimo makita ang isang material na bagay, kasi yun ang sinasabi ng iyong utak. Gets mo ba ang ibig kong sabihin? Ang utak or brain kasi natin ang naguutos, kaya pag di nito sinabi di nga natin makikita. Cenciya na anak, sa akin kasi ang mga ganyang pangyayari eh sabi nga, it goes with the aging.

  2. oo nangyari na sakin yan! kakainis nga! baka nmn naiwan mo yung belt mo sa bahay ng chikka babe mo tapos pagbalik mo sa bahay dinaan nya na sa bahay mo kase nakalimutan mo pre?! lol joke lang po!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s