kaibigan nga ba?

paano ba nasusukat ang pagkakaibigan? ito ba ay sa laki ng pwede mong ipautang? nasusukat ba ito sa pagtambay nyo tuwing emo ka? matitimbang mo ba ito sa mga ilang bote ng alak na pwede ninyong laklakin?

lahat naman siguro tayo ay may mga kaibigan, at sa dinami-dami ng mga naging kaibigan, marami din sa kanila ang naging kaaway, naging super close, naging isang alamat (nakalimutan na), at iba naman ay hanggang ngayon, kasama mo pa rin sa hamon ng buhay…

hindi ito emo post, isa itong rant, bakit kanyo? dahil hindi lahat ng mga kaibigan ay dapat pinagbibigyan…

nakakasawa na kasi na ako yung umiintindi.. bakit? grade two lang ba ang natapos mo para intindihin ka lagi.. grow up.. kumpleto na buhok mo sa katawan.. magkaroon ka naman ng sariling paa para tumayo sa sarili mo…

hindi lahat ng oras eh ikaw ang masusunod.. matuto kang umayon sa gusto ng nakakarami.. napakasakim mo, isaksak mo sa baga mo ang gusto mo.. leche..

wag kang mag “feeling”.. hindi ka sun, hindi ikaw ang center ng solar system na moving around them are the planets… di porket may hitsura ka, sa iyo na ang atensyon ng sangkatauhan.. kung gusto mo ng papansin sa iyo.. bumili ka sa tindahan.. piso isang tumpok…

wag mong abusuhin ang kabaitan ng iba.. hindi araw-araw pasko.. kaya matuto ka namang mahiya.. wag mong isipin na tuwing may lakad kayo ng mga kaibigan mo eh lagi kang libre.. once.. tiwce.. pwede.. pero always.. asa pa you!

hindi naman ako galit sa iyo.. masyado ka lang self centered, hindi ka marunong makinig at walang pakialam sa feelings ng iba.. sana magising ka sa katotohanan na di lahat ay pwedeng mapasaiyo.. sana matuto kang makiramdam.. tutal.. lahat naman nadadaan sa usapan.. pero kung ayaw mong makipag-usap.. who cares.. isa ka lang sa daan daan kong kaibigan.. eh tanungin nga kita tungkol sa akin wala kang masasagot because you don’t even bother to know who i really am… so why should i bother?

masakit ba? ayy di ka nga pala marunong masaktan.. marunong ka lang manakit.. ayokong maging sarcastic pag kasama ka.. siguro di pa nga kita gaanong kakilala.. at mas lalo namang di mo ako kilala… kaya quits lang di ba?

wag kang mag-alala.. di kita ipapahiya.. di ko gawain yun.. sana lang magising ka sa katotohanan na ang mga kaibigan mo nagmamalasakit sa iyo ay nag-aalala sa iyo.. wag ka sanang mabulag sa sarili mong katangahan..

at kung mabasa ito ng mga iba kong mga kaibigan.. WAG KAYONG ASSUMING! hindi kayo ito.. asaahan nyo na kakausapin ko kayo kapag sa tingin kong kupal na kayo.. kei? alright! haylabyuhol!

34 thoughts on “kaibigan nga ba?

  1. user friendly siya to the highest level kung lagi siyang nagpapalibre sa mga lakaran. hay naku. pabigat. nakaka-sag ng boobs ang ganyang tao.

    (as if may boobs)

    1. lol funny ka talaga mami bechay… akala ko emo blog entry super rant entry pala… sad to hear about your friend pero totoo ngang mgay mga ganyang tao…

  2. ay, korak ka dyan Pot! Madaming ganon >.< kainis nga eh, mga tae mukha nila!!! Nakakainis pa lalo ung mga kinaibigan mo e sasaksakin ka pa ng patalikod.

    Para sakin, ang tunay na kaibigan wala sa mga utang utang yan. Ang tunay na kaibigan ay lagi nasa tabi mo pagkailangan mo sila at naiintindihan ka nila at masaya sila para sa mga achievement mo =)

    1. Inis talo anak. Alam mo ba na diyan sa mga ibat ibang ugali ng kaibigan ay diyan ka matututo? Ang lahat na nafeel mo sa pangaabuso ng friend mo ay ikaw rin ang may kasalanan. Nagpaabuso ka, pinabayaan mong ang ugali niya ay pagpacenciyahan mo lahat, kaya ala kang dapat sisihin kundi ang sarile mo. Kadali naman resolbahan yan eh di ba? Iwasan mo, iwanan mo, ayawan mo o ipamukha mo ang kanyang pangit na paguugali. Minsan kasi ikaw lang ang me sabi niyan, dahil sa kanya hindi mali yun kundi streetsmart di ba? Pag ang isang kaibigan eh di mo nagustuhan ang kanyang ginagawa or sinasabi, ang ibig sabihen nun, hindisiya isang kaibigan. Parang pagmamamahal yan, pagnakikita mo na at kinaiinisan ang kanyang mga tiwaling gawi, ibig sabihen wala ka ng pagmamahal kaya bitiwan mo na at pabigat lang sa buhay ang mga ganyan tao. Cenciya na anak, been there at done that na ako.

  3. natawa naman ako sa comment ni ate UM LOLs

    sorry na pots di na mauulet…😦 assuming talaga ko

    hmmm tama yun pot.. minsan kailangan natin tiisin ang friend para matuto din sila… haizz kung nagawa mo na yun part mo bilang kaibigan nya.. let them do their part din diba???

  4. ang alam ko ang tunay na lalaki walang pakialam sa feelings ng iba..
    ang di ko alam ay kung ang tunay na kaibigan walang pakialaman din.

  5. nice shot! GANDA NG PAG KAKADELIVER. totoo naman kasi na may mg taong ganyan!

    eto yung pinaka gusto kong ling

    “isa ka lang sa daan daan kong kaibigan.. eh tanungin nga kita tungkol sa akin wala kang masasagot because you don’t even bother to know who i really am… so why should i bother?”

    masarap magkaroon ng kaibigan na sensitibo sa lahat ng nangyayari sa paligid..

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s