airport audit…

natapos din ang tatlong araw ng pag-audit sa kliyente namin at masasabi kong nakakatuwa na nakakapagod…

madali lang pala ang mag audit ng mga gamit, kukunin mo lang naman yung mga information ng equipment, kung sino ang gumagamit, staff number, lalagyan ng rainbow brite sticker or my little pony sticker ang equipment, iki-kiss sa cheeks kung magandang babae ang user, magmamano kung matandang lalake, makikipag kamay kung medyo batang lalake, makikipag hug kapag babae na malaki boobs (10 secs minimum contact), makikipag-apir kapag bading, at pagkatapos ay isusulat mo sa tally sheet mo ang naramdaman mo nung ginagawa mo ang mga bagay na yun… ang saya di ba?

kahapon yung pinakanakakapagod na pag audit.. dahil malayo ang nilakbay ko… hayaan ninyong ikuwento ko ang nangyari kahapon.. sana basahin nyo ha.. uupakan ko kayo…

gumising ako ng 4:30 ng umaga dahil kailangan kong mag prepare.. (umupo sa trono ng 30 minutos, magwisik ng tubig sa mukha, mag-ahit ng kilay).. alas 7 na ng umaga ng umalis ako ng bahay.. sa tantya ko.. 9:45, saktong nasa airport na ako…

sa kamalas-malasan nga naman.. nakatayo ako mula 7:15AM hanggang 9:40AM.. dahil nga rush hour noon at wala namang nais magpaupo sa tulad kong bakulaw (asa pa ako)..

malaki pala ang airport ng NARITA dito sa japan.. para akong nasa mall.. pero ang daming security measures… huhubarin mo ang lahat ng metal sa katawan mo at dadaan ka sa metal detector, ok lang sana kung yun lang.. kaso pinahinto ako nung gwardiya, siya yata yung head at pinapasok ako sa isang kwarto na medyo dim.. pinahubad nya lahat ng damit ko at sinimulan na akong kapkapan… kulang na lang ay i-microscope ang itlog ko for possible C4 residues.. at di ko rin napansin na mahigit 3 minutes nilang kinakapa ang itlog ko… gusto ko sanang sabihing “baka mapisa yan..”

natapos ang pangmomolestiya frisking ay dali-dali kaming nagpunta sa opisina ng kliyente para matapos na agad kami.. saktong-sakto na australian ang tao dun at bopols sa english ang dalawang kasama kong hapon.. kaya ako ang humarap at nakipag-usap.. sa totoo lang.. nag nosebleed ang australiano sa akin… ako pa.. syet…

Aussie : Hello, I am Ken. I don’t speak Japanese and I am only the reliever for John at Engineering. What can I do for you?

Potpot : Yes…

Aussie : Ammm.. that was not a yes or no question…

Potpot : Certainly…

Aussie : Do you understand what I am saying?

Potpot : Probably…

Aussie: Are you crazy or something?

Potpot : How did you know? I needed someone like you in my life…

Aussie : Are you on medication dude?

Potpot : Uhuh…

Aussie : Are you playing with me asshole?

Potpot : Yes you are…

nakita ko na lang syang nangisay sa isang tabi.. pero tinuloy na namin ang audit para maka-uwi na.. mga bandang 1PM.. tapos na… SYET UUWI NA AKO! mali ako.. spaghetti yun… este may dalawa pa palang site within sa airport compound.. buti sana kung lalakarin mo lang.. naknampucha.. nasa cargo area pala at kailangan naming mag taxi pa para makapunta doon… at kung nanonood kayo ng mga pelikula na may storage kuno.. syet parang ganun.. liblib na lugar.. at parang naririnig mo na may tinotorture sa isang bahagi ng gusali… at ang taxi.. naman.. 10 years bago kami sunduin…

so natapos ang trabaho ng mga 5:30PM.. sakto sa oras ng labas ko.. pero nag out ako ng 7.. aba.. ano sila swerte? kumikitang kabuhayan to… at ng makauwi ako.. mga 8:15PM na.. dali-dali akong nagtanggal ng damit para ma preskuhan… at ano pa ginawa ko after kong makauwi… ano pa ba ang ginagawa ng isang lalakeng mataas ang libido at manyak na tulad ko… eh di natulog… amfpt…

*lahat ng kaganapan na naihayag sa entry na ito ay pawang kathang isip lamang.. maliban sa lugar at trabahong ginawa.. at yung salitang manyak… have a nice day! hehehehe

14 thoughts on “airport audit…

  1. Okey na okey ito. Yung walang buhay ng situation eh nabibigyan mo ng life. Habang binabasa ko nga eh parang suspeng na hindi mo alam kung saan patutungo ang kwento . Lahat madali anak dun sa mga sumusunod sa instructions. Nagiging mahirap lang pag ayaw mo. He he he, eto nanaman ako, cenciya na ito yata ang role ko sa mundo, lalo na sa iyo at kay ate tage. Every single moment eh hinihintay ko ang iyong kwentong kutsero. Sige lang ng sige sa pagsulat, practice makes perfect di ba? Itong si Oklab magaling sumulat pero tamad kaya satang na talent. Ang sa kanya kasi pag sinabing retired na eh wala ng gagawin. Ako nga eh gusto kon pa ng challege, pero hinahadlangan ako ni ate at ni Oklab. Walang encourangement akong marinig or makuha, samantalang willing naman akong mag take pa ng risk. Siya, kwento ng kwento lang para masanay ang iyong utak.

    1. hello mommy.. buena mano ka ha… ikaw lang ata ang masugid kong reader… clear ko lang mommy ha.. kwentong barbero to.. hindi kutsero.. malabo na mata mo.. patingin ka nga… at kahit paulit-ulit ka sa pagsabi at pangaral sa akin.. di ako magsasawa.. alam mo kung bakit? no choice ako eh… ehehehe joke lang… alam ko namang mahal mo ako at gusto mo lang kung ano ang best para sa akin… kung saan ka masaya suportahan kita.. alam mo naman ako.. nandito lang.. ikaw nanjan… pero kung may gusto ka pa.. at kaya mo pang mag risk.. why not.. di ka na bata para pagsabihan..

  2. nahilo ako. pero me isa pang katotohanan na ako ang magpapatotoo – nosebleed talaga ang buong bayan sa english ni pot. super duper magaling yan! swear, mamatay man si toto!

    1. you ha.. you make me blushing.. i study english many years ago, yesterday… and don’t you say i am super duper… super only.. if i am super duper.. i am superer.. and thanks a very much.. you reading my blogging.. i am happiness.. bow..

    1. oo nga… how i wish… pero mabait naman yung aussie.. pag kupal sigro sarap ganyanin…

      at oo yung feeling na uwing uwi ka na tapos di pa pala.. how tragic…

  3. auditor na si engr pot? hehe. sobrang higpit naman sa airport di kaya naman natipuhan kalang ng mga hapon kaya ka kinapkapan ng husto hehe!

    cheers! napadaan lang po!

    1. eheheheh madami na akong title ngayon.. kargador, cigarette vendor, barker, taho dispenser at kung ano -ano pa…

      mahilig yata sa itlog yung kumamkap sa akin.. heheheheh salamat sa pagdaa.. wag ka sanang magsawa!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s