unfair..

ibang-iba ang treatment ng nanay ko sa akin.. at ang treatment niya sa apo niya.. hindi naman sa nagseselos ako o nagtatampo.. pero di ko magets ang logic ng “parents are there to discipline, grandparents are there to spoil”.. sobrang iba talaga eh.. ewan ko lang ha.. baka ako lang nakakapansin nito.. pero maraming instances na parang mas lamang ang apo kesa sa anak…

a) Laruan – di hamak na mas mamahalin ang mga laruan ng apo niya ngayon.. at kesehodang ilang libo yan.. mabibili ng nanay ko para sa apo niya.. bakit ako.. g.i. joe lang na halagang 80 pesos di ko pa mapabili… kailangan kong pang mangupit para makabili.. it’s unfair!!

b) Kaibigan – ayaw ng nanay kong makipag kaibigan ako sa mga bata sa lugar namin at sa mga pinsan ko, masasama daw ugali nila.. samantalang ang apo nya.. pwedeng-pwedeng makipaglaro sa mga batang uhugin at madungis sa kalsada.. siguro alam ko ang dahilan kung bakit.. tinuturuan nyang maging streetsmart ang anak ko.. pero unfair pa rin!

c) Harutan – kapag ako ang maharot noon, sigaw na malakas ang maririnig ko, pero wala namang palo.. pero ngayon.. kapag ang apo ang nang harot.. OK lang.. with matching smile.. sabay hirit ng “bata lang kasi yan kaya malikot..” unfair!!

hindi ako naghihimutok… alam ko namang mahal ng nanay ko ang mga anak niya at mga apo.. pero obvious kasi na may kinikilingan.. may pinoprotektahan.. serbisyong totoo lang…

alam ko na sasagot ang nanay ko sa entry ko na ito kaya uunahan ko na siya… mommy.. mahal na mahal kita ha.. hehehehehe ayan ang equalizer! pwedeng wag mo na akong sermonan dito.. nakakahiya sa mga friends ko eh.. *with matching stomp ng feet sa floor*

19 thoughts on “unfair..

  1. Ganyan talaga mga grandparents.. ako nga 1 year hindi umuwi ng pinas ok lang… si Yoshi 4 months palang sa mundo gusto na daw nila makita at miss na nila…🙂

  2. wahahaha! unfair ba si mommy ! parang gusto ko na rin bigyan ng apo si madir dear ko potski!!! kasi masarap daw talaga magmahal ng apo ang mga lola haizzz..

    teka . wala pang sagot si mommy mo potski!

    wag mong itago!!

    1. inaabangan ko nga eh… para i-delete ko agad.. ehehehehe.. naku.. bigyan mo na ng apo mother mo… may napili ka na bang kasama mo sa pag-gawa… ehehehehe

  3. Ha ha ha!!!! Inggit ka lang sa transformer ni Gogo. Hindi dapat pagtapatin ang pagmamahal ng ina sa anak against sa apo. Malaking kaibahan. Ang mga sumusunod ang dahilan:
    1. Nuon cannot afford si aling letty
    2. priority niya ang schooling ng kanyang mga anak
    3. role ng magulang sa anak ay to discipline at role ng grandma sa apo ay to spoil. It is not our responsibility yan hijo.
    4. 24 hours hands on kayo, si grandma, matagal na yung 1 hour, kaya ibigay na kay mommyla ang kakapirangot na oras na kaligayahan sa piling ng apo
    5. walang parehas sa mundo, tandaan mo yan, kahit na sa anong bagay pa siya.
    6. di kailangan mnakipagpaligsahan ang anak sa kanyang anak, understand? kaya don’t us the word unfair.
    7. masasaktan ka pag di ko minahal ng ganyan ang anak mo
    8. ayaw mo bang makitang happy ang mommy mo dahil sa iyong anak, ikaw ang selfish anak
    9. ayaw mo ba ng pagpapalaki ko sa iyo na naging isang mabuting tao ka? Di addict, di lassengerro, di irresponsable, di madamot, di bastos, di naninigarilyo, di babaero (kahit na ang ama mo eh yun ang paguugali), di nakatikim ng hirap, di na kailangan pang humiling pagkat alam ko ang pangangailangan mo, etc. etc. etc.
    10. ipagpapalit mo ba ang transformer sa bahay, kotse, magagandang gamit,mamahalingn reloj, etc. etc. etc.?

    1. sabi na sasagot ka eh!!! ehehehehehe.. sa totoo lang mother dear.. malaki ang pasasalamat ko sa iyo dahil nga mahal mo anak ko.. ito naman di na mabiro.. alam mo naman ang blog ko puro kalokohan kaya joke lang yan.. wag ka na magalit.. huh? i love you!!! sabi na di ko na dapat ginawa to eh.. so.. amm.. bibili mo rin ako ng transformers? hehehe

      1. kapatid,

        ayan you opened a can of worms…alam mo naman si mommy parang energizer rabbit, she will go on and on and on.. hahahah..love you mom..

        oo nga, ang tanda mo nakikipag-compete ka pa kay KULIT? bakit dumedede ka pa ba? hahahah…. baka naman hindi pa napuputol ang pusod mo kay mommy.

        saka, grabe ka ha..magdadalawa na ang anak mo..

        ako nga gusto ko nang ibigay yung dalawang chikiting ko kay mommy, para makita niya ang hirap na hinanahanap niya…hahaha… lets see kung makakatagal siya sa kulit ni Miguel…

        give mommy a break… ikaw kaya ang makasama ni tatay sa bahay 24/7, tignan natin kung hindi ka maloko…hahaha…sana hindi mabasa ni tatay ito…

        good luck…

        its meeh,

        ate

  4. hindi naman si mommy mo eh si nanay dionisia!? ahehe!
    pero agree ako dyan! nugn tayo ay mga bata pa hindi tayo makaporma sa kahigpitan ng mga magulang natin! pero pag sa apo na ang usapan nako sila pa ang mas kunsintidor haha! peace!

    panalo sa sagot si aling letty ah! haha! cool mom! o eh justified na ang lahat hahaha

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s