ulan na luha…

may mga bagay talaga na di kayang kontrolin ng kahit na sino man.. tadhana bang maituturing o sinadya ng pagkakataon… hindi kasi ako naniniwala sa tadhana…

walang saysay ang buhay kung di ko iintindihin ang mga pangyayari sa akin.. kung babale walain ko lang ang mga nasa paligid ko at di ko seseryosohin ang naaakdang pagdating ng ulan.. mababasa ako.. ng higit sa inaakala ko…

ilang araw na ang lumipas at nararamdaman ko ng iiwan mo din ako.. di naman ako manhid.. damang-dama ko ang bawat kalyo na pilit mong tinatago para maging kumportable ako… nagkakamali ka.. mas lalong masakit kung ipinagkait mo ang katotohanan…

nagpapasalamat ako sa iyo at binigyan mo ako ng konting pagtingin.. hindi ko na dapat sinasabi ito pero ikaw na sana ang pipiliin ko na kasama ko sa mga lakad ko sa araw-araw.. kasama ka na sa mga plano kong magbagong buhay.. sana.. sana…

ngayong umaga, iaalay ko ang taos puso kong pasasalamat sa iyo.. sa ilang buwan nating pinagsamahan.. sa bawat hakbang ng mga araw na ikaw ang kasama..

magpapaalam na rin ako sa iyo.. dahil nakita kong tuluyan ka ng wala sa akin.. pero tatandaan ko ang mga bagay na natutunan ko sa iyo.. mga lugar na di ko pa natatahak.. mga bagong kaibigan…

bumuhos ang ulan kahapon.. ang akala ko titila siya ngayon.. pero mali na naman ako.. ngayon ko naramdaman ang basang hinagpis na tuluyang nagsasabi sa akin na ikaw ay aking pabayaan at hayaang sumaya sa iyong munting mundo… hayaan mo din akong sumaya… pero bakit ngayon ka nagpaalam.. kung kailan nasa kalagitnaan ako ng paglalakbay… pero nakita ko ang mga luha ng ligaya na galing sa iyo.. kahit umuulan.. nakikita ko.. nararamdaman ko…

at ngayong naka-upo ako sa aking mesa sa opisina.. iniisip ka.. pinagmamasdan ka.. masakit pero kailangan na kitang bitawan…

pero sana.. di ka muna nasira.. pambihira kang sapatos ka.. basang basa ang medyas ko habang naglalakad papuntang tren at ramdam ko na kumukulubot na ang balat ko sa paa.. at ngayon na pinapatuyo kita sa ilalim ng table ko.. lintik ka.. may butas ka pala kaya pala pinapasok ng tubig.. amfpt.. di na kita iuuwi ng pinas.. sira ka na rin eh.. hayaan mo bibigyan kita ng parangal pag uwi ko ng bahay mamaya.. matagal din kitang naging sapatos.. sayang naman at kung itatapon kita basta-basta.. pero pramis.. basang-basa yung paa ko.. shete.. alipunga na to..

13 thoughts on “ulan na luha…

    1. uyy totomai.. in fairness wala syang amoy.. effective ang biofresh na medyas sa paa ko.. ehehehe

      itatapon ko sya bago ako umalis ng japan.. di ko na sya mapapakinabangan sa pinas..

      1. ay… sorry.. wawa ka naman nga pala.. kasi nasira ang shoes mo… isa lang naman ang ibig sabihin niyan.. ang bumili ng bagong shoes..😀

  1. Di ba sabi ko sa iyo na may talent ka? Wala ka bang bilib sa self mo? Si letty na itong nagsasabi di ka pa sumasangayon. Biruin mo sa mga walang buhay na bagay, walang kwentang pangyayari, nabibigyan mo ito ng life. Ang mga readers pa nga ang manghuhula kung ano itong mga pinagsasasabi mo. Kaya engot kaming readers pag di namin na gets ang mga gusto mong ipahayag…
    Sige lang ng sige ng pagsulat, practice makes perfect. Me dugo kayo ng tatay mong kalbo ng pagiging isang novelist.Kaya lang …. ang tamad niyong dalawang magama. He he he. joke lang.

    1. pwede ata ako maging writer ng mga erotic na babasahin tulad ng xerex.. ehehehehe joke lang.. lab mo kong talaga no.. nanay kasi kita eh.. ehehehehe at natira mo na naman si tatay.. buti na lang at di marunong mag computer si tatay.. di nya pwedeng bitawan kasi ang dividendazo nya.. ehehehehe.. sayang talent ni tatay.. talentado talaga yun..

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s