dear kuya potpot… part 2…

tama bang madaliin ako ng libo-libo kong mambabasa (ok kasinungalingan yan) para ilabas ko na ang part two ng liham sa akin ni Jeff.. so part two na to.. hanggang part three lang naman.. mahirap kasi sa isang post nandun na lahat.. tatamarin kayong basahin.. pero aminin nyo.. nabitin kayo sa part one no? hehehehe so eto na ang pagpapatuloy ng ating munting drama… *tugtog magpakailanman theme song with matching mel tiangco making lakad lakad sa may seashore*

——

“Jeff.. mahal mo ba ako?” tanong niya..

 

Umalingawngaw ang mga katanungan na yun sa aking isipan at muling bumalik ang nakaraan…

 

3rd year college kami noon, at alam kong panahon na para maghiwalay kami ng landas. Sa kurso kong IT at siya naman ay IE, hindi malayong magkaiba na ang mga major subjects namin at unti-unti ng nag-iiba ang mga kasama niya at kaibigan. Sino ba naman ako para pagsayangan niya ng panahon, madaming mas hamak na gwapo at makisig na lalake sa unibersidad namin na kapag pinagtabi kami, kulang ako ng 5 taong paligo, seryoso, mukha kasi akong may tipos noon.

 

“Boss, tara kain tayo sa mcdo.” Anyaya ni Leah.

 

“Sige, ikaw na lang, nakakahiya naman sa mga bago mong mga kaibigan.” Nahihiya kong tugon.

 

“Ang arte mo! Sarap mong halikan! JOKE!” pang-aasar niya sa akin.

 

“Umayos ka nga Leah, kung di lang kita kaibigan eh..” pambabanta ko sa kanya.

 

“ANO?!? Kung di tayo magkaibigan ano gagawin mo?” pabalik niyang pananakot.

 

“EH DI KAKAIBIGANIN KITA!” pasigaw kong sagot sabay tawa.

 

“Ahahahahahaha! Gago! Duwag ka pala eh.. woooshooo if I know mahal mo ako”. Sambit niyang may halong pang-aasar.

 

“Eh ano ngayon kung mahal kita?” medyo konting seryoso sa mga tono ko.

 

“TONGEK! Di tayo talo!” sabay akbay at hila sa akin papunta sa mcdo.

 

Yun ata ang unang attempt ko para masabi sa kanya nararamdaman ko, kahit pabiro, at least nasabi ko ng di ako nauutal, pero ang hirap kung di naman nasusuklian ang pagmamahal mo, kaya nilihim ko lang ang pagmamahal ko sa kanya..

 

“Jeff.. Jeff… sagutin mo tanong ko?” pangungulit niya sa akin nung hindi siya nakakuha ng tugon sa akin.

 

“Lasing ka pa ba? Tumigil ka nga sa kalokohan mo Leah.” Sagot kong may kasamang pang-iinis at pangungutya.

 

“Seryoso ako Jeff.” Seryosong nga.

 

“O…oo naman mahal kita.. bestfriend kita eh…” nauutal kong sagot.

 

“What I mean is kung mahal mo ako.. more than just a friend…” bangag pa ba siya?

 

Hindi na naman ako nakasagot. Nakatingin lang kami sa isa’t-isa na parang nagkakailangan na di mo maintidihan. Hindi ko alam kung sasabihin ko sa kanya ang totoo kong nararamdaman o hahayaan ko lang na maging ganito kami habang buhay.

 

4th year college nung una akong nagka GF. Tandang-tanda ko pa nung pinakilala ko siya kay Leah.

 

“Leah, si Jenny, girlfriend ko. Jenny, si Leah, bestfriend ko.” Pakilala ko sa kanila.

 

“Hi Leah!” bati ni Jenny.

 

“Hello…” matamlay na sagot ni Leah.

 

“O, may sakit ka ba? Bakit matamlay ka? Di ka na naman nag almusal no?” tanong ko.

 

“Hindi.. madami lang akong ginagawa this past few days… sige maiwan ko muna kayo..” nagmamadaling umalis si Leah.. marahil madami nga siyang iniisip noon.

 

“Bakit kaya ganun yun? Ngayon ko lang siya nakitang malungkot ng ganoon ah.” Tanong ko sa sarili ko.

 

Di kami nagtagal ni Jenny, dahil lagi ko daw bukang bibig ay si Leah, at sa tuwing magkasama kami, si Leah lang daw ang lagi naming pinag-uusapan, kung di nga daw alam ni Jenny na best friend ko si Leah, iisipin niya na kami na. Di ko rin naman maipaliwanag kung bakit si Leah ang lagi kong nababanggit. Napakamanhid ko naming tao para gawin ko kay Jenny yun. Pero sa totoo lang, nung mga panahon na hindi ko nakikita at nakaka-usap si Leah dahil kami pa ni Jenny noon, labis ko siyang namiss, labis ko siyang hinanap. At nung nabalitan na ni Leah na wala na kami ni Jenny…

 

“Balita ko nakipag split sa iyo si.. anong pangalan nung gf mo? Ayy ex pala..” pang-aasar niya sa akin habang nasa canteen kami.

 

“Si Jenny, at excuse me, mutual ang break-up naming, helllooooo…” pang-aasar ko rin sa kanya habang nakapamewang..

 

Nalaman siguro niyang bading ka kaya nakipaghiwalay. Ahahahahahaha!” pang-aasar niya.

 

Ni minsan di pa ako natatawag na bading, di ko kasi gusto ang panunukso na ganun. Laitin mo na ako sa kahit anong paraan, wag mo lang akong tatawaging bakla.

 

“Nakakaloko ka ah.. halikan kaya kita para malaman mong di ako bading?” sinindak ko sya.

 

Tagal..” hamon niya..

 

Hinawakan ko siya sa pisngi at dahan-dahan kong nilamit ang mukha ko sa mukha niya. Nakikita kong habang unti-unting lumalapit ang mukha ko, siya namang pikit si Leah at umaktong magpapahalik. Nagulat ako. Lumayo ako.

 

“Takot ka no?” sabay alis ng kamay ko sa kanyang pisngi.

 

“GAGO!” sabay dilat at alis ng canteen.

 

Natawa ako.

 

“Sagutin mo ako Jeff, di mo lang alam na matagal ka ng sinisigaw ng puso ko, bakit kasi ni minsan, di ka nagparamdam na mahal mo ako? Puro ka salita, pinasasabik mo lang lalo ako na makasama ka, bakit ayaw mo sa akin? May iba ka bang mahal? Alam mo ba kung gaano kasakit ang magmahal ng tao na di ka naman mahal?” parang eto lagi ang sinasabi ko sa sarili ko kapag kasama ko si Leah.

 

“Ano ba pinagsasabi mo Leah? Syempre mahal kita, hindi mawawala yun, matagal na rin pinagsamahan natin simula pa nung college tayo.” Sagot ko.

 

“Pero hanggang kaibigan lang.. kaibigan lang ang pwede mong ibigay sa akin. Sabihin mo nga sa akin Jeff, manhid ka ba? Di mo ba nakikita ang mga effort ko para makita mo na may gusto ako sa iyo matagal na?” rebelasyon niya sa akin.

 

“Hindi ako manhid. Ayoko lang abusuhin ang pagkakaibigan natin.. alam mo naman…” sagot ko na bigla naman niyang pinutol..

 

“Pwes, hahayaan kitang abusuhin mo ang pagkakaibigan natin.. sabihin mo sa akin ang totoo.. mahal mo ba ako o hinde?” matigas niyang pambara sa akin.

 

Graduation day. Nasa magkabilang dulo kami ng upuan, lagi ko siyang tinatanaw. Napakaganda niya. At sa tuwing mapapatingin siya, lagi kong tinataas ang aking hinlalaki, sign na nagtatanong kung ‘ok ka lang ba?’ eto na siguro ang huling araw ng pagkikita namin, siguradong mag-iiba kami ng pagtatrabahuhan at sa malamang mag-iiba na naman ang circle of friends namin. Mamimiss ko sya.

 

Pagkatapos ng graduation, lumapit ako sa kanya upang I-congratulate. Suma cum laude sya ng kanyang batch, di lang siya maganda, matalino pa. Paglapit ko pa lang ay niyakap niya ako agad at naunang magsalita.

 

“Thank you Jeff.. isa ka sa mga naging inspirasyon ko kung bakit ko nakuha ang parangal na ito.” Pasalamat niya.

 

“Sira.. ikaw ang may kagagawan niyan.. masipag kang mag-aral at mahusay ka naman talaga.” Pabalik kong tugon sa kanya.

 

“Hindi, kung di dahil sa iyo, wala ako ngayon dito.” Sagot niya habang yakap yakap niya akong mahigpit. Niyakap ko rin siya. Ayoko ng matapos ang mga sandaling iyon.

 

“Ano Jeff? Tinatanong kita. Mahal mo ba ako o hinde?” inulit niya ang tanong.

 

Sumagot ako… “Hinde…”

 

ITUTULOY…

26 thoughts on “dear kuya potpot… part 2…

      1. aY pLa pO…
        InArtS sI JefF…
        as In InaRtE MucH…
        NdI n NgA xA KawaFuhAn HuMinde pa…
        PaNu nLanG pag NauNahAn Xa…
        PwEdE BanG MaGweLga…
        sa KaarTehaN Nia…

        OA na…
        AntAy naLang tLga parT 3…

  1. Alam mo kung saan ikacut ang story pot para abangan ng readers ah? okey okey na rin kasi parang nagbabasa ako ng script, dahil may mga dialogue eh. sabagay kaya ka nakakagawa ng blog dahil malaki ang time mo na alang ginagawa. Hayaan mong makauwi ka at siguradong ang focus mo eh ang iyong work for the family,di ba? Ayos na rin, sabi mo nga pag nagiisa ang isang tao ay malungkot, nakakadepress, nakakaloka, etc. etc.etc. Yan namang talent mo eh walang hirap naman sa iyo, dahil nga talented ka.

  2. awwww! HINDE nya mahal!! hahays!!! dali part3 nako! (buti nalang nung nagsimula ako magbasa eh naka OUT na ang part1-3) hahaha masarap pala ung ganito di nako maghihintay pa hahah

    dyan ka muna! babasa nako ng part3

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s