dear kuya potpot…. part 3.. ang huling ending…

nainip ba kayo kahihintay ng finale? pwes.. maghintay pa kayo! joke! eto na ang 3rd and final installment ng liham ni Jeff sa akin.. sana ay maibigan ninyo.. *tugtog maalaala theme song while Charo Santos sits on the chair holding a letter and reading it.. bongga!*

——-

“Ano Jeff? Tinatanong kita. Mahal mo ba ako o hinde?” inulit niya ang tanong.

 

Sumagot ako… “Hinde…”

 

Ang tanga ko. Bakit yan ang sinabi ko. Hindi ko na mabawi, takot ako. Duwag ako. Sa mga sandaling iyon nakita kong tumutulo ang luha ni Leah, ayaw ko siyang hawakan, ayaw ko siyang hagkan, ayaw kong masaktan lang kami pareho kung sakaling di maging maganda ang aming relasyon. Pero gusto ko na siyang yakapin ng mahigpit at di ko na siya pakakawalan, pero pinilit kong lumayo.

 

“Umalis ka na…” mahina niyang tugon sa akin.

 

“Pero Leah..” papaliwanag ko pero inunahan niya ako.

 

“Ayaw na kitang makita pa kahit kailan… simula sa oras na ito.. di na tayo magkaibigan…” maluha-luha niyang sinabi.

 

Tahimik ako. Kinuha ko ang mga gamit ko at umalis ng kanyang condo. Umuwi ako sa bahay ng tulala at wala sa aking sarili. Nag-aalala ako kay Leah. Nasaktan ko siya. Bakit kasi yun ang naisagot ko! ANG TANGA KO! Dalawang letra lang na inuulit di ko pa sinabi! NUKNUKAN AKO NG TANGA!

 

Humarap ako sa computer ko at nagtingin-tingin ng mga larawan naming dalawa. Hindi sumagi sa isip ko na may pagtingin sa akin si Leah, bakit? Masyado ba akong manhid? O masyado lang mataas ang pader na nilagay ko sa aming dalawa? Bumalik uli ang mga alaala…

 

Unang sweldo ko at tinawagan ko agad si Leah para sabihing ililibre ko siya. Eto na rin siguro ang pagkakataon para umamin ako sa nararamdaman ko para sa kanya. Nagkaroon na ako ng lakas ng loob para sabihin ko na mahal ko siya higit pa sa isang kaibigan.

 

“Leah, unang sweldo ko! Tara, kain tayo mamaya.” Imbita ko sa kanya.

 

“Sure Jeff! Aba buti naman naisip mong ilibre ang `bestfriend` mo.” Madiin yung pagkakasabi niya ng bestfriend.. medyo masakit ah.

 

“Oo naman, ikaw pa, espesyal ka sa akin eh.” Sagot ko sa kanya.

 

“Wooshoo! Magtigil ka! Sige sunduin mo ako sa bahay, may sorpresa rin ako sa iyo.” Sagot niya.

 

Pagkakataon ko ng sabihin sa kanya nararamdaman ko. Kaya ko to. Kaya ko to. Bumili ako ng regalo sa kanya. Bulaklak at kuwintas na may pendant. Nilagay ko ang larawan naming pareho at ito ang iaalay ko sa kanya. Sana magustuhan niya ito.

 

Sinundo ko siya, hawak ang bulaklak sa kaliwang kamay, ang kwintas na may pendant sa kanan at pag-asa sa aking puso na sana ay masuklian. Pero papalapit pa lang ako sa pinto ng bahay nila, pagsilip ko sa bintana, nandoon si Michael, ang kanyang ex. Magkayakap sila at kitang-kita ko na umiiyak si Leah. Anong ginagawa niya rito? Puchat naman. Eto ba yung sorpresa niya? Nagkabalikan na ba sila? Putang-ina! Limang minuto akong nakatayo sa harapan ng pinto nila. Umulan. Umulan ng malakas. Nakikidalamhati ang panahon sa aking nararamdaman. Hindi ko ininda ang ulan, nais ko na lang anurin kasama ng tubig papalayo pero para akong nakapako sa kinatatayuan ko. Hindi ako makakilos, di ako makaalis. Ibinulsa ko ang kwintas na may pendant at itinapon ang bulaklak, tumalikod at umalis.

 

Isang lingo akong tinatawagan at pinupuntahan ni Leah pero pinasabi kong may nakakahawang sakit ako at di pwedeng makita o mapuntahan ng kahit sinuman. Natanggal ako sa trabaho dahil wala akong mapakitang medical certificate. Nasira panandalian ang buhay ko. Ang tanging nagpalakas sa akin ay ang pendant na pinahahawakan ko. Natuto akong maging manhid sa mga bagay-bagay sa buhay. Eto ang naging simbolo ko ng lakas. At sa tuwing ako ay malungkot, binubuksan ko ito at nawawala lahat ng aking lumbay. Mahal kita Leah, pero may mahal kang iba.

 

Pagkatapos kong magluksa, nakikipag-usap at nakikipag-kita uli ako sa kanya. Bestfriend ko naman siyang matuturing at wala siyang kaalam-alam sa nararamdaman ko kaya safe ako. Lagi niya akong tinatanong tungkol sa pendant na suot ko, lagi ko lang sagot ay bigay ng nanay ko.

 

Halos lahat ng aming larawan ay makikita ang saya sa mukha ni Leah, eto ba ay dahil masaya siyang kasama ko? Sandali, kinapa ko yung pendant. Nasaan na? Kinapa ko yung pantalon ko, binuksan ang bulsa ng aking jacket at bag, pero wala siya. Marahil nahulog nung binuhat ko si Leah papauwi sa kanyang condo. Di bale. Di ko na siya kailangan. Tapos na ang pagpapantasya. Tapos na ang aming pagkakaibigan. Tapos na ang lahat.. “Delete All?” “YES”

 

Araw.. Linggo.. Buwan.. Taon.. di ko na siya iniisip. Nakalimutan ko na ang pakiramdam ng may kaibigang minamahal. Balita ko pumunta siyang states para makipagsapalaran. Pagkatapos nun, wala na akong balita pa.

 

Supervisor na ako sa kumpanyang pinapasukan ko, wala akong kasama para magcelebrate. Bigla ko siyang naalala. Na sana kahit sandali, makita ko siyang muli. Asa pa ako.

 

Pumunta ako sa lugar na tinatambayan naming noon ni Leah, Langhiya.. di pa rin ako maka move on. Kaso sa katangahan ko, tapos na ang lahat. Nakaupo ako mag-isa sa lagi naming pinupwestuhang lamesa. Umorder ako ng drinks at pagkain. Nagcelebrate akong mag-isa , malungkot.

 

Lasing na ata ako ng biglang…

 

“TOK”

 

“Boss pwede bang paupo?” pamilyar yung boses.

 

“ARAY! Put..” syete..

 

“Hello Jeff..” si Leah!

 

“He..he..llo… L..Le..ah..” nauutal kong sagot.

 

“Ahahahahahaha! Di ka pa rin nagbago.” Pang-aasar niya sa akin.

 

Naupo si Leah at yun na ata ang pinakamasayang gabi ko. Nagkwentuhan kami ng mga nangyari, kinuwento niya ang buhay sa states, kinuwento ko naman ang nangyari sa buhay ko, tawa kami ng tawa. Kinalimutan na naming yung gabing nagkaroon kami ng tampuhan, puro magagandang alaala na sana ay wala ng katapusan.

 

“Naalala mo Jeff yung time na di ka sumipot nung unang sweldo mo?” tanong niya.

 

“Oo.. pasensya na may sakit ako noon.” Sagot ko.

 

“Dumating si Michael, yung ex ko, gusto niyang makipag balikan noon, pero tumanggi ako, kasi nga balak ko ng sabihin sa iyo nung gabi na yun na mahal kita.” Sabi niya.

 

“Huh?!?!” pagtatako kong sagot.

 

“Hindi ako nakatulog kakahintay sa iyo Jeff, tinatawagan kita pero di mo sinasagot telepono nyo. Nag-alala ako, kala ko may nangyari na sa iyo. Gusto ko ng sabihin sa iyo noon pa lang na mahal na kita, kaso siguro hindi tayo pinagtatagpo ng tadhana.” Sabi ni Leah.

 

Unti-unting tumulo ang luha ko sa aking mga pisngi. DI ko mapigilan. Tanga talaga ako. Hindi ko man lang siya tinanong sa nangyari nung gabi na yun sa inis ko at eto sinasabi niya na magsasabi rin siya ng nararamdaman para sa akin! ANG TANGA KO TALAGA!

 

“Bakit ngayon mo lang sinabi?” katangahan kong tanong.

 

“Paano ko naman sasabihin sa iyo, eh paano kung di mo suklian ang pagmamahal ko, eh di nagmukha lang akong tanga tulad nung nakaraan nating pagkikita.” Pinaliwanag niya.

 

Malinaw na sa akin ang lahat, masyado akong nag-assume sa mga bagay-bagay. Nagkamali ako. Nagsisisi ako.

 

“Sorry Leah…” di pa ako tapos…

 

“Ok lang Jeff. Naiintindihan ko na ang lahat, noon pa nung pinaalis kita sa bahay.” Pagputol niya sa akin.

 

May inabot siyang maliit na kahon. Tumayo siya at nilapit ang mukha niya sa mukha ko.

 

“Buksan mo yan pag-uwi mo ng bahay.” Hinalikan niya ako sa aking mga labi. Napakatamis. Napakasarap. Anong ibig sabihin ng mga halik na yun? Nilayo niya na ang mga labi niya sa mga labi ko. Ninamnam ko pa ng ilang segundo bago ako tuluyang dumilat. Wala na si Leah. Iniwan na niya ako.

 

Dali-dali kong kinuha ang bill at nagtanong sa waiter kung nakita kung saan nagpunta ang kasama kong babae. Hindi daw niya alam. Nagmamadali akong umuwi, kahit alam kong medyo lasing pa ako, pero pinilit kong maka-uwi para mabuksan ang laman ng munting kahon.

 

Pagdating ko ng bahaya, sinalubong ako ng kapatid ko.

 

“Kuya, tumawag yung…” di pa siya natatapos ng pinutol ko ang sinasabi ng kapatid ko.

“Mamaya na. May importante pa akong gagawin.” Dali-dali akong nagtungo sa kwarto ko at nagkulong.

 

Binuksan ko ang maliit na kahon na binigay sa akin ni Leah. Nagulat ako sa laman. Ang pendant na dapat kong ibibigay sa kanya. Sa ilang taon ko ding hindi nakita, ngayon nasa akin na uli. Binuksan ko ang pendant at nandoon pa rin ang aming mga picture at isang maliit na sulat.

 

“Mahal kita Jeff, hindi magbabago yan…” ang nakasulat sa maliit na papel sa loob ng pendant.

 

Kinilig ako! Para akong high school na di mapakali! Gumugulong-gulong pa ako sa kama ko sa kagalakan! Ipagpapabukas ko ang pagpunta kina Leah. Ayoko siyang biglain.

 

Masarap ang naging tulog ko. Maaga akong gumising, nag-almusal at nag-ayos para puntahan si Leah sa kanyang condo. Doon pa kaya siya nakatira?

 

Palabas na ako ng bahay para pumunta kina Leah ng tinawag ako ng kapatid ko.

 

“Kuya, tumawag yung nanay ni Leah, nasa hospital daw si Leah.” Sambit niya.

 

“ANO?!?! BAKIT DI MO AGAD SINABI!” pasigaw kong sinabi sa kanya.

 

“Eh nagmamadali ka kagabi eh, di naman kita maawat nakainom ka, baka mabatukan mo ako.” Sagot niya.

 

Kinuha ko ang detalye kung saan naka confine si Leah. Kung nakinig lang ako sa kapatid ko, di na sana ako nagdalawang isip.

 

Dumating ako sa hospital para makita ang isang may sakit na Leah, nakahiga sa kama, maputla, ibang-iba sa kagabi. Hinawakan ko ang kamay niya, lumuluha, humihingi ng tawad.

 

“Kagabi ka pa niya hinihintay. Hindi siya natulog kasi alam niyang darating ka.” Nanggaling sa likod ang tinig. Ang kanyang ina.

 

“Ikaw lagi ang bukang bibig niya nung pumunta siya ng States ilang taon na rin ang lumipas. Sa mga kwento niya, akmang-akma na mahal ninyo ang isa’t-isa.” Pagpapatuloy niya.

 

“Magandang umaga po tita.” Nagmano ako tanda ng paggalang.

 

“Alam mo ba na may sakit siya, at humiling siya na dito sa Pilipinas umuwi para magpagamot? Mahal na mahal ka ni Leah, iniisip niya na muli kayong magkikita.” Dagdag pa ni tita.

 

Hindi ko na mapigilan ang pag-iyak, “Sorry Leah. Kasalanan ko ang lahat ng ito. Kung di ako nagpakatanga noon eh di sana hindi na tayo nagkalayo. Mahal na mahal kita, matagal na! Wala lang akong lakas ng loob na sabihin sa iyo dahil natatakot akong masira pagkakaibigan natin.” Walang tigil ang pagluha ko habang hawak ko ang mapuputla niyang kamay.

 

Limang minutong walang tigil ang pag-iyak ko ng biglang.

 

“TOK” binatukan ako.

 

“Ang ingay mo, di ako makatulog.” Si Leah.

 

Niyakap ko agad siya at di ko binitawan. “Wag mo akong iiwan Leah..” binulong ko sa kanya.

 

“Sira! Di pa ako mamamatay no! Inatake lang ako ng hika kaya ako naospital. Kaya nga ako umalis agad sa restaurant kagabi kasi nga di ako makahinga sa tuwa. Pinasabi ko kay mama na tawagan ka. Naghintay pa naman ako sa iyo kagabi, pero sa tingin ko lasing na lasing ka kaya di ka nakapunta.” Sambit niya.

 

“Paanong napunta sa iyo ang pendant?” tanong ko.

 

“Nung natulog ka sa condo, maaga akong nagising, binuksan ko ang pendant nung natutulog ka at nakita ko na picture natin ang nasa loob, kaya nga nung umaga, ako na ang nag open up ng feelings, kaya lang umiral na naman pagka torpe mo at di ka man lang bumalik or tumawag after ng nangyari. So alangan naming habulin pa kita, ano ka babae?!?” galit na kwento ni Leah.

 

“Bakit ngayon lang?” tanong ko.

 

“Bakit ngayon lang ako bumalik at nagpakita sa iyo? Sapatusin kaya kita? Wala ka man lang effort na tawagan ako sa states. Alam mo naman number naming doon.” Galit na sabi ni Leah.

 

“Eh sabi mo kasi hindi na tayo magkaibigan.” Paliwanag ko.

 

“Tongek, ano ba ibig sabihin pag di na kayo magkaibigan? Eh di magkasintahan na! SLOW!” dagdag pa niya.

 

Malaking ngiti ang naibigay sa akin ni Leah. Siya talaga ang babae para sa akin. Niyakap ko siya. “Mahal na mahal kita Leah.” bulong ko..

 

“Mahal na mahal din kita Jeff..” tugon niya..

 

Bumitaw ako sa pagkakayakap, hinawakan ko siya sa balikat at dahan-dahan kong nilapit ang mga labi ko sa mga labi niya. Kitang kita ko uli ang pagpikit ng mga mata niya at pag korte ng labi niya, sabik na mapahalik sa akin.

 

Pinitik ko siya sa noo. “Ang cute mo” sabi ko.

 

“TOK” binatukan na naman ako.

 

THE END.

25 thoughts on “dear kuya potpot…. part 3.. ang huling ending…

  1. hayop..paalis na ako pot nong nakita kong may part 3..binasa ko at nag comment pa kahit late na ako! hate you kasi napaiyak ako *so maarte ako*

    may ganon pa…bumuhos bigla ang malakas na ulan at sya ay nabasa! hihihi

  2. iiiiiiiiiiieeeeeeeeeeeee…..
    (teka Kuya dapat sigaw to ng kilig ha)
    Nakakakilig….
    Nakakinis..
    Torpe tlga tong c Jeff…
    Buti nlng nDi bUmiTaw c LeAh…
    KeLeG matz…

  3. dito na ko mag ko comment kuya pots… nabasa ko na mula part 1 gang dito.. grae kala ko hindi maganda magiging ending.. buti na lang!😛

    sobrang kinilig ako.. hanggaling mooooo!!

  4. buti naman maganda ang ending… akal ko may mamamatay na naman sa huli eh… sana lahat ng true love ganyan… naghihintay… heheehhe… salamat sa magandang istorya…

  5. wala na talaga akong balita sayo… langya future pocketbook author pala ang hilig mo… ahehehe… pa jeff jeff ka pa at pabigay bigay sayo ng sulat… kaw gumawa nyan eh… pero seryoso, may potential ka kulang na lang maging bading ka para maging author ng tagalog love story…nyahahaha.. cheers;p-glesy the great

  6. dito na lang din ako rereply sa part 3. kinabahan ako…nararamdaman ko na kasi na malungkot ang ending nito. Si jeff may pagka potpot din umarte ano…parang eng eng lang ahihi.

    Buti they lived happily ever after. cute story…sana ang title – TOK.

  7. waaaah putek! ang saya saya!! (bling bling ang aking mga mata!) nakaka inlove naman ang kwentO!!!!!!!!!!!!!!!!

    salamat engr.pot!!!!! hurayyy!!! hurayyY!!! more more more!~!!

  8. buti masaya ang ending natawa ako may hika lang pala. tulad nila heleyna kinabahan ako akala ko malungkot ang ending buti naman at ganun lang kasimple ang nangyari hinika lang pala.. haysss! katamis naman ng kwento shetsss!! ahahah

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s