haykentbilibit…

tuwang-tuwa!
tuwang-tuwa!

noong nakaraang linggo ako ay nagpunta sa isang ahensya ng gobyerno upang ipa-renew ang isang dokumento na kailangan para sa trabaho… mabilis sana ang proseso ngunit nagulat ako nung nagkaroon ng “hit” ang pangalan ko.. sa mga di pa nag-aapply ng trabaho.. ang salitang “hit” ay ginagamit ng ahensyang ito para masabi sa iyo na ikaw ay may kapangalan o may kapangalan ka na may kaso…

sa totoo lang.. nagulat ako.. napakaganda ng pangalan ko para gayahin o magkaroon ng kahalintulad.. maliban sa tatay ko at sa kapatid ko.. na may ganitong pangalan at apelyido.. nakakagulat talaga.. napaisip ako bigla.. akala ko tuloy may nabinbin akong kaso bago ako nagpunta ng japan.. eto yung mga naisip ko noon…

– maaaring sa mga speeding ticket violations ko nung nagmamaneho pa ako ng karo ng patay nung nagtatrabaho pa ako sa funeraria tsogue na katabi ng isang meat shop…

– naalala kong may hinarass akong pusa sa isang eskinita at nahuli ako ng barangay tanod.. nagdemanda kaya yung pusa?

– ang pag 1-2-3 ko sa pedicab nung nagbaha…

– ang pagnakaw ko ng halik sa isang kolehiyala na inakala kong artista…

– ang “pagkambyo” ko sa harapan ng isang religious group..

– ang pag-alok ko ng “panandaliang-aliw” sa isang bakla..

– ang pagkain ng mani sa loob ng MRT..

– ang pagnakaw ng “puruntong” ng kapitbahay..

kinabahan talaga ako.. pero buti na lang nung kinuha ko kahapon ay wala naman akong nabinbin na kaso… siguro may kapangalan lang ako.. kaya kayo.. kung magpapangalan kayo sa mga anak ninyo.. siguraduhin ninyong unique nang sa gayon ay mahirap magaya… at para masaya.. nag-apply na rin ako ng parang ID style para mas mapadali ang pagrerenew ko.. punyemas.. siguro dahil ang mukha ko ay saliwa.. saliwa rin hitsura ko sa ID.. nahuber!

shagilid..
shagilid..

12 thoughts on “haykentbilibit…

  1. anubayannnn kung hindi todo ngiti tagilid naman ang kuha.. and oh, buti na lang kahit papano unique ang namesung ko.. walang magiging problema unless ako ang magkarion ng kaso..

  2. ang kulet ng itsura mo sa unang pic pot! haha…buti na lang unique ang name ko…pag nagkaron ako ng hit siguradong ginaya lang name ko, hindi ako yun!😛

  3. ay!! ako rin na-hit na niyang sa NBI samantalang akala ko’y ako lang ang may kaisa-isang pangalang bechay sa lahat ng mga tolentino sa pinas. indi pala. noong na-clear ako gusto ko sanang tanungin kung ano yung kaso nung kapangalan ko kaya lang nagutom ako kaya kumain ako ng mani at nang harass ng pusa.

  4. napakalaking abala kapag may nakitang hit sa clearance na ito.. tsk tsk tsk… at buti na naayos mo ito ng maaga at hindi ka ginabi.. ngek..

    at sa iyong litrato.. mataas ang pursyento na ma hit ka nga sa clearance.. parang kang kawatan ng mga sinampay ng kapitbahay at mandirigma ng ulam nila…

    peace bro..hehehe

  5. Alang katulad kang name. Kung meron yan, agad agad ibibigay sa iyo ang criminal case nis. para macheck mo agad sa city hall. Gusto ka lang talaga na kotongan. Ang mga pinoy oo, pag alang trabaho hanap ng hanap at pag meron na pangwawalanghiya na ang nasa utak tapos iiyak iyak sa sinapit niya pag natklo.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s