sitak ni jack…

sa mga makakabasa ng blog na ito.. iwasan na po ninyo ang taxi na may plakang TXR642 ng Jonel & Jolene… hindi po ako naninira, ikukwento ko lang ang nangyari sa akin ngayong araw ng patay…

marami talagang nananamantala kapag may okasyon o kalamidad dito sa pinas.. ang tatapang pa nating mga pinoy na sabihin na kailangan ng pagbabago… samantalang di naman nila kayang baguhin ang sarili nila…

napanood natin sa mga telebisyon na madaming mga sira-ulong taong sinasamantala ang mga taong sinalantaan ng kalamidad.. ang kakapal ng mukha.. sana kunin na kayo ni Lord.. ayy mali.. ni satan pala…

matuloy ako sa kwento ko..

sumakay kami ng taxi sa sta. ana mga bandang 6:30 ng gabi upang umuwi dito sa tondo.. karaniwang binabayaran namin sa taxi sa byahe kasama na ang traffic ay mga 95 – 100 pesos.. sure na yan.. walang mintis..

hindi naman ako paladuda sa mga metro ng taxi, dahil alam ko namang may seal of approval yan galing LTFRB (puchat.. asa pa ako sa mga ahensya ng gobyerno).. pero yung nakita ko.. di naman ata makatarungan yun..

napansin siguro ng taxi driver na hindi ako masyadong tumitingin sa metro niya kaya kampante siguro sya.. pero ang di niya alam.. nakuha ko na ang modus niya..

sa bandang UST ng nahinto kami sa isang stop light.. sinilip ko ang metro ng taxi ni manong.. at nakita kong nasa 90 pesos na.. sumilip ako sa labas para tumingin sa paligid.. wala pang 10 segundo ng sinilip ko uli ang metro ni manong.. akalain mong nasa 95 pesos na agad?!?! ok pa sana kung 92.50 lang.. pero juice mio por pabor.. 5 piso agad ang tinaas sa sampung segundong nakahinto?!?! ohh come on.. you must be kidding me!

at dahil nagulat ako sa bilis tamang pagbasa ng kanyang metro.. nilapit ko ang mukha ko sa metro niya at inobserbahan ko ang bawat patak ng metro niya hanggang makarating kami sa aming bahay.. pakapalan na lang ng mukha kung magbabago pa ang metro niya.. the nerve…

pumatak na 125 pesos ang singil ng metro.. kaya ang ginawa ko… inabutan ko si manong ng eksaktong bayad… ano sya swerte at bibigyan ko ng tip? asa pa sya..

kaya sana tigilan na ng mga nananamantala ang mga kalokohan nila.. ang disiplina ay nagsisimula sa sarili.. itatak sana nila sa  mga utak nila yan… juice mio!

8 thoughts on “sitak ni jack…

  1. he he. natakot din pala si manong sa yo no? baka naman kasi me additional surcharge dahil holiday. bakit, ikaw lng ba me karapatang magdoble ng bayad pag magtrabaho pag bakasyon?😀

    1. additional surcharge?!?! eh di sana sinabi na lang niya na ganun.. para di ako magugulat na simbilis ng jeep byaheng blumentritt to novaliches ang metro niya… so kaka..

  2. tama ka sa iyong tinuran kapatid… maraming talagang manloloko… dahil na rin ito sa kahirapan ng buhay… o maraming binubuhay na mrs ang nasakyan mong taxi… salamat na rin sa iyong payo…

  3. unnnnnggggaaaaa. kaya itong mga driver na ito eh alang asenso at sigurado ako ng mamamaty na taxi driver pa rin. Maliit ang pintuan ng langit,yun lang mga taong di nangaagrabyado at sumusunod sa batas ng Diyos ang pwedeng pumasok. Sigurado akong sa impyerno si driver kasi maluwang ang pinto para sa mga katuilad niya. ang mga ganyang tao ang gustong gusto ang mga bagay na pinaghirapan ng kapwa niya. Hay buhe,,,,,

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s