shungaers talaga ako…

kung hindi ba naman ako isa’t kalahating tanga.. siguro dahil nasanay ako sa sistema ng mga hapon.. nakalimutan kong madaming bagay ang dapat kong ayusin kapag nagtrabaho na uli ako dito sa pinas…

Pag-ibig – sa ilang taon ko ng nagtatrabaho sa mundong ibabaw.. hanggang ngayon di ko pa rin alam ang pag-ibig number ko.. tapos nalaman ko na simula October, 2008 ay mag iissue na ng number ang pag-ibig.. so simula nung nagtrabaho ako noong year 2000 hanggang ngayon… wala pa rin akong numero sa pag-ibig.. saan kaya napupunta ang inaambag ko kada sweldo? sana mai-consolidate nila ang dati kong na contribute at ang mga iaambag ko pa sa bago kong trabaho.. sana lang.. sana…

Philhealth – ngayon ko lang din nakuha ang numero ko sa philhealth… sa malamang kung may nangyari sa aking masama noon.. pupulutin na lang ako sa kangkungan dahil di ko alam philhealth number ko… nakikinita ko na ang mga scenario noon kung nasa hospital ako..

Nurse : Sir, ano po ang philhealth number ninyo?
Potpot : Naku nurse, hindi ko alam eh..
Nurse : HINDI MO ALAM? EH SAANG PLANETA HO BA KAYO PINANGANAK? PUWES UMUWI NA LANG KAYO AT WALA HO KAMING PANAHON ASIKASUHIN KAYO! SYET!

BIR – nagtataka lang ako.. kailangan pala na asikasuhin ng mga empleyado na nalipat ng bagong kumpanya ang paglipat din ng RDO branch para doon mailipat ang tax.. ang nagtataka lang ako.. ang sipag-sipag nilang bawasan ako kada sweldo ng tax samantalang di naman alam kung saan napupunta ang pera na ibinabayad ko sa gobyerno.. ano ba namang itawag na lang ng RDO branch na ito ang dating RDO branch.. eh sa pagkakaintindihan ko ako pa ang dapat magpunta sa RDO branch para magpapalit ng status… napaka convenient talaga.. ang saya-saya.. 

nakausap ko din ang HR namin dito.. siguro dahil banas na sila sa pagmumukha ko sa dami ng tanong ko.. binigyan na lang nila ako ng sandamakmak na papel para sagutan.. at pagkatapos ako din ang maglalakad sa mga ahensya.. ang saya talaga.. pero naisip ko lang.. kung i-online na lang nila lahat para lahat ng transaksyon ay mabilis at di hustle? wag na lang din.. sa malamang madaming mawawalan ng trabaho kasi nga, ultimo taga stapler ata eh mawawalan ng trabaho.. kawawa naman yung mga kabit nila at mga alagang pusa… kawawa naman ang mga may negosyo sa loob ng ahensya.. mawawalan ng sideline.. kawawa naman.. kawawa…

9 thoughts on “shungaers talaga ako…

  1. tama si attorney! bwahahaha..

    uy about dun sa Pag-ibig, nako, mano-mano ang pagrereconcile nga nyan.. sa case ko nun, halos 1 araw kong inayos yan..buwisit.. sana nga magonline na lang sila

  2. come to think of it….

    ako din.

    di ako alam philhealth numbe ko (meron pala nun?)

    pagibig number.

    at lahat ng mga nasa post na ito! tsk!

    thanks for the post. mag-double check nga din ako.

  3. aq my number aq. ..kso walaw qng PAg-iBig. . .break na kami eh nakipag hiwalay na ko. ..pno ba nman kmain kmi sa restaurant knain nya pork chop skin ketchop lang. ..

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s