isang linggong pag-ibig…

ikwento ko lang sa inyo ang lakbayin ko kahapon dahil kaarawan ng birthday ng mga anak ng aking bestfriend noong high school (kaarawan ng birthday.. o bago yan ha..) na si Gem… nataon kasi na magkasing birthday ang kanyang mga prinsesa na si Beryll (4) at Bernice (1).. ang gusto ko lang tanungin sa kanya at sa asawa niya ay kung totoo ba na nung nagtalik sila ay sa eksaktong araw din ba nung ginawa nila yung panganay nila para mabuo din nila yung pangalawang supling sa eksaktong araw din? alam ko kasi normal delivery itong kaibigan kong bakla.. at buti nga di pa nila nalalaman na lalake talaga siya at di babae… ang husay… lab yu gem!

maiba ako ng kwento.. habang ninanamnam ko ang pagkakaupo ko sa table 10 at naghihintay na may magpo-pole dance at mag split sa harapan ko habang nainom ako ng the bar.. “HAYLABDABAR”.. eh umiral na naman ang pagkapintasero ko.. iniiwasan ko na ngang mamintas dahil isa ito sa mga bagong new year’s resolution ko from last year (o nalito na naman kayo no?) pero isinaloob ko na lang at kinuha ang aking cellphone at ni type ang mga katagang nasambit ng hostess dahil napakahusay niya…

Pagkatapos ng isang laro na kinasasangkutan ng mga magulang..

“Mga mommy at daddy, DO you enjoy the game?” nung una ay kala ko nabingi lang ako pero limang beses niyang pinaulit-ulit yun.. kulang na lang mag table to table siya para malinaw naming marinig.. pero sige baka siguro dahil naka braces si hostess kaya nahihirapan siyang magsalita..

Habang naglalaro ng Bring me…

“Ok guys.. bring me a…. brown SOCKS!” juice mio.. saan ka naman makakakita ng singular plural na bagay? kaya siguro walang nagbigay nung nag pa bring me kasi wala naman silang a brown socks… sige.. baka kinakabahan.. baka di pa siya sanay mag hosting.. kailangan ata ng workshop sa ABS-CBN para mahasa…

At ang huli at napailing ako at napa ngudngod ang mukha ko sa palad ko..

“Ok mommies and daddies.. we hope that you enjoyed the NIGHTS!” need i explain more?

pero katuwaan lang.. pagpasensyahan nyo ako.. ako din naman kasi eh sablay sa english dahil siguro di rin naman ako bihasa sa wikang banyaga kaya nga mas pinili kong magsulat sa pamamagitan ng ating national language.. ang spanish.. por juice por pabor senor.. awww.. marimar!

at kung nagtataka kayo kung bakit isang linggong pag-ibig ang titulo ng aking post.. proud lang ako na isang sikat na celebrity ang gustong mag-add sa akin sa Fezbuk.. at yan ay si…

o kay bilis ng iyong pagdating.. pag alis mo'y sadyang kay bilis din..

eto lang ang  kuha ko na masasabi kong note worthy sa okasyon..

o table 10 talaga yan ah..

4 thoughts on “isang linggong pag-ibig…

  1. he he. hangkyut naman ng ingles ni Ate. sori na lang at nagpanting ang tenga ni potpot, na ang ingles e certified nosebleed. bweheheh

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s