alipin ng katangahan…

sa tinagal-tagal ko ng nagtatrabaho sa mundong ibabaw.. uto-uto pa rin pala ako pag dating sa mga patakaran sa opisina.. biruin mo.. “OBLIGADO” ka na mag overtime at bawal tumanggi dahil ito daw ay kasama sa pinirmahan mong “WAIVER” na pinilit na ipapirma sa iyo dahil kung hindi ay di ka tatanggapin sa trabaho.. ang husay..

.. ok lang sana kung bayad ito.. yung ipinangako na dalawang oras na ilalagi mo sa opisina ay makakapagdagdag pa sana ng kaunting salapi sa iyong ATM ay pawang isang kathang isip lamang.. bakit kanyo? ganito yan..

nagsimula noong Enero 4 ang unang araw ng “UNANNOUCED MANDATORY OT” although may pahapyaw sila na “O baka next week may VOLUNTARY OT tayo” ang layo ata ng VOLUNTARY sa MANDATORY o baka naman nag iba na ang terminolohiya ayon kay kumpareng merriam at webster.. ewan ko lang ha… mabalik tayo.. kahapon.. nakuha na namin ang breakdown ng overtime.. ang saya-saya ko pa nga kasi kahit papaano ay nakalikom ako ng 14 oras na OT.. ngunit sa kasamaang palad, mahigit 8 oras lang ang madadagdag.. bakit na naman kanyo? eh dahil daw sa “LOG-IN EFFICIENCY” ko.. ano nga ba ang depinisyon ng LOG-IN EFFICIENCY? eto daw yung “ACTUAL” na oras na itrinabaho ko… so ang interpretsyon ko.. meron akong kulang-kulang na 6 na oras na ako ay nagpepetiks sa loob ng opisina.. ang saya… tatanggapin ko sana kaso alam ko naman sa sarili ko na hindi ako ganito.. kung magpepetiks lang ako sa opisina.. mas pipiliin ko na lang na mag absent at gugulin ang mga oras nakahiga sa kama para makapag pahinga.. o kaya makipaglaro sa mga anak ko…

siguro kapag nagkaroon uli ng overtime.. may karapatan naman siguro ako bilang empleyadong magreklamo at tumanggi di ba? NEKNEK mo potpot.. kaya ka nga nagtrabaho sa isang kumpanya ay para magpaalipin di para magreklamo.. DA BEST!

3 thoughts on “alipin ng katangahan…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s