kasalan ng mga otaku…

marahil nagtataka kayo kung bakit ganyan ang title ng entry ko ngayon,..sa takbo ng kukwento ko, maiintindihan ninyo kung bakit ganyan siya.

dalawang linggo na ang nakakaraan ng kami ay dumalo sa isang wedding expo, at di ko sasabihing sa megamall ito naganap… eniweys.. kaya ako pumupunta sa mga ganyang event eh para malaman ang mga kalakal ng laman… este yung trend ng wedding, marahil alam naman ninyo na mahilig ako sa pornography.. este photography at ang next step ay ang pag attend ng mga kung ano-ano shitz para mahasa ang aking crop.. este craft.. (‘tangna naman oo)

hindi ko dala ang aking malaking camera dahil alam ko namang bawal mag pityur-piytur sa loob pero buti na lang at dinala ko ang aking foynt hen zyut na camera (point and shoot) dahil kung hindi.. hindi sana ako makakapag kiskisan ng siko sa isang tanyag na wedding photographer na naka base sa chicago na si Mr. Glen Abog.. sa katunayan.. naunahan niya ako.. humirit ba naman na..

Glen : Ikaw si potpot?

Potpot : Ako nga po sir Glen…

Glen : syet.. idol kita eh.. nagbabasa ako lagi ng blog mo…

Potpot : ayy maraming salamat po sir Glen…

Glen : wag mo na akong tawaging sir Glen, pareng Glen na lang.. eto naman parang iba ka naman eh..

Potpot : o sige na nga pareng Glen..

Glen: may camera ka ba? papicture naman tapos send mo dito sa personal email ko..

Potpot : oo ba.. pareng Glen..

feeling close no..

Glen : thank you ha.. (beso)

Potpot : (shock)

pwera biro, ang ganda ng mga likha ni Glen Abog, humanga ako sa galing ng mga kuha niya at sa dekalidad na pagsasalarawan ng mga kasal at pangyayari.. sana makuha ko ang kanyang skill… beso skill.

pagkatapos sa wedding expo, sa katabing hall naman ay ang otaku churva, at ang daming cosplayers dun, hindi ko na sinadyang magpapicture sa kanila.. sa tanda ko ba namang ito, mahiya naman ako diba.. pero di ko naman kasalanan kung sila ang lumalapit para magpapicture sa akin..

alphonse of full metal alchemist.. edward ako ng edward.. sablay ako..

at ewan ko ba, itong babae na ito, tingin ng tingin, akalain mo bang mag papicture uli, mukha siguro akong mascot…

tsk.. bakit kasi nagpapicture pa sa akin..

at jan nagtatapos ang kasalan ng mga otaku.. syanga pala.. baka may magreact dito ha.. basahin nyo ang title ng blog ko bago kayo magkaroon ng violent reaction.. kung may sasabihin kayong di kaaya-aya, suntukan na lang!

4 thoughts on “kasalan ng mga otaku…

  1. bwahahahaha pot! wala ka pa ring kupas! shet! tawa ako ng tawa! as in tawa talaga! bwahahahah! Miss na kita *kuya* pot! haha (girlkiss) sana magkaron ka na ng beso skill hahah! kung alam ko lang na andun ka sa wedding expo eh di sinipag sana akong magpunta sa otaku expo! nang nagkaharap naman tayo’t nakapag suntukan!

  2. nakakatuwa naman ang blog na ‘to. akala ko kasalan ng mga otaku. amp! kakaiba sana yun!
    inggit ako dahil alam mo yun, hilig ko din ang potogarpiya at hayan nakapagpapichur ka pa sa sikat na putograper! amp!
    tapos isa pang inggit, ang mga cosplayers! nakngtokwang yan! idol ko ang fma eh! waaaaah!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s