guilty na kung guilty…

aaminin ko na 1/3 ng internet life ko ay namatay.. dating aktibo ako sa pag-blog, at ngayon pasulpot-sulpot na lang.. ang dating pakikipag chikahan ko sa plurk ay nauwi na lang sa arawang update para di bumaba ang karma.. ang nasimulan kong tweeter para maging instrumento ng pakikipag kapwa tao ay nasira na parang eng-eng lang…

oo.. guilty ako..

noong mga panahon na ang oras ko ay ginugugol ko sa mga mas makabuluhang bagay tulad ng pag surf at pagbasa ng mga blog ay natapos na.. namiss ko ng mag comment sa mga taong obese level 2 ang utak (matabang utak.. pinasoyal ko lang)..

oo na.. guilty na ako..

natapos na rin ang mga walang humpay na chat sa YM magdamag at ang pag-“show” sa webcam… namiss ko na ring makipag-interact (landian) sa mga nakikilala sa internet (kakastiguhin ako ni misis)..

yes.. i’m guilty…

yung mga makabuluhang pag saliksik ng mga educational materials para magpaalab ng damdamin (porn sa madali’t salita) ay sadyang naputol na rin..

oo.. ikulong na ninyo ako..

kahit sabihin ko na babawi ako.. mahirap pala.. nakatali ako sa limitadong oras na ibinibigay ng aking katawan para makisalamuha sa mga kaibigan ko sa inter web.. namiss ko lang.. actually..

so hindi na ako hihirit na.. “babawi ako” or “babalik ako”.. simple na lang ang aking sasabihin.. “I will try”.. masyadong keso ang sagot ko pero yan ang totoo.. gustong-gusto ko na maibalik ang dating ako.. mahirap pala..

kaya simula sa araw na ito.. wala ng pangako.. try ko na maging aktibo sa paraan na kaya kong panindigan.. masyadong madrama pero sa totoo lang.. pakiramdam ko may kulang ngayon sa aking buhay..

seryoso..

JOKE!

9 thoughts on “guilty na kung guilty…

  1. NAKAKAMISS din! naalala ko padin ung mga huling kwento mo ung tatlong PART. yun na yata ang isa sa mga huling post mo na maluwag kapa sa oras… anyway, see you around engr. pot!

    enjoy lang! atleast kasama mo family now

  2. pot!!!! kung ikaw one third ano pa kaya ako? nawala na talaga… nabura na….

    namiss ko ng magsulat…. namis ko ng magbasa ng mga blog na ika mo nga ay may obese level 2 ang utak… pero wala na tlagang time… ikaw? kinalimutan mo na ako… leche ka may utang ka pa sakin ahahaha… cheers;p-glesy the great

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s