sino ang iboboto ko…

ok, less than a month na lang at magaganap na ang nationwide lotto draw,  ang eleksyon.. at dahil uso itong pinag-uusapan sa paradahan ng jeep at ng mga miron sa may kanto, makikisawsaw ako ng kaunti para lang malaman ninyo ang opinyon ko patungkol sa nalalapit na pa-contest, isang tagisan ng talento na kulang na lang ay sumali sila sa pilipinas got talent o kaya ang pagtugon sa teleserye ng totoong buhay.. ang eleksyon (bow)…

sabihan na ninyo akong mababaw pero eto ang iboboto ko isang kandidato..

1. Kung sino ang makakapag-ayos ng traffic sa pinas, sya ang iboboto ko – walang bahid ng malisya.. kung sino talaga ang makakagawa nito, papatayuan ko ng monumento.. seryoso.. JOKE! di ba magandang isipin na kapag bumabyahe ka sa kalakhang maynila ay hindi ka na aabutin ng siyam-siyam sa kalsada para lang makarating sa paroroonan mo, ilang minuto lang ay nandoon ka na sa gusto mong puntahan.. naisip ko lang naman..

2. Kung sino ang makakapagsolve ng ating drainage problem – aminin man natin o hindi, may partisipasyon dapat tayong mga pinoy dito, isipin mo, kahit ilang infomercial ang ilagay mo sa TV, print ads at radyo, kahit araw-araw may naglilinis sa mga kanal, kahit lagyan mo pa ng bakod na sing taas ng singil ng kuryente natin, walang paki-alam ang mga pinoy sa mga tone-toneladang basurang tinatapon sa mga kanal.. kung ako lang masusunod, death penalty kapag nahuli kang nagtatapon ng basura sa mga creek.. human rights? tangnanyo!

3. Kung sino ang aaming nangungurakot sila – ok, medyo OA na tong request ko, pero mas gugustuhin ko ng umamin ka sa mga ginagawa mong katarantaduhan at willing kang magbago dahil nakakasawa naman kasi na sinasabi ng mga pulitiko na aayusin nila itong ganito, gagawin nila yung mga ganyan.. paulit-ulit na lang, panahon pa ni limahong narinig ko na yang mga pangako na yan.. grow up na…

4. Ayokong maligo sa dagat ng basura at ayoko ding magpasko sa gitna ng kalsada – pero ika nga sa commercial, yan ang tanong nila..

5. Paghihiwalay ng basura – napapatupad ba? sa malamang hindi.. sino kaya sa mga kandidato ang makakapag solve nito? parang kailangan yata ng solution sa integral calculus..

6. At ang huli, kung sino yung kandidato na hindi lamang tuwing eleksyon makikitang rumoronda sa kalsada para magsalita tungkol sa kanilang reporma – o, alam naman nating busy sila sa kanilang mga trabaho at tungkulin pero naman, time management lang naman yan, at sa totoo lang, mas magandang nakikita ko ang public official na hinalal ko na naglilibot kada palengke kesa naman yung magpapaprescon sa manila hotel para makakain ng libreng sandwich na binayaran ng mga tax payers… divah?

o may magrereact na naman jan, opinyon ko po ito, kung di kayo sang ayon sa mga sinabi ko, eh di ipapulis ninyo ako.. maging open tayo sa mga bagay-bagay sa paligid natin.. di naman tayo mga mang-mang at tanga para dedmahin ang mga nangyayari sa ating bansa..makilahok at makibahagi sa nalalapit na eleksyon.. malay mo.. ang boto mo ang makakapagpabago ng lahat…

11 thoughts on “sino ang iboboto ko…

  1. ehehe.. buti ka pa nga nakakaboto weh.. ako inde pa ako registered.. kung ikaw nalang kaya tumakbo bilang presidente… weeee.. mag reregister ako para iboto ka.. ehehe

  2. Yang mga problema mo igan eh pang barangay lang. Sapakin mo na lang ang ating chairman dahil alang ginagawa kundi umistambay sa opisina ni valeriano. Hay naku naman, yang mga hinaing mo ay only micro, pang macro ang presidente.

    1. hay naku mother dear.. kung yun ngang micro ay di masolve.. yang macro pa kayang sinasabi mo? alam naman natin na ang mga maliliit na bagay ang nakakapuwing… di ba?

  3. nakow!!! sumasakit din ulo ko potski kung sino iboboto ko..

    nakakasuka na ang mga pagpapalapad ng papel sa mga commercial haizzz

    sino kaya ang pipiliin ?

    ang gagawin ko presidente wahahahaizzz

    kaw potski di ka ba tatakbo? sana maisip ng mga kandidato itong mga naisip mo.. ano sa palagay mo?

    1. kung tatakbo ako adelle eh siguradong mamamatay agad ako.. sa dumi ng pulitika sa atin.. sa malamang maraming magagalt sa akin.. naiisip naman ng mga kandidato yan.. di lang nila ginagawa… hehehehe… miss you na adelle!! sensya na di ako nakakadalaw sa blog mo.. super busy eh..

  4. kung yan ang pananaw mo, umpisahan mo sa iyong sarili. baguhin mo lahat ng mali mong mga ginagawa. isunod mo ang iyong asawa at pagkatapos sa iyong mga anak. alam mo bang sa ating pamilya lang ay marami ng dapat iayos? pag okey na ang family, lumabas ka na ng bahay mo. makialam ka na sa iyong barangay. kung kaya mo tumakbo kang chairman at alisin mo lahat ng di kanais nais na mga ginagawa ng iyong mga kabarangay. pag ayos na ang barangay, akyat ka bilang councilor, tapos congressman, vice mayor and finally mayor.bigyan na lang kita ng mga points tungkol sa mga presidentiables…. kung gusto mo lang naman. alam kong di ka bilib sa akin kaya wak na lang.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s