uno singkwenta vs. otsenta…

ok.. sabihin nating hindi ako nakapag-aral ng wikang espanyol.. siguro naman nakakaintindi ako.. at sa malamang na hindi rin ako bingi ng mga panahong iyon dahil dalawang beses ko pang pina-ulit ang sinabi ni manong side car driver…

time space warp.. ngayon din…

Manong : saan kayo?

Potpot : sa Ongpin po.. pwede ba kayong dumaan dito? (turo sa daan ng ylaya)

Manong : pwede yan..

Potpot : magkano?

Manong : dito natin idadaan para mapabilis tayo..

Potpot : singkwenta manong?

Manong : sakay na.. dali..

ng nasa malapit na kami sa estero.. yung lutuan sa may ongpin..

Manong : naku.. sta. cruz pala na Ongpin.. kala ko sa may bumbero lang..

Potpot : dun nga po sa lumang bumbero..

Manong : tsk.. tatlong tulay na dinaanan natin.. uno singkwenta na ito..

Potpot : ANO?!?!? UNO SINGKWENTA?!? ANO KAYO? TAXI?

Manong : eh hindi naman ninyo sinabing lumang bumbero, kala ko sa may eng bee tin, yung may ube na bumbero.. kaya uno singkwenta dahil sa tatlong tulay..

Potpot : MAY ENG BEE TIN DIN NAMAN DITO AH!??! ANG MAHAL NG SIDE CAR NINYO!?? NANININGIL KAYO NG UNO SINGKWENTA MULA DIVISORIA HANGGANG ONGPIN?!?! ANO TO?!?! AIRCON NA SIDE CAR?!?!

Manong : sabi ko otsenta..

Potpot : SABI NINYO UNO SINGKWENTA.. ANG LAYO NAMAN NUNG DALAWANG SALITA NA YUN?!?! DITO NA LANG KAMI.. AYAN NA SINGKWENTA MO…

Manong : sakay na kayo uli.. otsenta na lang..

Potpot : HINDI NA! MAGLALAKAD NA LANG KAMI!! GINTO MASYADO ANG SIDE CAR NINYO..

Manong : sabi ko otsenta.. wala akong sinabing uno singwekta..

Potpot : AHH GANUN BA?!?! SORRY BINGI AKO AH!

lokong mama yun.. gusto pa eh pagdilatan ko pa at lakihan ko ng butas ng ilong bago pa masindak.. umaabuso ang mga taong ganito.. dapat dito isumbong sa pulis.. pangkalawakan.. pasok shaider!

tigilan na po sana natin ang pananamantala sa kapwa.. alam naman naming nagtatrabaho tayong lahat.. pagkakamali ko siguro di ko nilinaw kung saang bumbero.. pagkakamali mo.. di ka nagsasabi ng presyo mo.. pasakay ka na lang ng pasakay.. kaya manong.. kung nagbabasa ka ng blog ko.. TANGINA MO! UNO SINGWENTA SINABI MO AT HINDI OTSENTA… AT HINDI UNO SINGKWENTA.. DAPAT AY SIENTO SINGKWENTA! BWISET!

disclaimer—ang nakasaad na pagsasalarawan sa post na ito ay pawang kathang isip lamang.. kahit ito ay naganap sa totoong buhay… hindi po totoong may time space warp.. nililinaw lang po.. salamat..

7 thoughts on “uno singkwenta vs. otsenta…

  1. adik naman kasi si manong driver… at saka ako, pag sinabi niyang uno singkuwenta baka inde ko pa maintindihan yun… ahaha…

  2. Tama ka Pot. Hindi mo muna inalam kung magkano ang kanyang singil. Ganyan ang paguugali ng mga driver, kung makakaisa, iisahan ka. Kaya yang mga yan ay matitigok na driver. Alang puwang sa kanila na umasenso. Mapagsamantala, madaya, mapangisa, alang disiplina, di marunong sumunod sa batas, hudas, bastos, walang modo, alang urbanidad, hayup, etc. etc. etc. O ano pa ang idadagdag mo Pot? Di ka nagiisa Pot. Ako nga na 64 years old ay pinagmumura pa eh. Nagsumbong ako sa Barangay para malaman nila na iba iba ang singil sa atin, ano ang napala ko? WAAAAALA!!!!!

  3. hi pot… nakikibasa lang ahehehe…. ahahaha dagdag bawas… minsan kasi dapat dinadaan sa rahas yang mga magugulang na yan…. may taxi din akong nasakyan na sobrang bilis ng metro… ang sabi ko manong may lakad ba yang metro mukhang nagmamadali ah…. namiss kita pot!!!! cheers-glesy the great

  4. sobra binayad mo pot! kung uno singkwenta nag siningil sa iyo, dapat binigyan mo ng dos pesos, may sukli ka pa singkwenta sentimos…saka easy lang sa pagmumura….ang puso mo…hehehehe

  5. Hot na hot ka a. Haha. Im such a wimp (Engles???) Kasi ako nahihirapan maki debate pag ganito e, baka kasi saksakin nalang ako bigla…butit nasampolan mo.

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s