tatambulin kita…

nagbalik tanaw na naman ako kanina dahil nung papasok ako sa opisina ay may nakasalubong na prosisyon yung jeep na sinasakyan ko…

noong elementarya ako, may bagong club na ipinakilala sa aming paaralan, yan ay ang drum corp.. naengganyo ako noong sumali dahil mahilig akong mamukpok ng mga bagay-bagay kaya nung nagkaroon ng pagkakataon na makasali, ako ay napasali..

pag-akyat ko pa lang sa may deck ng aming paaralan na kung saan naroroon ang mga tambol na bagong bili, medyo napaatras ako, kasi halos lahat na ng mga bata ay may hawak ng tambol at feeling ko ay “i am not welcome” sa mga tingin nila sa akin..

noong mga panahon pa naman ay mahiyain ako at di makabasag pinggan at nung nakasali ako sa grupo na parang kakainin ako ng buhay ay agad-agad akong umalis at di na bumalik pa…

lumipas ang mga araw at tumutugtog na sa mga iba’t ibang okasyon ang drum corp at nakakatuwa kasi ang huhusay nilang pumalo ng tambol.. umiral na naman ang inggit ko sa katawan pero di ko na tinangka pang sumali muli dahil ang prinsipyo ko na noong bata pa ako ang umiral sa akin… may prinsipyo na pala ako noon…

fast forward.. high school…

naaaliw pa rin ako sa drum corp.. pero noong nadagdagan na sila.. ang tawag na ngayon sa kanila ay drum and lyre corp.. at di lang yun.. meron din kaming mga marjorette… at dahil sa ako ay nagdadalaga.. este nagbibinata ng mga panahon na yan.. nais kong sumaling muli, hindi dahil naaaliw ako sa mga tumatambol.. kundi naaaliw na ako sa mga marjorette… gusto kong maging marjorette.. este nakakatuwa kasi sila.. bakit kanyo..

1) ang huhusay nilang magwagayway ng flag..

2) ang iiksi ng mga skirt nila.. at kahit naka shorts sila, naaaliw akong tumitig sa mga legs na mapuputi…

3) karamihan sa mga marjorette ay magaganda at cute..

4) at halos lahat sa kanila ay mga dalagita na…

at dahil jan.. ako ay muling sumali sa club.. pero sa kasamaang palad.. ako ay hindi napabilang sa mga tagatambol.. bagkus ako ay nailagay sa lyre group dahil marunong akong bumasa ng nota.. note.. kasi nga marunong akong mag play ng aking organ… seryoso.. may malaki kaming organ sa bahay noon.. yung pangsimbahan.. pero ngayon wala na eh..

ewan ko ba pero lahat ng mga lyre members namin ay babae.. ako lang ang nag-iisang lalake.. sign ba ito? hindi naman siguro… pero nakakaaliw sya.. pinauso namin ang tugtog na cedie at ang kanta ng jollibee na “isang tulog na lang”.. tuwang-tuwa noon ang buong campus at ang mga binibisita naming schools.. dahil siguro nagsawa na sila sa mga lumang tugtugin..

at ng tumagal.. ako na rin ang naging kunduktor.. hindi ng bus ha.. yung kunduktor sa banda..

at ano ang moral ng storya ko ngayon.. simple.. wag kang tititig ng matagl sa legs ng mga marjorette kung ayaw mong masampal ng wala sa lugar..

😛

5 thoughts on “tatambulin kita…

  1. i remember the days and the stories…kakatuwa…natatawa ako habang binabasa ko post mo…nag fast rewind ung high school…naalala ko si Mrs. Economics and History…naalala mo pa ba siya Pot? hehehe

  2. Hahaha.In na In yan noon! Grabe! Na try ko lahat exept tambol. Nag lyre (nagpanggap lang, di pala ako marunong) tas naging marjorette. May elimination round pa nga noon kasi 2 lang daw ang pwede, kaya ako naman, mega kembot lang. (Agh. bat ba ko nauto ng nanay ko noon) pero ok lang, nakuha ko yung isang slot.haha, Tas naging flag ek ek din! Hehehe! Ang saya!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s