adiktus moment…

meron ata talagang panahon na maaadik ka sa mga bagay na di mo naman aakalain kakaadikan mo ngayon matanda mature na ang pag-iisip mo..

habang ngumangata ako ng turon at naglalaro ng restaurant city ay bigla na namang nagflash back sa akin ang nakaraan..

time space warp.. ngayon din! (to the tune of shigi-shigi)

noong uso pa ang betamax at medyo bago-bago pa ang laser disc, mahilig kaming magpa member noon ng ate ko sa mga video rental stores para makapanood ng mga medyo bagong pelikula.. naalala ko pa nga na ang paliwanag nila sa laser disc ay kahit ultimo nunal sa singit ay kitang-kita mo kapag nanood ka ng x-rated.. at karamihan din sa mga VHS noon ay may nakalagay na “laser copy”.. naknangteteng.. nakita mo naman ang pagkamalikhain ng pinoy ano.. kung merong xerox copy at powder copy.. meron namang laser copy.. astig…

nataon na ang ate ko ay naka duty dati sa metropolitan hospital sa may bandang masangkay at kadalasang nakikisabay akong umuwi sa kanya dahil may sasakyan siya at nang gagaling ako sa YWCA YMCA sa may gandara galing piko championship basketball o kaya ay chinese garter tournament swimming lessons..

naaliw ako sa dami ng selection ni manong chups (tinawag ko siyang manong chups dahil lagi siyang naka nguso sa di ko alam na kadahilanan)  mula cartoons tulad ng my little pony at rainbow bright hanggang sa mga hardcore collection tulad ng taboo series… kumpleto..

eh dahil mahilig ako sa medyo comedy na palabas.. nirentahan ko yung back to the future 1.. kahit alam kong napanood ko na siya noong bata pa ako.. gusto ko siyang panoorin.. at dun nagsimula ang lahat..

alam ba ninyo na sa kaadikan ko.. mula 7 ng umaga hanggang 8 ng gabi.. ang pinapanood ko lang buong summer ay back to the future trilogy?? kapag kakain na ay inaakyat ko sa kwarto ang pagkain at nanonood ako, pause muna kapag bibisita ako sa CR.. at kadalasan ay naliligo na ako sa gabi at simpleng buhos lang dahil nagmamadali akong makapanood.. at kada nood ko.. parang di ko pa siya napanood.. parang bagong palabas.. lagi akong excited.. tumatalon pa nga ako sa kama kapag may chase scene or kapag yung suspense na yung eksena.. at di lang yan.. buti kamo at mahina akong mag memorya ng script dahil kung magaling akong magkabisado ay sa malamang sinasabayan ko ang bawat salita habang pinapanood ko.. totoo ito.. walang halong biro.. tumagal ang addiction ko hanggang matapos ang summer.. at aaminin ko na kahit hanggang ngayon.. kung may mapanood ako na back to the future kahit sa HBO.. ay napapahinto ako ng channel surf para lang panoorin ito.. adik? hinde ah.. passionate lang ako sa panonood ng back to the future..

ewan ko ba.. siguro noong mga panahon na iyun ay naiintriga ako sa time travel at parang naniniwala ako sa konseptong ito.. dumating nga ako sa puntong iniisip ko na ang ginagalawan natin ngayon ay ang past at ang tinatawag nating future ay ang present.. ang gulo no.. pero ganun ako kaadik.. peks man..

ganun pala.. para sa akin ang depinisyon ng pagiging adik ay di lang sa droga, sa babae o sa alak.. ang addiction pala ay kahit saang bagay na sa tingin mo ay makabuluhan dahil ito ang nais mong isipin.. pramis..

kayo? saan kayo naadik?

8 thoughts on “adiktus moment…

  1. first time ko dito. actually second pala kasi nag-comment din ako sa entry mo tungkol sa wrestling.

    gustung-gusto ko rin ang back to the future trilogy. di ako nagsasawang panoorin ito ng paulit-ulit. kasing gusto ko siya ng star wars at matrix trilogies. pero hindi kasing gusto tulad ng balir witch trilogy. ang pinaka-boundary ko kasi sa pinakamababa ay ang scream trilogy. ang pinakamataas naman ay ang ballad bidyu trilogy (november rain, estranged, at don’t cry) ng gangsenroses.

    astig itong blog mo. idol na kita. \m/

    1. mabuti naman at nakahiligan mo ang blog ko… maraming salamat.. madaming magagandang palabas.. hayaan mo.. papanoorin ko ang mga ni recommend mo.. di ko pa napapanood yang ballad na yan..

  2. try mo naman Dejavu ni Denzel Washington… time travel din sya. wala nga lang syang car at hinahabol na time sa isang malaking orasan… pero enjoy pa rin (for me at least). I love back to the future because of Michael J Fox hahaha. Pero hindi yata kasing adik mo.

  3. hehe..pareho tayo adik sa back to the future. eksheli, meron din ako trilogy nun, ni download ko pa talaga para anytime na gustu ko mapanood meron ako.😀
    bukod sa movie, mahilig ako magbasa. kahit ano’ng pwedeng mabasa, uupuan ko talaga.
    pero mas adik ka pa rin, kase buong summer mo pinanood ung movie hehe..kulit.

    1. buti ka pa aling baby mahilig magbasa.. ako.. ewan ko ba.. di ko magawang magbasa ng tuloy-tuloy.. kainis… at inuulit ko.. di ako adik.. passionate lang…

  4. Hay naku sana itinaytel mo na lang… passionately adiktus…

    Uulitin ko… sabi mo hindi ka adik… passionate lang.

    welcome to passionate blogging again pot. hahaha.

  5. galing nman neto.. cool……………………………………………

    prang nag time warp na rin kami pabalik sa blog na toh wah..

    cgurado pati taboo ndi nakalampas sau..
    pag winter na dva..

    MP..

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s