puna at payo..

Lingid sa kaalaman ng iba, ibinahagi ko na ang aking mana sa kawang-gawa upang makihalubilo sa masang pilipino, at dahil diyan, ang mga mamahaling sasakyan ko ay kasama kong naibahagi sa mahihirap kaya ngayon, ako ay isang ordinaryong tao na sumasakay ng pampublikong sasakyan..

Magbibigay lang po ako ng mga puna at payo na tiyak ika-uunlad ng lahat dahil ito ay makabuluhan at napapanahon.. sisimulan ko na..

Ilang buwan na rin akong sumasakay ng LRT/MRT kaya madami na rin akong napupuna na di kaaya-aya sa ating lipunan.. hayaan ninyong magbigay ako ng kaunting puna at payo para sa ating mga kababayan…

1. “Baktol ay iwaksi.. huwag ipasa sa katabi”

Kadalasan, pagnatataong rush hour at papasok pa lang ako ng opisina, ang mga nakakasabay ko na sumasakay sa magallanes ay mga taong maghapong nagtrabaho.. hindi naman ako tutol sa kanilang kasipagan.. pero payo lang.. kung alam mong basa ang kili-kili mo at may natatanging amoy.. wag mo ng ikiskis sa polo ng katabi mo… hindi rin naman ito mawawala kahit na ilang beses mong ipahid ito sa katabi mo.. isipin mo rin na kawawa naman ang katabi mo.. lalo na kung ako yun.. ok? k…

2. “Ang pagsiko at pagbalya.. sa basketball na lang ipakita..”

Huwag na nating ipagdiinan na paborito natin ang larong basketball sa pamamagitan ng pag balya at pagtulak sa loob at labas ng LRT/MRT… alam naman natin na panalo na ang lakers… maaaring makadulot ito ng aksidente o kaguluhan kapag pinagpatuloy pa ito.. matutong gumamit ng salitang “excuse me”, at “makikiraan po”.. di ba mas magandang gawin yun…

3. “kung nakikinig sa musika, siguraduhing nakasaksak sa iyong tenga”

Uso ngayon ang mga cellphone na may mp3 player.. kung maaari ay gawing personal ang pakikinig ng musika ng sa gayon ay di maabala ang ibang mga pasahero.. nakakahiya naman kasi.. at kung kayo’y naka headphone.. hina-hinaan ninyo.. kasi parang naka speaker din kayo sa lakas ng volume ng mga player ninyo.. di ba magandang maging mystery ang pinakikinggan ninyo.. hindi yung napakalaki ng katawan mo na pwede kang pumasang bouncer tapos ang maririnig naming pinakikinggan mo ay kanta ng wonder girls na nobody but you.. di ba ang sagwa..

4. “wala ka sa bahay mo, kaya hinaan mo ang tawa mo..”

Hindi naman pinagbabawal ang pagtawa sa loob ng tren pero kung maaari, hinaan mo naman ito.. hindi yung para kang nakarinig nag pang okray ng bakla sa comedy bar… maging sibilisado.. nakajaporms ka nga.. mukhang bagong ligo.. naka pomada ang buhok.. pero kung makatawa ka para kang nasa palengke.. konting hina lang please..

5. “huwag magpakaungas… tumabi kapag may lumalabas..”

Lahat naman po tayo ay nagmamadali.. tandaan.. mas mabilis ang pagsakay mo kung pagbibigyan mo ang lumalabas.. eh minsan kasi hindi pa nakakalabas ang mga tao sa tren.. pilit mong isinisiksik ang sarili mo.. laging isipin na di ka rin makakapasok kung di makakalabas ang mga tao… pwede? PWEDE..

6. “hello, hello..megaphone ba ‘to?”

Hindi maiiwasan ang pakikipag-usap sa cellphone sa loob ng tren.. pero please lang.. wala tayo sa balagtasan.. at wag mong gawing walkie-talkie ang cellphone mo.. matutong gumalang sa ibang tao na nakasakay sa tren…

7. “chika-chika.. makakating dila..”

Hindi po pinagbabawal ang makipag-usap sa mga kasamahan sa loob ng tren.. matutong hinaan ang boses kapag nakikipag-usap.. minsan kasi para akong nakikinig ng programa sa radyo.. yung mga tungkol sa showbiz.. sa ingay ng mga tao.. at take note.. mas madaldal ang lalake kumpara sa babae…

8. “komento, komento… isa ka bang sira-ulo?”

Likas na ata sa ating mga pinoy ang ma-komento sa lahat ng bagay sa mundo.. and with conviction yan ha.. pero sana iwasan na nating magsalita kapag siksikan na.. bukod sa hindi naman nakakatulong ang mga komento mo na parang sa mga AM radio.. eh makakabawas pa kayo sa air pollution dahil hindi maaamoy ang baho ng hininga ninyo… at kung mag-isa ka lang.. sarilihin mo na lang.. napapaisip tuloy ako kung baliw ko o may sapi kapag nagsasalitang mag-isa…

Yan lang naman ang mga puna ko at payo para sa mga kaibigan nating sumasakay ng tren… kayo.. may maipapayo pa ba kayo sa mga kaibigan natin? comment na…

16 thoughts on “puna at payo..

  1. pwede ko bang iprint to at gawing font 72 at ilalagay ko sa MRT. Para mag bago naman ang karamihan at matulad sa akin na napakabuti ng puso. Yown lang.

    Kthanksbye!

  2. miss mo n kasi ang japan… lhat ng sinabi mo halos bawal sa japan, pwera “Baktol ay iwaksi.. huwag ipasa sa katabi” ay sus, mas matindi nmn dun.

    1. kinilig naman ako sa sinabi mo attorney… eh mga pang araw-araw ko lang na karanasan yan no.. pwedeng-pwede siyang ilathala attorney, no prob.. anonymous na lang kasi baka sugurin ako ng mga tao sa LRT/MRT sa bahay namin.. patay..

  3. wahahahaha… medyo tinamaan ako don sa malakas magkwentuhan at tumawa pag kasama ko mga dbarkads ganyan kame eh… Pero di naman ako nambabalya at tumatabi ko pag may lalabas… pati hindi din basa kilikili ko…. hihihi

  4. sobrang nami-miss ko na ang ganyang ekssaena sa mrt. ang daming nakakaasar at lahat ng nabanggit mo ay naranasan ko na. isama mo dapat yung mga lintek na perverts. yung mga machong mcaho na etits ang gusto. nakakainis sila pero i must admit na ang mga listahan na yan ang mga nagbibigay adventure sa buhay commuter!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s