init.. lamig…

Masikip sa loob ng MRT ng makisingit ako para makapasok sa may bandang gilid dahil nga nagsusumiksik ang mga tao sa may bandang pintuan..

Nakatayo ako sa may bandang gitna at medyo nakatayo lang ako dahil sa sobrang siksikan ng may tumayo sa may bandang likod ko at pumuwesto …

Di ko namalayan kung sino siya pero naaninag ko siya nung tumingin ako sa bandang kanan ko… medyo may katangkaran siya, mahaba ang buhok at nakaputi…

Suplado kasi ako kapag sumasakay ng pampublikong sasakyan, kung wala lang akong makikita na kakilala ko.. panis lang ang laway ko at asahan mong nakikinig lang ako ng walkman ko…

Habang umaandar ang tren.. di naman maiiwasan na magkabanggan ang mga sangkatauhan.. pero damang dama ko ang paglapat ng dibdib ng nasalikuran ko sa aking likod…

May kakaibang init ang naramdaman ko.. hindi naman ako madaling mag-init sa MRT dahil lagi akong nakatutok sa buga ng aircon.. pero sa mga sandaling iyon.. dahang-dahang tumutulo ang pawis sa may gilid ng pisngi ko.. at nagsisimula ng magbutil-butil ang pawis ko…

Hindi ko na sana papansinin ang mga kaganapan na yun.. pero habang tumatakbo ang tren, unti-unting kumakapit ang mga kamay niya sa may tagiliran ko.. sa mga oras na iyon ay nanghihinayang ako kung bakit hindi ako nag sisit-ups para naman mabawasan ang aking bilbil dahil nakakahiya.. wala man lang siyang nakapang pandesal.. puro monay at mamon lang sa lambot…

Hindi na ako makatiis.. malapit na akong bumaba.. kaya naglakas loob na ako.. dahan-dahang tumalikod ako upang makilala ang nagbibigay sa akin ng panandaliang init sa isang malamig pero siksikang lugar..

Ayan na.. 45 degrees.. 60.. 90.. 120.. PUTANGINA!

Isa palang bakla na mataba ang nasa likuran ko..

Nanlamig ako at nagpatay malisya at kunwaring napaharap ako sa maling pintuan.. at bumalik ako sa dati kong pwesto.. kasabay ng panggigit-git ko sa may tao sa unahan ko para makaiwas sa nasa likuran ko..

Loko yun… este loka pala…

4 thoughts on “init.. lamig…

  1. Haha. Natatawa ako sa experience mo. May MRT stories din ako sa blog ko pero hindi kahalayan at kamanyakan tulad ng sayo. Haha.

    Ang mahiwagang kamay ng baklita. Euw. Haha.

  2. meron din akong ganyang experience. madaling araw papauwi ako. madilima ang kalsada. maya-maya napansing kong may sumusunod sa akin. lumiko ako sa kanto at sumunod siya. natakot ako. binilisan ko ang lakad at binilisan din niya ang lakad. hanggang nasa likod ko na siya.

    may ibinullong siya sa akin…

    “Hi, pogi.”

    Namura ko tuloy.

    hehehehe!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s