svenson…

kasalukuyang bumabyahe ako papasok ng opisina ng nakita ko ang isang billboad sa kahabaan ng Edsa.. yung billboard ng svenson.. at bigla na namang nagkaroon ng flashback sound at nag travel ako sa nakaraan..

Taon – 1992

2nd year high school pa lang ako noon.. walang kamuwang-muwang sa kamunduhan.. pero bihasa sa mga kalokohan…

sa isang binatilyong tulad ko.. dito yung stage ng adolescence.. na kung saan ang mga tulad ko ay may mga pagbabago sa pisikal na katangian na di maitatago… halimbawa nito ay ang pagbaba ng boses.. pagtangkad… at pagkakaroon ng mga buhok sa mga lugar na dati’y wala namang tumutubo…

nakahiligan naming magkakaibigan sa klase na pagkatapos ng aming pasok sa paaralan, ay tatambay kami sa bahay ng isa naming kaibigan at magtugtugan.. o di kaya ay manood ng mga palabas tulad ng wrestling at wrestling sa kama…

uso din kasi ang yabangan noon sa mga katulad naming mga binatilyo kaya uso din ang mga “palakihan”, “patabaan”, “pahabaan” at kung ano ano pang “pa”..

yung isa sa amin ay naghamon..

“Mga tsong.. sino sa inyo ang may bulbol na?”

Tawanan ang lahat.. seryosong tanong pero nakakatawang isipin..

Lahat ay nagsabing meron ng buhok sa may bandang gitna ng katawan…

“Sige mga ‘pre.. magpakitaan tayo kung matapang tayo”

Pambihira.. sa tingin ko bading ang isang ito..

lahat ng mga nandoon ay isa-isang nagpakita ng buhok..

at kada pakita.. yung iba ay nanlalaki ang mata at yung iba naman ay napapa-apir sa mga naglakas loob na nagpakita.. pero natakot kasi ako.. mahiyain kasi ako nung mga panahon na yan at di naman ako isang bulgar na tao…

ako na lang ang di nagpapakita.. at pinagpapawisan ako ng malagkit.. kaya nagkakaroon ng biruan at asaran..

“supot ka pa ata pot eh..”

“wala ka namang buhok..”

“siguro maliit yang iyo?”

sige na.. buong tapang kong pinakita ang malabalahibong pusa kong buhok sa bandang gitna ng aking katawan…

tahimik ang lahat…

biglang sumigaw ang isa..

“PELUKA!”

at ako ay nabansagang peluka hanggang sa ako ay naka graduate ng high school…

 ang saklap…

2 thoughts on “svenson…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s