pagkakasabi at pagkakarinig…

madalis kong marinig na sinasabi ng mga matatanda na..

“saan nahuhuli ang isda? sa bibig!”

nung una kasi di ko magets.. high pa ata ako sa kasisinghot ng ajinomoto noong bata pa ako kaya hindi ko maintindihan.. pero ngayon napakaliwanag ng mensahe na yan para sa akin..

pero ang daming sumagi sa isip ko noon kung bakit nila sinasabi ito.. eh di ba..

– sa fish pond or sa dagat nahuhuli ang isda..
– paano kung gumamit ka ng lambat? eh di hindi niya ginamit ang bibig niya para mahuli siya.
– kailangan pa ba ng bulate para sa bibig mahuli ang isda?
– dati nga akala ko sa salitang “nahuhuli” ay “na-le-late”
– anong klaseng isda ang dapat hulihin sa bibig?

kapag bata ka talaga, nagiging literal ka, pero pag matanda ka na at iniiisip mo yan.. sasabihin ng tao na isa kang pilosopo.. totoo di ba? tapos na kasi tayo sa yugto ng ating buhay na lahat ng sabihin mo ay literal.. gumagamit tayo

ng mga salitang naihahalintulad natin sa ibang bagay para maipaliwanag ng maayos ang bagay na nais mong tukuyin..

sa madaling salita.. may malisya na ang lahat ng sabihin mo.. kahit literal pa siya.. bastos ka na sa paningin ng ibang tao.. halimbawa nito ay ang paglalaro ng mga salita na napagkatuwaan na nating mga pinoy..

“Patikim ng Pinya”, “Ang Tikoy Matigas Na”, “Isubo Mo ang Biko”, “Malaki at Mabuhok na Pokemon”, “Malaking Titik O”, “Magpapa canton ako”, “Ang Lansa ng Tahong”, at kung ano-ano pa..

pero isipin ninyo ito.. minsan wala sa nagsasalita iyan.. sa nakakarinig ang may problema.. kasi kung wala namang malisya sa pagkakasabi, bakit mo bibigyan ng malisya sa pagkakarinig?

3 thoughts on “pagkakasabi at pagkakarinig…

  1. alam mo Pot,pag ang nakarinig ay kakampi o kaibigan mo sa kanya ay biro lang ito pero ngunit at subalit pag ang nakarinig nito ay kaaway o naiinggit sayo bastos ang dating mo o kaya ay may double meaning ito🙂

  2. either way..malisyoso/a ang mga tao.

    if its not what you meant, and nagkaron ng different meaning, i think di mo na problem yon. and vice versa

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s