sampayan…

kadarating ko pa lang sa bahay galing opisina, biyernes, nakakapagod.. pinilit kong kumilos dahil kailangan kong maglaba dahil wala akong panibagong isusuot sa darating na lunes.. hinubad ko ang aking coat, tinaggal ang necktie, hinubad ang pantalon, polo at medyas.. naka boxers na lang ako at yung tshirt na panloob.. malamig.. kaya medyo baktong ako..

pinagsama-sama ko ang mga puti at de-kolor, mga pang-alis at pang-bahay, hiniwalay ko din ang mga pantaas at pang-ibaba para maayos silang maisalpak sa loob ng washing machine.. madali lang maglaba.. lahat automatic..

toot.. toot. toot.. pindot-pindot.. makalipas ang 45 minutos.. tapos na ang unang grupo ng labahin.. inalis sa washing machine… kinuha ang mga hanger at lalabas sa may likod bintana para isampay..

pagbukas ko pa lang ng kurtina ay napansin kong may nagsasampay din sa katapat gusali… medyo singkit ang mga mata.. maputi.. makinis.. medyo mahaba ang buhok kasi nakapusod ito.. at bigla na lang nagtagpo ang mga mata namin… hindi ko alam kung ilalayo ko ba ang mga tingin ko o patuloy kong ibababad ang aking mga mata sa mapupungay niyang titig..

tumango ako hudyat ng pagbati.. tumango rin siya hudyat ng pagkilala.. nagngitian kami..

“Musta?” bati ko.

“Ayos naman. Kakalipat mo pa lang?” tanong niya.

“Oo.. nung nakaraang linggo.” sagot ko habang nagsasampay.

“Maganda dito, tahimik saka malapit sa palengke.” magandang sabi niya.

“Oo nga eh.. panalo dito sa lugar niya.. syanga pala.. ako si Potpot.” sabay abot ng kamay ko..

“Ako nga pala si…” di pa niya nasasabi pangalan niya ng..

Kriiing..Kring.. tunog ng cel phone niya na agad niyang sinagot, ni hindi man lang dumapo mga kama niya sa kamay ko.. sayang..

sumenyas siya na kakausapn lang niya sandali at pumasok na siya sa bahay niya.. sa edad ko na ito.. di ko na dapat pa pansinin ang mga kilig na nararamdaman ko ngayon.. pero di ko mapigilan..

doon nagsimula..

halos araw-araw akong lumalabas sa may balkon upang hintayin ang paglabas niya.. at natataon na nagkikita kami at nagkakakwentuhan tungkol sa mga buhay-buhay… masarap siyang kausap.. hindi nakakabato.. at nagugustuhan ko rin kapag siya ay napapatawa at napapangiti, napakaganda ng mga ngiti niya..

lumipas ang araw, linggo, buwan at patuloy ang aming usapan… parang wala ng katapusan ang lahat..

pero natigil iyon isang araw.. di ko na siya nakikitang lumabas ng kaniyang balkon.. hinahayaan ko na nga lang bukas ang aking kurtina upang matanaw siya kapag lumabas pero hindi na siya nagpapakita.. marahil nahalata niya na may pagtingin ako sa kanya kaya siya umiwas…

isang araw.. natapos akong maglaba.. at muli pag hawi ko ng kurtina ay naroon siya sa katapat gusali.. nagmumuni-muni sa kawalan.. nakatingin sa kalangitan.. sasambit sana ako ng isang magandang gabi pero may biglang yumakap sa kanyang likuran.. hindi ko dapat maramdaman ang naramdaman ko nung mga panahon na iyon pero hindi man lang nagpasabi para nakapag handa ako.. yun pala ang kanyang kasintahan.. hindi na ako nakatitig pa.. hindi ko na dinagdagan ang sakit na unti-unting kumakain sa puso kong tumitibok.. at habang nagsasampay ako.. nagsalita ka.. at sa huling beses ako ay nakinig..“Pre.. eto pala syota ko, si Lisa..”

Tumango ako at kumaway.. sabay tuloy sa pagsampay.. at habang ginagawa ko yun.. tumulo ang luha sa aking mga pisngi.. sayang di ka naging akin… fafa…

One thought on “sampayan…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s