edad…

langhiya.. matanda na ako.. kailangan ko na atang uminom ng glutaphose o kaya ay uminom ng sustagen prime… di ko akalain na sa edad kong 31 27 ay marami akong nakakalimutang mga bagay.. halimbawa..

ang laptop na ginagamit ko sa opisina na pang surf ko ng porn educational materials ay nilalagay ko sa cabinet kapag ako ay umuuwi, sukat akalain nyo ba namang iniwan kong hindi naka lock yung cabinet.. buti na lang yung pinaka matangkad naming team leader ay kinuha ang laptop ko at itinago.. nag iwan pa sya ng note..

“HOY BAKLA! YUNG LAPTOP MO MATSUTSUGI PAG DI MO NI LOCK ANG KWEBA MO.. WAG KA NGANG MAGMALDITA SA SUSUNOD HA..”

ang sweet nya talaga.. kaya yun.. sorry ako ng sorry.. paano daw kung may makakuha ng laptop at maibenta sa gilid ng recto o sa raon.. tsugi ang beauty ko sa kumpanya…

isa pang halimbawa.. ilang beses na kapag nagluluto ako.. iniiwan kong nakabukas ang kalan, kahit sabihin kong medium lang yan, syempre nag eemit pa rin ng init yan.. so ayun.. yung nilagang manok na niluluto ko nagiging dried chicken.. at ok lang sana kung ganoon.. ilang beses na rin akong nakapagpatunog ng fire alarm sa kusina.. (at oo may fire alarm ako.. rich ako eh..)

at meron pa… sa isang salo-salo.. syempre naimbitahan ako na umattend sa isang pagtitipon ng mga machong mangungulot.. at yung isang kaibigan ko ay ipinakilala ako sa isang kaibigan niya.. kakatapos pa lang i introduce.. pinaulit ko pa ang pangalan.. at pagkaalis niya.. nakalimutan ko na pangalan niya.. shet..

sabi nila, absent minded daw ako kaya ganun.. pero sabi ko naman.. baka late minded lang.. di ko nga alam kung anong gagawin ko.. kaya rin siguro kahit anong aral ko ay hindi na rin pumapasok sa utak ko.. may kinalaman kaya ito sa edad? o talagang naka indefinite leave ang utak ko? hindi ko alam.. ano nga palang sinusulat ko ngayon? shet…

One thought on “edad…

  1. ahahaha ako kaya kilala mo pa potski!

    nako may ganyan talagang pagkakataon nagiging makakalimutin … ganyan din kasi ako minsan… eka magkalapit lang tayo ng edad..

    palagay ko edad nga hahaha

    lapit na kasi bday mo eh!

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s