bakit pa ako nandito?

Ok, nagsipag ako ngayon para isa-isahin ang nasa blogroll ko at sa loob lang ng isang taong pamamahinga sa pagbabasa ng buhay ng ibang tao.. madami ng nagbago. madaming nawala.. madaming nagprivate.. madaming lumipat.. madami ang nangyari.. at hindi ko alam kung ano-ano yun..

Marahil ang mga dating masipag magsulat ay naging tamad na. Sino nga ba naman ang magtitiyagang gumawa ng blog na wala pa sa sampu ang nagbabasa (tangna parang ako ito ah).. Siguro lumipat sila sa ibang medium para maipakita nila ang kanilang tunay na sarili, kung saan man yun, hindi ko alam, pero hahanapin ko sila.. kailangan mahanap ko sila..

Ang pagboblog kasi ay isang medium na iilang tao lang ang nakakaintindi, ang nakakaunawa. Marami kasing nagsasabi na masyado ka namang self centered at sinasabi mo pa ang mga saloobin mo sa internet. Pero sa totoo lang, para sa akin, isa itong theraphy para sa kalungkutan, minsan kasi ang akala nating maliit na bagay, sa ibang tao ay isa palang napakalaking saysay..

Dahil nga wala na akong halos mahagilap na mga dating kaibigan na nagsusulat, iilan na lang sila, sinubukan kong basahin ang aking mga obra (at napamura ako dahil napaka corny ko pa lang tao) pero may mga events na naalala ako kung bakit ko naisulat o naibahagi yung post na yun.. at yun ang nagbiay linaw sa akin kung bakit patuloy pa rin akong sumusulat sa cyberspace.. hindi para makilala, kundi para maalala ko ang mga kalokohan kasiyahang naganap sa buhay ko..

Naniniwala ako na lahat ng sinulat ko ay may pinaghugutan.. mapaseryoso man o hindi.. may kanya-kanyang elemento na kumukumpleto sa aking mga post…

– ang mala beki kong pananalita..
– ang mga bonggang pictures ko..
– ang mga wrong spelling at wrong grammar..
– ang mga mala-telepantasyang kaganapan sa buhay ko..
– mga reklamo at inis sa buhay..
– mga puna at payo..
– mga landian at harutan..
– etc.. etc.. etc..

ngayon.. malinaw na sa akin kung bakit ako nagsusulat at bakit patuloy akong gumagawa ng mga post na sa tingin ko naman ay ang nanay ko lang ang nagbabasa.. alam nyo ba kung ano yun?

MARAMI AKONG ORAS AT PAG HINDI KO GINAWA ITO BAKA MASIRAAN AKO NG BAIT!!

marami akong gustong i-share na kapupulutan ng aral at kasiyahan.. o ha!

2 thoughts on “bakit pa ako nandito?

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s