3D glasses…

Pinag-uusapan namin kaninang lunch ang panonood namin ng Harry Potter 7 sa darating na November 20. Excited ang karamihan dahil nga mukhang maganda siya.. kaya nagpaplano na kung saan manonood, saan kakain at magkano budget…

Napunta ang usapan sa panonood ng 3D, nung dati kasi hindi naman ang buong pelikula ang 3D, mga 10 minutes lang  kaya parang bitin.. mukhang ngayon kasi ay full movie na 3D, iilang palabas pa lang ang napanood ko na 3D kaya hindi ko pa rin masyadong masabi kung maganda ba o hinde..

Tapos ay napunta ang usapan sa “kaibigan” ng isa naming kaibigan.. naaawa daw kasi siya sa “kaibigan” niya pag nanonood ng 3D kasi daw gumagamit pa daw ito ng panyo o kaya naman laging nakahawak sa salamin.. sinasabi niya na wala daw paglalandingan ang 3D na salamin sa mukha nito.. sa makatuwid, PANGO ang “kaibigan” niya…

Sinabi ko na parang ayaw kitang maging kaibigan.. kasi kung naawa ka pero tumatawa ka.. hindi ko maimagine paano kung natutuwa ka sa kanya…

Actually.. naawa ako sa “kaibigan” ng kaibigan ko.. kasi nga hindi naman katawa-tawa ang mga taong hindi gaanong biniyayaan ng kakayahang makalanghap ng hanging sariwa.. hindi nila kasalanan na iyun lang ipinagkaloob sa kanila.. siguro nung nagsabog ng tangos ng ilong noon.. natutulog sa pansitan yung “kaibigan” ng kaibigan ko.. wag natin silang husgahan dahil sa kanilang pisikal na pagkukulang…

Parang ayoko ng sumama sa panonood kung may kasama kaming pango.. pero sa totoo lang.. . nasaktan ako kasi.. GANUN DIN AKO MANOOD NG 3D!! MAY PANYO O KAYA NAKAHAWAK SA SALAMIN! pero take note.. hindi ko sinabing pango ako… pwede nyo akong tawaging.. hmmm.. “a person who lacks oxygen intake”… O HA!

2 thoughts on “3D glasses…

  1. lol… gusto ko din manood.. actually, nagbebenta sa 711 ng tickets na.. kaso alang malapit na sinehan dito samin.. huhuhuhu…

Anong say mo?

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s